Ikasyam na Tula

141 22 15
                                    

Isang Tula para mabuo ang 100 Tula

Simulan natin ang tulang ito
Sa lalaking ang kasamaan ay sagad hanggang buto
Unang kabanata palang ay may naikama na siya
Ngunit hindi ito sapat upang siya'y maging masaya

Ang kanyang tauhan ay tumawag
Para ang kanyang impormasyon ay maihayag
Tungkol sa isang tauhan niyang traydor
Nang dahil pala sa pambabanta ng isang senador

Sa isang bar ang traydor ay natagpuan
At sinimulan ng pahirapan
Pinutol niya ang dila nito
At paniguradong kamatayan ang kahahantungan nito

Hindi siya basta basta pumapatay
Ito'y kanyang unti unting pinapahirapan hanggang sa mawalan ng buhay
Pagkatapos siya'y nagpasyang umalis
Dumaan sa gitna ng mga nagsasayawan mga tao siya'y umibis

Hindi inaasahang isang babae'y mababangga
Nasalo niya ito bago matumba
Ng kanyang nakita ang mukha
Napamura siyang lubha

Dahil ang babae'y dyosa pala
Nanindig ang kanyang alaga
Hanggang sa bar sila'y nagsayaw
Umindayog ang katawan sa paraang mahalay

Hindi na siya nakapagpigil
Bigla siya tumigil
Upang babae'y ayain sa isang lugar
Ngunit ayaw nitong umalis ng bar

Ito'y kanyang tinakot
Kung hindi sasama sa kanya ay kamatayan ang sagot
Ano na kaya ang mangyayari
Papayag kaya ang babaeng wari?

Sorna ang hirap gawan pag ganito. Puro masasakit lang kaya ko 😂😂😂

100 tula para sa UNANG KABANATAWhere stories live. Discover now