Kaya Ko Pa

44 2 0
                                    

KAYA KO PA BA? Katanungang maging sa aking sarili ay itinatanong ko na rin. Ang katanungang nagpapaalala sakin kung bakit mag pasa-hanggang sa oras na ito ay lumalaban ako. Pero hanggang saan nga ba ako dadalhin ng salitang KAYA KO PA?

Kaya ko pa.. kaya ko pang maghintay sa tamang panahon kung kelan makukuha ko ulit ang atensyong dati ay akin lamang. Inaasam na sana bukas, magising ka sa katotohanan na ako ang tunay mong mahal, na sana magising ka na siya ay isang ilusyon lamang na pilit tayong sinisira. Na sana bukas, makita mo ulit na ako ang nandirito.

Kaya ko pa.. kaya ko pang magtiis sa mga pasakit na dulot mo. Pasakit na dala ng pagmamahal ko sayo na hindi mo kailan man masusuklian, sakit na kahit paulit ulit ay pipiliin ko parin ang mabuo tayo. Sakit na tumatagos sa aking kalamnan pero dahil mahal kita, handa ako at kakayanin ko.

Kaya ko pa.. Kaya ko pang pagmasdan ang mga larawan na nakikita ko, na imbes na tayo, ay kayo. Kayo ang magkasama. Sa lahat ng mga ngiti at tawanan ninyo, alam ko na sapat na siya para sayo. Sapat na siyang pumuno ng mga malalamig mong gabi, ang mga araw na hindi ka mapakali.. alam kong ang makasama mo lamang siya ay sapat na.. sapat na upang ako'y tuluyang bitawan at talikuran, pero para sayo, kakapit ako.. kakapit ako sa mga alaala ng nagdaan. Kakapit ako sa mga salitang minsang mong binitawan, dahil alam ko, kaya ko pa.

Kaya ko pa.. kaya ko pang magpakatanga at magkunwari na walang iba sa pagitan nating dalawa. Magkunwari na sa bawat yakap mo, ako ang iniisip mo at hindi sya.. magkunwari na akin lang ang puso mo kahit na alam kong ang nagmamay-ari nito ay siya. Magkunwari na sa mga oras na to, ako ang kailangan mo, at hindi siya. Magkukunwari ako, na ako ang pupuno ng kasiyahan na minimithi ng puso mo. Magkukunwari ako, dahil mahal, kahit na lamang sa mundo na dati nating binuo ay masaya parin tayo, at mahal mo parin ako. Papaniwalain ko ang tanga kong puso na sa mundong ito, ako'y sayo at ika'y akin lang. Walang SIYA, walang SILA kundi TAYO.

Kaya ko pa.. kaya ko pa namang pigilan ang sarili ko. Pigilan ang sarili ko na bawiin ka mula sa kanya dahil simula pa lang, alam kong hindi ako minsan mang naging sapat sayo pero lahat iintindihin ko. Pipigilan ko ang sarili ko na sa kabila ng mga sakit at pahirap sa puso ko ay hindi mo mababakas sa mukha ko. Pipigilan kong tumulo ang mga luha na lumulunod sa puso ko. Ayokong marinig mo ang mga hikbi sa bawat gabi. Pipigilan ko dahil kaya ko pa.

KAYA PA.. KAKAYANIN KO PA.. hindi ko alam kung hanggang saan ko panghahawakan ang mga salitang ito, hindi ko rin alam kung ano pa ang maaari kong magawa dahil sayo. Alam kong ayaw mo na, pero mahal hangga't kaya pa, magtitiis ako. Magtitiis ako kasi mahal kita. Hangga't kaya ko pa, mamahalin kita ng walang kapalit. Hangga't kayat ko pa, magiging masaya ako para sayo.


TAGOS.. TUSOK.. PASOK.. BAON..Where stories live. Discover now