XXI. Khalil (Kathryn)

Start from the beginning
                                    

"Pag tinawag mo pa akong big nose, malilintikan ka talaga sa akin."

"So, friends?" tanong niya sabay inoffer ang kamay niya. "Ako nga pala si Khalil."

"Kathryn." sabi ko. 

"Ehem." Napabitaw ako sa handshake namin ni Khalil nang biglang may umubo sa tabi ko. Pagtingin ko si Daniel... at masama ang tingin niya kay Khalil.

"Oy, bro, Daniel!" 

"Magkakilala kayo?" 

At okay. Dinedma nila ang tanong ko.

"Hoy, Khalil. Akin 'tong babaeng 'to, okay?" 

"Grabe ka, Daniel. Kinakaibigan ko lang naman." Sabi ni Khalil at hinampas ang balikat ni Daniel. Hinampas rin ni Daniel ang balikat ni Khalil.

Shemay. Kinikilig pa rin ako.

Parang wala akong nakita noong birthday ko.

Hindi pa rin talaga mabura sa isip ko ang larawang iyon. Si Daniel at Rina na magkayakap. Hindi ko kinausap si Daniel tungkol dito. Gusto ko... siya ang magexplain.

"Ah, excuse me. Pwede ko bang makausap si Daniel?" tanong ni Rina.

Hindi man lang nag-hello o hi man lang sa akin?

Tss! Ngumiti lang ako ng pilit at hinila na ni Rina si Daniel.

Bigla akong nakarinig ng tawa. Aish! Nandito pa nga pala si Khalil. Problema neto? Tumatawa bigla? Shemay! Mamaya, takas pala 'to sa mental.

Biglang tinapat sa akin ni Khalil yung phone niya.

Argh! Ang bilis ng kamay ni Khalil. Napicturan niya agad yung itsura ko. 'Yung itsura ko na naiinis na parang naagawan ng candy!!! Argh!!!!

"Burahin mo 'yan kung ayaw mong masaktan."

Ngumiti lang si Khalil at binelatan ako. Langyang lalake. Parang kakakilala pa lang namin pero kung umasta akala mo ang tagal na naming magkakilala.

"HOY KATHRYN!!! MAGHULOS DILI KA. ITIGIL MO NA YAN!" Sigaw ni Khalil. Tinitoo ko ang sinabi ko kay Khalil na sasaktan ko siya. Nakita ko si Miles at si Julia sa may pintuan at parang bang gulat na gulat sa ginagawa kong pagmassacre kay Khalil.

"Kathryn, maawa ka sa kanya!"

"Kathryn, baka makulong ka sa ginagawa mo!" 

Tinigil ko ang paghampas ko kay Khalil at inayos ang damit ko. Argh! "Ang brutal ng kaibigan niyo. Ah! Unang-unang araw ko dito pero bugbog sarado agad."

"Hehe, sorry fafa, este kuya, este classmate! Masanay ka na." 

-----------------------xx
Dismissal na ngayon at nagtext si Daniel na hintayin ko siya sa may main gate. Sabay daw kaming umuwi ngayon kasi namimiss niya na ako. Hmm, dapat lang!

Masyado siyang busy gawa ni Rina.

"Kath-ol! Anong ginagawa mo rito?" Tanong ni Khalil.

Oo, Katol ang tawag niya sa akin. Ewan ko ba sa kanya. Para daw kasi akong nakahithit ng katol. Hinayaan ko nalang siya sa pagtawag sa akin ng ganoon.

"Pake mo ba?"

"Ba't ba ang taray mo sa akin?" 

"Sorry na. Masama lang talaga araw ko ngayon." Sincere kong sabi kay Khalil.

"Apology accepted. Uy Parekoy!!" Sigaw ni Khalil.

Biglang may humawak sa kamay ko at bumilis na naman ang tibok ng puso ko.

Sino pa ba? Edi si Daniel.

"Kathryn, uwi na tayo?" tanong ni Daniel sabay ngiti.

"Wala na ba si Rina?" 

Imbes na sagutin ni Daniel ang sagot ko, hinalikan niya ang noo ko at ngumiti. "Eeeew. PDA!" narinig kong bulong ni Khalil sabay karipas ng takbo.

Loko talaga.

"Mahal kita. Tandaan mo palagi, ah." Sabi ni Daniel.

"Oo. Mahal rin naman kita, eh." 

Naglakad kami palabas ng school ng magkahawak ang kamay. Hay, Daniel. Unting lambing mo lang, nawawala na lahat ng tampo ko sayo. Ang lakas talaga ng dating mo sa puso ko.

@kitkath
"Bawal bad vibes ☺"

END OF CHAPTER TWENTY ONE
Thank you po sa pagbabasa!

Fifteen SecondsWhere stories live. Discover now