---

 After Lira’s birthday…

 (LIAM)

Hindi ako gaanong nakatulog kagabi dahil nga sa pagod at sa pag-iisip. Alam kong mali ako. Aminado naman ako. Pinaghintay ko si lira sa hotel, pinuntahan ko si Lana pero wala akong napala. Kahit alam kong masyado ng late pero pinunthan ko pa din si Lira sa hotel at naabutan kong nag-liligpit na. Tinanong ko kung nsan na si Lira at sinabi na kakaalis lang nito.

Sinubukan kong tawagan yung cellphone nya pero naka-off. Knowing Lira, alam kong nagtampo sya sa akin. Nahiya naman akong tawagan yung mga kaibigan nya dahil ang alam nilang lahat ay magkasama kami at ano namang idadahilan ko kung tanungin nila ako kung bakit hndi ko sya kasama.

Kaya naman nung past 12am na nag-alala na ako. Hindi ko naman sya mahanap dahil baka magkasalisi kami. Kaya naman nung dumating sya ng hindi maayos yung itsura nya kaya naman nauna yung galit ko. Nag-alala kasi ako at naiinis ako sa sarili ko. Sa katangahang nagawa ko, kakaayos lang namin tapos ito na naman, napasama ko na naman yung loob nya. 

Kaya naman ito kahit na wala pa akong ganong tulog, pinilit kong bumangon at nagluto ng pagkain para sa kanya, gusto kong bumawi, kahit paano. Hindi para pagtakpan yung nagawa kong katangahan pero para kahit paano mabawasan yung sama ng loob na nararamdaman nya.

Habang nagluluto ako, hindi ko pa rin maalis sa isipan ko yung mga sinabi ni Lanah sa akin. Husto ko na nga ba si Lira? 

 --

 (LIRA)

Hindi ako nakatulog ng maayos, dahil sa pagod, puyat, hang-over at dahil sa sama ng loob. Nag-expect kasi ako kaya eto yung napala ko. Naiinis ako sa sarili ko, dahil hindi naman dapat ako nagkakaganito e. Hindi dapat ako apektado sa kanya. Kasalanan ko din naman kasi, sino ba kasing nagsabi na mahulog yung loob ko sa boring na lalaking yun?

Bakit ang bilis naman. Halos 4 months pa lang kaming magkakilala. 3 months na kaming kasal at 3 months na kaming magksama sa bahay. Ganito ba talaga yun? O dahil sya lang yung kaisa isang lalaking hinayaan kong maging malapit sa akin ng ganito.

 Sya lang kasi yung lalaking tinaggap lahat ng flaws ko. Sya lang yung nakakaalam ng mga bad habits ko at sure naman ako na hindi nya yun ipagkakalat sa press. Na kahit na wala akong make-up o kahit hindi ako magsuklay, hindi nya ako sinasabihang pangit. Kahit na matakaw ako, hindi pa rin sya nagsasawang ipagluto ako. Na kahit na ang kalat ng mga gamit ko hindi sya napapagod na iligpit at linisin yung kwarto ko. Yes. Hindi sya naghire ng house keeper. Sya mismo yung gumagawa. Feeling ko tuloy pabigat ako sa kanya.

Naputol yung pag-iisip ko nung naramdaman kong bumukas yung pintuan ng kwarto ko. Alam kong sya yun. Hindi ko sana sya lilingunin pero dala ng curiosity kaya naman tinignan ko sya at nakita ko na may dala syang breakfast para sakin. 

 Tss. Bakit ba kasi sya ganyan? Alam naman nyang luto nya yung weakness ko e.

"Good morning." mahinang bati nya habang naglalakad papunta sa kama ko.

Hindi ko sya siangot. Nilapag na lang nya yung pagkain ko. Napansin kong may dala syang bulaklak. Binigay nya sakin yun, pero hindi ko kinuha. Kaya nilapag na lang nya sa kama ko.

"Kinuha ko sa hotel, iniwan mo kasi…sayang naman." mahinang sabi nya

Gusto ko sanang sabihin na "you came" kaya lang pinili ko na lang manahimik. 

 "Pinagluto kita ng breakfast. May gamot na din akong dinala para sa hang over mo." sabi nya

Tinignan ko na lang yung mga laman nung tray. 

"Lira.. i-" 

"Kung mag-sosorry ka, wag na. Nawawalan lang kasi ng sense yung word na sorry… paulit ulit mo na kasing ginagamit" walang gana kong sabi sa kanya.

Yumuko na lang sya. Gusto ko sanang iaaccpet yung sorry nya, kaya lang natatakot kasi ako na baka kapag tinaggap ko ulit yung sorry nya, maulit na naman. Sumama na naman ang loob ko o kaya naman mag-away ulit kami. Tapos magsosorry na naman ulit sya.

 "Liam…please, stop what you are doing." sabi ko sa kanya ng hindi nakatingin.

 "What do you mean?" nagtatakang tanong nya.

 "This! You being kind. Ibalik na lang natin yung dati, yung una tayong magkita sa hotel mo. Yung walang pakialam sa isat-isa kahit gaano pa ka-harsh yung sabihin natin. Stop caring about me and i will do the same thing too. 3 months na lang naman eh. Para walang ganito… walang magso-sorry walang masasaktan, wala na lang ulit tayong pakialamanan." mahinang sabi ko sa kanya

"How aboiut our deal?" tanong nya

"After 6 months we will get divorce katulad ng napag-usapan at magpapanggap pa rin tayo sa harap ng media at ni Daddy. The good news is... hindi mo na ako ipagluluto, ipag-grogrocery at ipaglilinis. Kapag nandito na tayo sa bahay wala na tayong pakialamanan. Don’t worry, 50/50 pa rin yung sharing natin sa mga bayarin." sabi ko

"Why are you doing this?" tanong nya

"Para mas madali...kapag naghiwalay na tayo." mahinang sagot ko.

"We can still be friends after all, right? Hindi naman natin kailangan mawalan ng care sa isa’t isa." sabi nya

"Liam… please… don’t make it hard for me." sabi ko sa kanya

"What? What do you mean?" naguguluhang tanong nya.

"Because I think I'm starting to fall in love with you and i know you have no intention to catch me." sabi ko sa kanya.

 “Y-you're falling for me?" gulat na tanong nya

 "Unfortunately... i know it sound stupid. Wala sa plano to at hindi ko alam kung paano o kung bakit. It just happened." sabi ko sa kanya

"Lira…"

"Don’t worry… I’m fine. Please, after you left this room, promise me that you will stop caring about me. Kahit yun na lang yung birthday gift mo sa akin." pakiusap ko sa kanya.

"Bu-"

"Please Liam." pakiusap ko sa kanya

Tumayo na sya sa pagkakaupo at nag-iisp kung aalis na sya. Ilang minuto din syang nakatayo sa may kwarto ko. Hindi pa rin ako tumitingin sa kanya. Nakatungo lang ako…huminga sya ng malalim bago sya sumagot.

“Fine. If that's what you want. I will stop caring about you but just promise me one thing…please take good care of yourself." sabi nya bago sya tumalikod papunta sa pintuan.

"I will." sagot ko.

 “And one more thing...i will miss you Lira."

Napatingin ako sa kanya at nakatingin din sya sakin saka sya tuluyang lumabas ng kwarto ko.

"I will miss you too Liam." at pumatak yung luha ko

************************************ 

Marrying Mr. Boring (Published under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon