Chapter 8

1 0 0
                                    

I'm pregnant. Spotting lang daw iyong akala kong menstruation. Tinakwil ako ng magulang ko. Galit na galit sila at pinalayas ako. Maging sila kuya hindi ako matingnan ng diretso.

Binenta ko na ang CRB. Hindi ko alam na magnanakaw pala ang isa kong waitress. Umalis na rin ako sa apartment na tinutuluyan ko at pumunta dito sa probinsya. Wala akong matirhan. Wala akong pera dahil naholdap ang sinasakyan kong bus.

Wala na bang mamalas sa akin? Ayos naman ang buhay ko dati ah? Pero hindi ko naman iniisip na kasalanan ng anak ko ang nagyari sa akin. Anak. In 6 months magkakaanak na ko. Hindi ko alam kung san mag uumpisa. Lubog na lubog na ako. Pero sabi nga nila habang may buhay may pag-asa.

"Hija Rae. Kumain ka na. Maaari ka bang tumulong sa paghahanda ng munting salu-salo mamaya? May sakit kasi si Ning kaya kailangan ng kapalit" si Nana Marie na may dalang sinangag at tuyo.

Si Nana Marie ang nakakita sakin na palakad lakad. Kinupkop niya ako at tinuturing na anak. May isa siyang anak na kasing edad ko lang at byuda na siya.

"Of course nana. Is Brett with us? You know his kinda annoying sometimes. Matanda sakin ng tatlong buwan pero ang asta parang 5 years old lang." Hindi ko mapigilang mapairap.

Lagi akong inaasar non. Pero napakabait. Siya nga ang inuutusan ko nung panahong naglilihi ako at bilang ganti nilaktawan ko siya ng mahimbing siyang natutulog. Nahuli pa nga ko ni Nana non eh. Pero hindi naman siya nagalit at tinulungan pa ko. Hindi ko naman alam na totoo eh. At ayun nga siya ang naglihi. Nakakatuwa talaga ang isang iyon.

"Ikaw talaga hija. Oo naman. Alam mo namang nagpapalipad hangin ang isang iyon kay Resia." Tatawa tawang sagot ni Nana.

Ang tagal ng nanliligaw non kay Resia pero hindi sinasagot. For all I know she is inlove with Brett. I always caught her rolling her eyes everytime Brett is sweet at me. Kahit ang iba ang akala siya ang ama ng anak ko. Napakakulit pero kapag nakitang seryoso na ko nanglalambing. Kaya napakaswerte na ni Resia kay Brett.

Naalala ko si Mark. Gantong ganto rin siya eh. Kumusta na kaya sila ni Jane? Hindi na kasi ako nakapagpaalam sa kanila kaya alam ko na nag-aalala sila sa akin.

Nang matapos akong kumain naligo na ako at nagbihis. I wear one of Brett shirt. Maluwang kasi yon kaya presko sa pakiramdam. Binaon ko ang isang floral dress na 1 inch above the knee para sa salu-salo ayoko namang maging mukhang palaboy roon.

Katulad nga ng sinabi ni Nana tumulong ako sa pagluluto pero hanggang sa paggagayat lamang. Nang matapos kaming magluto saktong dating ni Brett.

"Rae baboy magbihis ka na. Wala ka namang natulong dyan." Napaka talaga ng taong 'to. Hindi naman ako baboy katunayan nga ang daming nahanga sakin dahil mukha daw akong hindi buntis. Tama naman kasi sila, hindi ako tabain.

I pouted. "Mukha kang ugly duckling itigil mo nga yang pagnguso mo sarap tapyasin niyan" bipolar.

Hindi ko nalang siya pinansin at nagpalit ng damit. Hahaba pa kasi ang usapan. Nag ayos na rin ako doon at naglipgloss at pulbos. Bigay sakin ni Nana ang lipgloss sa kadahilanang dry na raw ang labi ko.

Matapos kong ayusin ang sarili ko lumabas na ako.

"Baboy bat ganyan suot mo?" Tinitigan niya ko mula ulo hanggang paa. "Di bagay"

"Can you please shut up for a while. I'm tired and I don't want to talk to you." I rolled my eyes. Napakakulit.

Lumabas na ako at tumungo sa plaza kung san idaraos ang salu-salo. Sinabi ko na rin kay Brett na mauna na siya. Dala ko kasi ang regalo ko para kay Nana at sa kanya. Kaarawan kasi nila parehas ngayon. Timing na timing. Nagburda lang ako pero sana magustuhan nila ito. Wala kasi akong perang pangbili ng mamahaling regalo at pinaghahandaan ko na rin ang panganganak ko.

Nang dumating ako ay halos ng mata ay nasa akin. May mali na naman ba sa akin? Siguro dapat hindi ko nalang talaga sinuot yong dress dahil hindi nga yata talaga bagay.

"Hija Rae! Parito ka! Ipapakilala kita sa iba kong kaibigan ang tagal ka na nilang gustong makilala eh" tuwang tuwa si Nana akala siguro hindi ko na naman siya sisiputin. Ilang beses bang nangyari iyon? Halos lagi ata. Hindi kasi ako mahilig makipaghalubilo. Laging mga kapatibahay lang namin ang nakakausap ko.

Hindi ko alam ang gagawin kong salubong kaya't ngumiti nalang ako ng pilit. Lahat pa rin ng mata ay nasa akin.

"Napakagandang bata"

"Buntis ano?"

"Sino kaya ang ama ng batang dinadala ni ineng?''

"Mukhang artista."

"Nana happy birthday. Here's my gift for you" I hugged Nana and whisper "Mumurahin lang po yan ha?"

Maluha luha si Nana ng mabuksan niya iyon. "Ikaw na bata ka nag abala ka pa. Salamat hija" I smiled.

"Nako tama na ang drama. Bre, Kayle, Anne, April si Rae nga pala. Inaalagan ko." Binigyan niya ng kakaibang tingin ang kanyang mga kaibigan. Guni guni ko lang ba iyon?

"Hello po. Rae po pala" I kissed their cheeks.

"Magandang pumili ang senyorito. Talagang maipagmamalaki." Ano daw? Nakita nilang naguguluhan ako at pinandilatan sila ng mata ni Nana. Why are they acting so weird?

Kumain na lamang ako at pinagwalang bahala iyon.

***

Hope you love it 😊

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 07, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

His AffectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon