Memories of Undead

36 3 3
                                    

Memories of Undead

Shaila || Red || Misa ||

Nakita ko ang isang bata habang tumatakbo. Mabilis ang takbo niya na hindi magawang masundan siya ng kaniyang ina. Mabilis....  Sobrang bilis.... Subalit sa di inaasahang pangyayari, ang masaya sanang kaarawan ng munting anghel...... naging isang alaala na lamang....

Ayokong isipin . . . Ayokong tanggapin . . .

Bakit sa lahat ng taong pwedeng mabibiyaan ng ganitong klase ng kapangyarihan, bakit ako pa?

Pwede namang siya, sila, yung pinsan ko, yung bata sa gilid. . . Bakit ako pa?

"Shai!"

Napaayos ako muli nang upo. Pinunasan yung mga luha ko para di niya mahalata pero wa epek pa rin. Kanina pa ako umiiyak at bakas pa rin sa mga mata ko ang pamumula.

"Bakit ka na naman umiiyak? Pinaiyak ka na naman ba ni Red?" tanong ni Misa.

"Hindi wala 'to" sagot ko na lang.

Matagal ko nang kaibigan si Misa pero hindi niya alam at walang nakaaalam sa sikreto ko - na kaya kong makakita ng isang bagay na mangyayari sa hinaharap. Siguro, biyaya para sa iba, pero sa akin hindi. Anong silbi na makita ang mga mangyayari sa hinaharap kung wala rin naman akong magagawa? Nasasaktan lang ako. At patuloy lang akong masasaktan dahil kaakibat ng lahat nito ay sa akin din napupunta ang masasakit na emosyon.

"Huy Shaila! Nakikinig ka ba sa akin?"

"Sorry Misa ah, wala lang ako sa sarili. . ." sagot ko habang hinihilot ang noo ko.

"Kanina pa ako nagsasalita rito, wala naman pa lang nakikinig. Useless. Tsk" reklamo niya at saka iniligpit ang mga gamit ko na nakakalat sa mesa.

"Oh! Anong gagawin mo?" tanong ko pero tumulong pa rin ako sa pagliligpit.

"Tigilan mo na ang pagmamaktol at magshopping na lang tayo," sabi niya na nakangiti.

Kagad kong pinigil ang kamay niya. . . Sa mag aapat na taon ko bilang highschool student, bahay at eskwelahan lang ang punta ko at wala ng iba pa.

"Ayoko. Uuwi na lang ako," malamya kong sagot at saka binitbit ang mga gamit ko.

Palabas na ako ng classroom nang magsalita siya ulit . . .

"Ano ba talagang problema mo? Shai, matagal ko nang gustong sabihin sayo to pero kaya lagi kayong nag aaway ni Red ay dahil din sayo! Ayaw mo sa mall, sa park o kahit saan, ang gusto mo lang dito. Aba! Paano naman si Red?"

Ayos! Kaibigan ba talaga kita Misa? Ilang minuto muna ang pinalipas ko bago ako magsalita. Mukhang wala na naman siyang idaragdag.

"Ang totoo niyan, wala naman sakin kung lagi kaming magkaaway at ako hihingi ng sorry. Hindi ko naman siya pinipigilan sa kung ano ang gusto niya. May dalawa naman siyang choice, ang makisama pa sakin o hindi na."

Pagkasabi ko nun ay nagsimula na akong maglakad. Hindi pa man ako nakararating sa pintuan ay nagsimula siya muling magsalita. Hay, ayoko na lang na intindihin pa ang mga sinasabi niya dahil punong puno na ang utak ko ng mga alaala at emosyon.

"Shaila alam mo bang mahal na mahal ka ni Red? At dun ako naiinis dahil binabalewala mo lang siya. Samantalang ako na laging umiintindi sa kanya, hindi man lang niya mapansin yung feelings ko para sa kanya. . ." buong tapang niyang sabi habang pumapatak ang mga luha niya.

"Yun naman pala. Edi lumabas din ang totoo! Iyan ang isa pang dahilan kung bakit nag aalangan ako kay Red. Akala mo ba hindi ko napapansin na yung pagdikit mo lagi sa kanya. Nahiya na nga ako eh," sabi ko, nagpipigil ng emosyon.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 27, 2014 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Memories of UndeadWhere stories live. Discover now