kiss me handsome bully

1.7K 15 0
                                    

Chapter 1

Hi!;)Ako nga pala si Erza Shina Kinomoto,Isang Half Japanese Pero hindi kami mayaman Hindi naman lahat ng may lahi mayaman hindi ba?!;)Masasabi kong may kaya kami dahil nakakakain naman kami ng 3 beses sa isang araw pero minsan hindi lahat nangmasasarap na pagkain ang nakakain namin.Nagiisa lang akong anak ng mama at papa ko,At kahit na tatlo lang kami sa bahay ay sobrang ingay ng mga magulang ko hindi dahil sa nagaaway sila kung di dahil masayahin silang tao napakasaya ko dahil kahit papano ay may mga magulang akong katulad nila na kahit anong problemang dumaan masaya pa din sila at hindi nakikita sa mukha nila na nahihirapan na sila sa akin.;(Kaya kahit na minsan ay nabully ako sa eskwela ay hindi ko sinasabi sa mga magulang ko dahil ayaw kong bigyan sila ng problema pero hindi naman ako basta nagpapaapi sa mga nambubully sa akin so paano ba yan kilala niyo na ako!;) Sana maging magkaibigan tayo.

--------

"Erza!" sigaw ng babae habang tumatakbo siya papunta sa kaibigan.

"Oh Bakit Avril?"Pagtatanong ng dalaga habang ikinakadena niya ang scooter niya sa parking ng mga motors.

"eh kasi.... about doon sa ginawa mong report ano kasi e... ahm..."

"Oo naintindihan kita avril! paputol-putol ka naman ituloy mo nga!"

"Yung Locker mo at yung report mo ahm... nasira yung lock ng locker mo tapos punit na yung report mo pagpasok ko pinagkakaguluhan na yung locker mo dun╮(╯_╰)╭"

"Ano?!" Agad na tumakbo ang dalaga papunta sa locker niya at bumungad nga sa kanya ang magulong gamit niya sa sahig at punit na report para sa isang subject nila.

"Erza paano na yan?"

"Pinaghirapan ko pa naman ang report na to at maaga kong ginawa ito.Tapos ito lang ang mangyayari? lagot na ko sa prof. natin." nanlulumong sagot niya sa kaibigan.

"Anong nangyari dito friend?" Tanong ng isang babaeng kararating lang.

"Tulungan mo na lang kaming pulutin to cathy." Sabi ng babaeng nagngangalang avril.

"Bilis erza kunin mo yung gamit mo na nandoon sa daanan ,nandyan ang mga Handsome Boys."tarantang babala ni avril kay erza.

"h..huh ?"

Ngunit huli na ang lahat hindi agad nakuha ni erza ang libro kaya natapakan yun ng isa sa mga lalaking tinatawag nilang HANDSOME BOYS.

"Tssss...." Sinipa ng lalaki ang librong natapakan at dumiretso na ng lakad.

"Hoy!"Sigaw ni erza sa lalaki.

"Erza....."Pigil ni cathy at avril.

"Bitiwan niyo nga ako!,Hoy ikaw lalaki! Bakit mo sinipa yung libro ko?!"Galit na sigaw ni erza.

"Humarap ka nga!Nagsasalita ako dito!"Hindi pa rin tumutigil sa pagsisigaw si erza.

Nagsimula nang magbulong bulungan ang mga estudyante at pilit pa ding pinipigilan ng dalawa ang kaibigan nang humarap ang binata ay bahagyang lumayo ang mga estudyante sa kanila at ang dalawang kaibigan ni erza.

Nakangiti ang binata sa kanya habang papalapit at si erza naman ay nanggagalaiti sa galit.

"Hoy!Bulag ka ba ha?!Hindi mo ba kayang iwasan ang kakapiranggot na libro?Sinipa mo pa sa malayo ang libro ko nakita mo na ngang nakakalat!"Nakatingkayad niyang panenermon sa binata dahil mas matangkad ang binata sa kanya.

"Kasalanan ko bang nagkalat yang mga gamit mo?"Tsaka tumalikod na ang binata pagkatapos nun.

"hoy-MMMMMM!!!!mmmmmm!!!!" Hindi na niya naituloy pa ang sinisermon niya dahil agad na siyang tinakpanan ng bibig ng mga kaibigan niya.

kiss me handsome bullyDonde viven las historias. Descúbrelo ahora