🤦‍♀️ INAMORATA 1

13 2 1
                                        

NAKAKAPAGOD ang isang araw na paglalaba ng mga maruruming damit ng mga magtutubo sa asukarera ng mga Montealegro. Meron kasing dalawangput limang magtutubo ang nakatira sa Hacienda ng mga Montealegroat lima silang naka tuka sa paglalaba kasama na dito ang kanyang Ina. Hindi naman siya nag rereklamo eh, nakakpagod lang talaga. Napaunat siya ng kaniyang likod ng magsalita ang kaniyang nanay.


"Anding, Anak? Tapos kana ba diyan? May mga damit pa tayong kailangang isampay sa likod, pinapadali ni Madam Caridad."

Malapit na siyang matapos, isasampay niya na lamang ito.

"Malapit na po Nay, itong mga puti na lang ang isasampay ko at tapos na, ang sakit na ng mga braso't likod ko."

"Hayaan mo at makakahanap din tayo ng ibang trabaho nak, magbubukas daw dito ng isang malaking factory anak, patahian daw, susubukan kong mag apply para may pang matrikula ka sa susunod na pasukan"

Isang taon na lang, makakapagtapos na siya sa kolehiyo, Teacher ang kinuha niyang course, sa bayan nila. Gusto ng ina niyang sa maynila siya magaral pero ayaw niya, dagdag gastos lang yun. Kailangan nilang mag tipid.

"Nay huwag niyo na po akong aalahanin. Itago niyo na lang po ang pera para sa gamot niyo, kaya ko pa naman ang night shift sa club Nay. Mabuti na lang talaga at walang pasok dahil bakasyon"

Isa kasi siyang waitress sa isang club, sa edad dalawangput-apat ay nasa kolehiyo pa lang siya, hindi kasi masyadong matustusan ang mga tuition fees sa college. Lumaki siyang walang kinikilalang ama. Hindi daw ito nagpakita pa simula ng ipagbuntis siya ng kaniyang nanay. Sundalo raw ito at may mataas na katungkulan, ang tanging alam niya lang sa ama ay ang apelyido nitong Schneider.

"Ang swerte ko talaga sayo Anak, sana di ka mag bago." Kasabay ng pagkusot into sa kanyang mga mata.

"Asus at magdadrama na naman ang nanay, huwag kayong magalala nay, pagka gradweyt ko sa college ay maghahanap agad ako ng maayos na pagtratrabahuan.

"Pasing napaka swerte mo talaga sa iyong anak, abay napakaresponsable at mabait, Hindi katulad ng ibang kabataan ngayun na napapabayaan ang pagaaral at inuuna ang paglalakwatsa. Andeng huwag mo akong kakalimutan pagyumaman kana ha? Kahit na yung imported na tsokoleyt ay OK na!" Natawa naman ang iba niyang kasamahan at ang kanyang nanay.

"Huwag ho kayong magalala at bibilhan ko po kayo ng imported tsokoleyt galing maynila, kayong lahat!!".

Nagsitawanan ang mga kasama niya sa labahan. Pinagpatuloy nila ang paglalaba ng may ma ulinigang nagsisigaw, kanila itong tiningan, paparating ang kanyang kababata si Mansing na may bulalak na korona sa ulo at isang tangkay ng sunflower. Panibagong chismis na naman ang dala nito panigurado.

Napatayo ang kanyang Nanay. "Batang ito, abay magdahan-dahan ka naman Mansing at baka matapilok ka, abay ano na ang pinagtitili mo diyan?"

"Si Nanay Pasing talaga, eneyweys, Anding hulaan mo kong sino ang bumabalik?" Parang kinikiliti ito habang nagtatanong.

Sino?

"Walang iba kundi ang nagiisang tagapagmana ng mga Montealegro at ang future husband ko, Si Eluja Adrienne Montealegro." Nakangising sambit nito. na sinamaan niya ng tingin. Sinong maysabi na future-asawa nito? "Ay future mo pala, pasensya po"

Parang may kumadlit na sakit sa kaniyang puso. Ilang taon na ba ang nagdaan?

"Ay siya nga ba Mansing? Paniguradong may malaking pagtitipun na naman sa mansyon Montealgo." Saad ng Nanay niya."Bueno at tapusin mo na ang labahan anak at makauwi ng maaga. Susubukan ko ring magtanong kung pwede tayong tumulong sa mansyon, kikita tayo ng malaki pihado"


MUKHANG maraming tao yata ngayun sa club, may iilang anak mayamang dayo sa kanilang bayan. Friday night kaya marami talagang dayo sa club nila. Sikat na club ang pinagtatrabahuan niya, aside sa malinis ang ang lugar at walang monkey business na nangyayari. Safe ang lugar dahil sa mga naka bantay na bouncer sa loob at labas ng club, at kahut silang mga waitress at Hindi pa nababastos kahit kailan. Nakita niyang papunta sa kanya si Lauren, kasamahan niya at ka course, ito ang nagpapasok sa kaniya sa club.

"Meg, paki naman oh, tawag ako ni bosing, sa table 8 lang, grabe ang gwa-gwapo at mukhang mayaman ang nasa table. Galingan mo baka makabingwit ka."

"Loka ka talaga, sige na umakyat ka na sa taas... Sandali asan ang order nila?"

"Kay Tony mo na lang kunin, byers!"

Napailing na lang siya sa kaibigan. Nagiingay na ang paligid at naamoy niya na ang samot saring pabango sa paligid, idagdag pa ang mga usok ng sigarilyo.

"Kuya Tony, order po ng table 8, ako magseserve, mga twelve shots of tequila po" ibang klase.

Bawat hakbang at kalkulada, mahirap na at baka mabasag niya ang inumin, medyo siksikan na sa dami ng tao.
Pero hindi niya ata na kita ang mga babaeng biglang umatras at napatid sa kanang bahagi kung nasaan ang mga inumin.

"WATCH OUT!!" Huli na para maagapan ang mga inumin, itoy natapon na sa kaniyang mukha ta uniporme. Pwe! Ang sama ng lasa.

"Oh My! Im so sorry Dear, it was an accident. I apologize. " isang babaeng maganda na mas bata lang siguro sa kaniya. Ngumiti siya dito, mukha namang mabait ito.

"Ay ok lang po, hindi niyo naman sinasadya eh, pasensiya na po at natapun ko yung inumin niyo, papalitan ko na lang po ng bago."

"No-no-no, it's ok. We can still request naman for another one. And you look kinda familiar.... Ate Andrea?"

Medyo na gulat siya dahil kilala niti abg kaniyang pangalan. Tinitigan niya ng mariin ang babae at biglang may kidlat na dumaan sa kaniya. Cleoffy?

"C-Cleoffy? Ikaw na ba yan?" may pagdududang tanong niya sa kaharap.

"Oh My" niyakap siya nito ng mahigpit. "I didn't expect this, Yes Ate, I'm Cleoffy. And I'm with my Kuya... I just don't know where he is though"

Biglang kaba ang naramdaman niya pagkarinig na na sa paligid lang si Adrienne. Na conscious siya bigla sa kaniya ng itsura. Naman! Bakit ngayon pa, mukha akong dugyot!

"Oh! There he is, Kuya!" Maykalakasang sigaw ng dalaga sa lalaki, maingay na kasi ang bar, napatingin siya sa kabilang side ng bar, may kasama itong babae. Nakaangkla ang mga braso nito sa braso ng binata. at kitang-kita ang maaliwalas na ngiti sa mukhang ng dalawa.

"That's Carmela ate, His fiancé." She dis not expect it, bigla na lang nanlamig ang buong katawan niya. Kinagat niya ang kanyang labi upang huwag ipahalata sa kaharap ang pagkuyom ng kanyang damdamin. "Wait for me ate I'll just call kuya."

Pipigilan niya ito sana pero huli na,umalis sa harapan niya si Cleoffy para sunduin ang kapataid. Pero hindi siya handa, ayaw niya itong makita. Dali-dali siyang umalis sa club, bawas yun sa swledo niya pero wala.siyang pakialam. Nagiwan lamang siya ng mensahe sa kaibigan na bilang sumama ang pakiramdam niya.

Buong gabi siyang tulala. May parte sa puso niya na masayang malaman na nakauwi na ang lalaki pero may parte na sobrang nasaktan, sakit na subrang lalim at kay hirap gamutin, tiningnan niya ang litrato na naka scatchtape sa dingding niya. Ang labo mo, sabi mo babalik ka, Bumalik ka nga may iba kanaman.

INAMORATAHistorias para obsesionarse. Descúbrelo ahora