Chapter 3: A Restless Dream

Magsimula sa umpisa
                                    

Sa puntong 'yon ay alam na niyang nasa loob lamang siya ng isang panaginip. It can't be real. It can't be true. This isn't exactly how it happened. Sinubukan niyang ihakbang ang mga paa upang lapitan ang kapatid subalit bago pa man siya tuluyang makalapit ay bigla na lamang siyang napapikit at naiharang ang braso sa mga mata. Sa isang iglap kasi'y naglaho ang kanina'y mala-impyernong apoy at napalitan ng pagsabog ng isang nakasisilaw na liwanag.

Hindi pa man tuluyang naimumulat ang mga mata ay gising na gising na agad ang diwa ni Dante. He was already awake but he decided to keep his eyes closed for a few seconds.

Habang nanatiling nakahiga sa damuhan ay humugot siya ng isang malalim na paghinga at ninamnam ang napakabangong simoy ng hangin. Nangangamoy bulaklak iyon at talagang nanunuot sa kanyang ilong.

Dahan-dahang iminulat ni Dante ang mata na agad na sinalubong ng liwanag ng kakasikat pa lamang na araw. Sandali niyang ikinusot ang kamao sa mata bago tuluyang ibinangon ang katawan mula sa damuhan. Nakita niya pa kung paanong nagliparan ang maliliit na ibon na nanginginain sa talahiban nang ipagpag niya ang nagsikapit na dumi sa hoodie jacket na inilatag niya upang maging sapin sa magdamag.

Eksaktong pitong taon na mula nang lisanin siya ng mga magulang kaya't sa sementeryo siya nagpalipas ng gabi upang alalahanin ang mga ito.

Hindi niya alam kung anong oras na nang makatulog siya subalit ang huling natatandaan niya ay ikinukuwento niya sa harap ng puntod ng mga magulang ang totoong nararamdaman para sa babaeng kung tutuusin ay kakakilala niya pa lamang---si Scar.

Marahang iniluhod muli ni Dante ang isang tuhod sa tapat ng isa sa mga lapida bago hinawakan ang nakaukit na pangalan doon, "Miss na miss ko na kayo," sambit niyang may mapait na ngiti sa labi. "Babalik ako dito sa birthday mo, Stephie. Pangako 'yan ni kuya."

*****

"Twelve." Hindi pa rin makalimutan ni Dante ang pagkakabanggit ni Scar sa salitang 'yon. Hanggang ngayon, iniisip pa rin niya kung paano kaya kung noong umpisa pa lamang ay nalaman na niya kaagad ang tunay na edad nito? Ganito pa rin kaya ang mararamdaman niyang panghihinayang?

"San ka pupunta?" nakakunot noong tanong ni Nigiel habang sinusundan siya.

"Uuwi na," tugon niyang walang pinapakitang kahit anong emosyon. Nagpatuloy lamang siya sa paglalakad hanggang sa harangan nito ang daraanan niya.

"Tsk. Pasensya na kung kinailangan pa naming magsinungaling sa'yo. Alam kasi naming hindi ka sasama kapag nalaman mo ang totoong rason," paliwanag ni Nigiel. Sinabi kasi nitong napa-away na naman ang kaibigang si Drei kaya napilitan siyang sumama kahit pa marami sanang gawain sa maliit na talyer ng tiyuhin.

"Hindi pa rin talaga 'ko makapaniwalang sobrang bata pa niyang pinsan ni Maica." Umiiling-iling na sambit ni Mumoy habang nakatuon ang tingin kay Scar na nasa loob ng bakuran ng parke. "Pero mukhang tinamaan din talaga sa'yo, p're. Kinulit kami ng kinulit niyan kaya 'di kami makatanggi. She really wants to see you."

Sandaling ibinaling din ni Dante ang tingin sa babae na ngayon ay nakangiti habang kinukuwentuhan ng kung ano ng kasama nitong si Drei.

Malayo ito sa puwesto nila kaya't imposibleng marinig niya ang ano mang pinag-uusapan ng mga ito. Nakaupo ang mga ito sa mga baitang ng hagdanan sa stage na nasa gitna ng parke. Marami ring batang masayang naglalaro sa loob dahil sadyang ginawa ang lugar para sa mga bata. Mayroong duyan, padulasan, estatwa ng iba't ibang hayop at kung ano-ano pang makikita sa isang pampublikong palaruan.

ScarredTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon