26

30 4 2
                                    

Dare To Kiss The Devil

Kadiliman sa Karimlan
Kamatayan sa Kabagsikan
Kapahamakan sa Kabiguan
Kamanghaan sa Kagandahan

Sa pagbukas ng unang pahina
Ano ang iyong nakita?
Sapat na ba upang ika'y matakot?
Ititigil mo ba o ipagpapatuloy ang naudlot?

Sa likod ng mga kaganapan
Nais mo bang malaman?
Ang mga nakatagong katotohanan
Na maaaring maghatid sayo sa kapahamakan?

Sa paglalakbay niya sa kadiliman
Patungo sa liwanag kaya moba syang tulungan?
Sa pagkakalat ng mga lagim at kabagsikan
Sasamahan mo ba syang harapin ang kamatayan?

Sa pag iisa niya sa karimlan
Kaya mo ba syang samahan?
Sa oras ng kanyang kabiguan
Tatabihan mo moba sya upang kamay nya'y hawakan?

Pano kapag sya'y may matagpuan
At nahalina sa angkin nitong kagandahan?
Kakayanin mo pa kayang sya'y samahan
Kung puso mo'y mawawasak at mata'y magiging luhaan?

Ngunit sa isipa'y napagtanto mo
Ika'y tagabasa lamang ng kanilang kwento
At sila ang nakatadhanang magsama
At ang tangi mong magagawa'y subaybayan sila

Ngayo'y unang kabanata'y nasimulan na
Nais mo pabang tuklasin ang mga susunod na pahina?
Kung ika'y matapang at handang masaktan
Sasamahan mo sila sa kanilang laban

Isa sa mga nilikhang kwento ni Miss. Anne
Dare To Kiss The Devil ang pamagat na nakalaan
Buong puso natin silang samahan
Makiiyak tayo at makilaban

Ngayong handa kana
Maghintay ka sa tuwina
Pagkat ikalawang kabanata
Ay darating na.......

_______________
Parang trailer ang dating 😂😂😂clairegreen

100 tula para sa UNANG KABANATATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon