Prologo

7 0 0
                                        

Prologo

PAANO?

Iyan ang unang salita na lumabas sa utak ko nang makita ko ang dalawang guhit bilang resulta.

Hindi ko na din napigilan ang pagpatak ng luha ko. Halo-halong emosyon ang nararamdaman ko ngayon. Takot, panghihinayang at saya. Alam ko na biyaya ang pagkakaroon ng isang baby. Pero wala pa ako sa tamang edad, oras at sitwasyon.

Paano na ang pag-aaral ko?
Paano na ang mga pangarap ko? Marami pa akong pangarap sa buhay. Marami pa akong gustong gawin. Paano ko ito sasabihin kina Tita Ninang? Sobrang kahihiyan ito para sa kanila. Pinag-aaral nila ako pero ito ang isusukli ko sa kanila. Nabuntis ako. At paano ito tatanggapin ng ama ng anak ko. Ni wala kaming relasyon. Ang alam ko lang ay pinagsamantalahan nya ako.

Hindi ko na talaga napigilan ang mapaiyak nang maalala ko ang ama ng batang dinadala ko at hindi ko rin napigilan ang maalala kung paano nabuo ang batang ito sa sinapupunan ko. Sa maling paraan.

Kahit kailan ay hindi ko inisip na magkakaroon ako ng anak sa ganitong murang edad. I am just nineteen at nag-aaral pa ako.

Pinunasan ko ang luha ko. Inayos ko ang sarili ko. Hindi man tama ang nangyari ay alam ko naman kung ano ang tamang gawin.

One Love Where stories live. Discover now