Ang mga estudyante na nagkaklase nang panahon na iyon ay nahintakutan sa ugong at liwanag. Mabilis silang naglabasan ng mga classroom upang tingnan ang nagliliwanag na kalangitan.

Nagkakagulo ang mga estudyante ganundin ang mga guro na piipilit pakalmahin ang mga estudyante at pinipilit na pabalikin sa silid ang mga mag-aaral. Subalit maging sila ay natataranta, nahihintakutan at nababaghan.

Nagkasya na lamang ang lahat sa pagtingala sa langit. Ang iba'y nagtakbuhan pa sa field para lamang makita nang malinaw ang nangyayari.

Subalit walang may ideya sa kung ano ba ang tunay na nangyayari.

"Lumapit ba bigla ang araw? Bakit ang liwanag ng langit?" tanong ng ilan.

"Malay ko. Kung lumapit ang araw, dapat sunog na tayo, gago!"

"Ay oo nga, eh ano yan... buwan?"

"Hindi! Hindi! Giant flashlight 'yan!"

May ilan sa mga estudyante ang gusto nang mag-panic at magtakbuhan pero may ilan na curious pa rin.

Matapos ang may limang minutong liwanag... bumalik sa dati ang lahat.  Nawala rin ang ugong na tila nagmula sa ilalim ng lupa. Nagtatakang nagtinginan at nagbulungan ang mga  estudyante at guro ng St. Dominic Montessori School. Pati na rin lahat ng nakasaksi sa kakaibang phenomena.

"Anyare?"

"Ewan."

"Baka napundi na 'yung giant flashlight, naubusan ng giant na battery."

Kakamot kamot na bumalik ang ilan sa loob ng kani-kanilang classroom. Nag-uusap ng tungkol sa ingay at liwanag.

Makalipas lamang ang may tatlong minuto, isang panibagong ingay ang muling narinig. At habang tumatagal ay lumalakas ito. Natigilan ang mga estudyante sa loob ng classrooms. Iba ang tunog kesa sa narinig nila kanina.

Ang naririnig nila ay tila isang malaking bagay na papalapit mula sa kalangitan. Isang bagay na nahuhulog at mabilis ang pagbagsak nito. At ang school nila ang tinutumbok ng bagay na iyon.

Hindi na nagpatumpik tumpik pa ang lahat. Nagkakagulong tumakbo sila sa labas ng classroom para muling tingnan ang kalangitan. At bago pa lamang sila nakakahuma sa gulat, napasinghap ang lahat ng makita ang isang malaking eroplano. Umuusok at umaapoy. Bumubulusok ito pababa na tila ibon na nawalan ng kontrol.

"Oh my god!"

"Susmaria! Babagsak yung eroplano sa English Building!!"

"Mahabaging Panginoon, anong nangya---"

Hindi pa natatapos ang isang guro sa pagsasalita nang malakas na sumalpok ang eroplano sa sinasabing English Building kung nasaan ang Library.

Akala mo'y isang atomic bomb ang bumagsak mula sa kalangitan sa lakas ng pagsabog na narinig. Humalo sa hangin ang apoy at alabok ng gumuho at ngayo'y umaapoy nang gusali ng English Building.

Kanya-kanyang tago ang mga estudyante at mga guro. Dahil sa lakas ng pagsabog ay halos nayanig ang buong paaralan. Nag-iiyakan at tumatangis na ang ilan sa nakitang impyerno.

Kung sinuman ang mga tao na nasa loob ng eroplano o kahit ng EnglishBuilding pa. Lahat sila... ay siguradong patay na. Walang bubuhayin ang pagsabog na 'yun.

Sa puntong iyon, nagising si Pola mula sa pagkakatulog sa puno. Naramdaman niya sa balat ang init ng hangin at ang mahapding paghampas ng maliliit na buhangin sa katawan niya.

Tumayo siya at tumingin sa paligid. Maraming puno sa paligid niya ang halos maputol ang katawan. Nang tingnan niya ang puno na sinisilungan niya ay agad siyang napatakbo. Babagsakan na siya noon!!

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 06, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Last Woman On EarthWhere stories live. Discover now