Graduation

992 46 47
                                    

Nakaupo ako sa kama ko habang nakatanaw ako sa togang nakasabit sa tabi ng closet ko.

Bukas ng umaga nakatakdang magraduate ng college, bukas ang araw na pormal na makukuha ko ang diploma ko.

I'm Kim Dahyun, 21 years old from South Korea. 3 years ng naghihirap dahil sa pagtulak sa kanya palayo.

"Dub, nakatunganga ka nanaman? You should go to sleep na nako." biglang pumasok si Nayeon unnie sa kwarto ko.

She's my sister, siya ang panganay kong kapatid.

Sa kanya ko sinasabi lahat ng nararamdaman ko.

Siya ang karamay ko mula ng itaboy at pinili ko siyang alisin sa buhay ko.

"Unnie, ang bilis ng oras. Hindi ako makaniwalang matatanggap ko na ang diploma ko bukas." pilit akong ngumiti ng masabi ko iyon.

"At alam kong sa bilis ng panahon hindi ka parin masaya completely." deretsong sabi niya.

"Tatlong taon narin pala unnie mula ng pinaalis ko siya. Mula ng ipagtabuyan ko siya." malungkot ko sabi ko.

"Tatlong taon ka naring hindi ngumingiti na sing sigla ng dati." sabi naman niya.

"Sa tingin mo ba unnie may pag asa pa kong makita siya? Malaman man lang niya kahit na pinili ko ang pangarap ko kesa sa relasyon namin noon eh siya parin ang mamahalin ko hangga't nabubuhay ako." naiiyak ko ng sabihin ko ang mga yun.

"Hindi natin alam, Dahyun. Masyado siyang nasaktan ng mga panahon na yun." hindi niya man lang naisip na magsinungaling kahit papaano. Hindi niya man lang naisip na pagaanin nalang ang loob ko.

"Naalala mo pa ba unnie nung sinabi kong may ipinangako siya noong kami pa?" tanong ko.

"Oo naman. Sinong makakalimot nun, muntik na tayong mamatay dahil muntik tayong mabangga ng araw na yun sa bilis mong magdrive para di na mabago ang isip mong iwan siya." nakangising sabi niya.

"Yung pangako niya na yun naalala ko lang ng makipaghiwalay ako sa kanya. Pero sinabi niya yun isang araw ng mga panahong pag mamay ari pa namin ang isa't isa." tuluyang tumulo ang luha ko dahil sa sinabi ko.

Flashback

"Anong feeling ng graduated, babe?" tanong ko kay Sean habang nakasandal sa kanya.

"Okay lang. Masaya, nakakapagod kase hindi na grades ang hinahabol ang trabaho na bubuo sa lahat ng pangarap mo." sagot naman niya.

"Ano naman bang pangarap mo?" natatawang tanong ko.

"Magandang buhay kasama ka." nakangiting sabi niya.

"Grabe naman. Ako ito, 3 years pa bago tuluyang magraduate." nakasimangot na sabi ko.

"Don't worry mahihintay naman natin yang graduation mo." nakangiting sabi niya.

"Promise me that you'll be there in my graduation?" pangungumpermiso ko sa kanya.

"Oo naman. Kahit anong mangyare darating at darating ako sa araw ng graduation mo."

Flashback ends...

"Matagal na kayong wala. Tatlong taon na kayong hindi nagkikita ni Sean. Kaya magpapakahonest na ko dahil ayaw kitang bigyan ng false hope." nanlulumo ako ng sabihin yun ni unnie sa akin.

Graduation|SaiDaWhere stories live. Discover now