"I forgot to tell you na kailangan ng rice cake!" napasapo si Mama sa kanyang noo. Tumango na lamang ako at inilahad ang aking kamay.

"Ako na po ang bibili. Ilan po?" ako na lang uli ang bibili tutal napakabusy nila dito. At tsaka wala rin naman akong ginagawa. Gusto kong lumabas ng bahay.

"No, napakalate na at baka mamaya may kumidnap pa sayo." napaawang ang aking bibig at umiling na lang sa iniisip ni Mama. Ganyan siya parati kapag lumalabas ako ng mag-isa. Minsan niya lang talaga akong pinapayagang umalis mag-isa.

"Mama, I can handle it. And besides I'm Thirteen! I'm a Teen now!" sagot ko. Bumuntong hininga si Mama at naningkit ang kanyang mga mata na para bang sinusuri ako. Napakunot ang aking noo ng bigla siyang ngumiti.

"Okay, isama mo si Baekhyun." nanlaki ang aking mga mata sa sinabi ni Mama. Hindi lang ito ang una kundi ginawa na rin niya ito dati at hindi ko talaga nagugustuhan kapag kasama ko ang lalaking yun. Feeling ko lagi akong mapapahamak kapag siya ang kasama ko.

"Mama, hindi na siya kailangang isama. Pwede naman yung mga bodyguards, diba?" right, nandito naman ang mga bodyguards namin so sila na lang ang isasama ko.

"Lou Ren, sa tingin mo hindi ka pagkakaguluhan sa market kapag bodyguards ang kasama mo? I'll be calling your Tita Nam Soo." hinawakan ko agad ang kamay ni Mama sa pagkuha ng kanyang cellphone sa bulsa. Ngumiti ako ng mapakla sa kanya at tumango na lamang. Tatawagan niya pa kasi ang Mommy nung mokong na yun.

Lumabas na ako ng bahay at tumingin sa katabing bahay namin. Sinusumpa ko ang bahay nila kung bakit dito pa sa tabi naming bahay sila tumira. Edi sana maayos ang buhay ko ngayon. Bwiset talaga!

Kumatok na ako sa kanila at pagkabukas na pagkabukas ng pintuan ay ang taong butiki agad ang bumulaga sa akin.

"Ay shokoy!" sigaw niya pagkakita sa akin. Tumaas naman ang aking kilay.

"Ay hindi pala shokoy!" ngumisi siya kaya naman umirap ako. Malamang hindi ako shokoy dahil tao ako. Siya kasi butiki kaya ganyan. Kainis! Dapat hindi ako nagpapaapekto sa isang to eh. Ayaw kong malaman na naapektuhan ako sa mga pinaggagawa niya.

"Hippopotamus pala pwahahahaha!" walang emosyon akong tumalikod sa kanya at nagsimula ng maglakad. Mas gugustuhin ko pang maglakad mag-isa kesa kasama ang isang yan. Nakakapang-init lang ng ulo.

"Hey Hippowpow! Wait for me!" sinabayan niya na ako sa paglalakad. Hindi ko siya iniimik tutal wala rin naman akong sasabihin sa kanya at ayaw ko rin talaga siyang kausap. Lagi ko nga yang iniiwasan sa school dahil ayoko talaga siyang kasama.

"Alam mo, kapag ako sumikat, who you ka talaga sa akin! Ngayong hindi pa ako gaano sikat, binabalewala mo lang ang kagwapuhan ko pero kapag ako naging mala-Rain? Si Idol Jung JiHoon? Naku, bahala ka diyan! Hindi talaga kita kilala!" umiling na lamang ako. Lagi niya yan sinasabi sa akin na balang araw daw ay magiging sikat siya. As if naman.

Pumasok na kami sa market. Gabi na at marami pa ring tao dahil na rin siguro sa mga papauwi pa lang sa kanilang mga bahay. Katabi kasi nito terminal ng mga bus kaya pagkababa mo ng bus ay pwede kang mamili dito sa wet market bago umuwi.

ShutterbugWhere stories live. Discover now