Nagsimula sa maliit na bagay,
Lumaki, naipon hanggang 'di na nakayanan.
Hindi ko lamang lubos na maunawan,
Bakit at saan nga ba ako nagkulang?
Kahapon ikaw lang ang aking ligaya,
Nagbibigay ng ngiti sa tuwi-tuwina
Ngayo'y napalitan na ng libong luha
Na lumulunod sa puso kong ulila.
Ngayong ika'y wala na,
Saya sa aking mukha'y napawi na
Nagluluksa sapagka't sa iyong paglisan
Kasama ang puso kong wasak at sugatan.
Paglisan mo'y may dalang bagyo,
Iniwan akong lugmok, halos 'di makatayo.
Pangarap at ngiti ko'y tinangay mo na rin
Ako pa ba ay sasaya sa kabila ng pag-iwan sa akin?
Sa bawat araw na dumadaan puso ko'y nangungulila
Hindi ko matanggap na wala ka na
Hindi ko na rin alam kung paano magsisimula
Nanghihinayang sa kahapon noong ako ay mahal mo pa.
7
![](https://img.wattpad.com/cover/122020439-288-k743000.jpg)
YOU ARE READING
TAGOS.. TUSOK.. PASOK.. BAON..
PoetryPara ito sa'yo.. oo IKAW.. ikaw na walang ginawa kung hindi ang magmahal.. nagmahal.. nasaktan.. nagpakatanga.. niloko.. iniwan.. Masakit at tagos sa puso... Halika, basahin mo ito at ng maibsan ang sakit na nararamdaman mo, na sa kahit ganitong...