The Beginning

2.8K 116 59
                                    

"Mari Pola"
Friday, 12:40 pm

Nakakunot ang noo nang lumabas ng English Building si Pola. Masamang-masama ang loob niya dahil sa nakita. Balak sana niyang tumambay sa School Library para matulog. Pero nang makarating siya dun, agad na tumalbog ang antok niya at nagising ang diwa niya.

Nakita niya mula sa entrance ng Library ang ex-boyfriend niya na nakikipaglampungan sa ex-bestfriend niya.

Sina Kier at Joy.

Dalawang tao na dating pinakamalapit at pinakamahalaga sa kanya, ngayon ay siyang pinaka-sinusumpa niya.

"Nakakadiri! Doon pa nila napiling maglampungan sa Library!! Hindi na nahiya! Sabagay... wala naman talaga silang hiya! Makakapal ang mukha! Niloko nga nila ako di ba?!"

Hindi pa rin nalilimutan ni Pola ang ginawang panloloko ng dalawa sa kanya noon. Siya ang girlfriend ni Kier noon pero hindi niya akalain na bestfriend pala niya ang tunay na girlfriend ng lalaki. At pinaglalaruan lang siya ng dalawa sa pamamagitan ng pustahan.

Sagad hanggang langit ang galit niya kina Kier at Joy. She trusted them but they both betrayed her. At ang masakit, parang wala lang 'yun sa dalawa. Ni hindi man lang ang mga ito nakosensya.

Galit na naglakad si Pola palayo sa English Building. Sa Square na lang siya tatambay at magpapalipas ng oras bago ang 1 o'clock Botany class niya.

Mari Pola, better known as Pola is a senior student at St. Dominic Montessori School. An average girl with no much of exciting life. Hindi siya interesanteng paksa dahil simple lang naman siya at simple lang din ang buhay na meron niya. Ang tanging kakaiba siguro ay ang pagkakaroon niya ng kakaibang magulang.

Pola's parents are inventors. Scientist. Discoverer. In other words... FREAK. Sa dami ng mga wirdung ideya sa utak nila at wirdung ginagawa nila, pinapagkamalan na silang baliw.

Magulang ni Pola ang nag-imbento ng gamit niyang ballpen na umiilaw ang tinta sa dilim. Neon Pen ang tawag nila dun. Umimbento rin sila ng bisikleta na pwedeng i-convert na solar motorcycle. At isang mechanical dog na siyang alaga ni Pola, si Bojo.

Itinuturing ng ibang tao na baliw ang magulang ni Pola dahil sa mga ideya at antics nila na out of this world. Pero para sa kanya, henyo ang magulang niya. Kahit pa nga iba ang tingin ng mga tao sa kanila. 'No one can do what they could,' sabi pa ng ate ni Pola na isang Professor sa malaking Unibersidad sa kabilang bayan.

Dalawa lang silang magkapatid at proud sila parehas sa magulang nila.

"Sana maka-imbento na sina Papa ng special pesticides para sa mga tulad nina Kier at Joy," inis pa ring sambit ni Pola habang umuupo sa lilim ng isang puno sa malawak na Square ng School. "Ako ang unang mambobomba sa mga mukha nila!"

Tumingala si Pola sa langit at kita niyang walang kaulap-ulap. Kaya pala sobrang init ng panahon. Ni wala man lang hangin. Sa pagkakatingin sa langit, inantok siya bigla. Sumandal siya sa katawan ng puno at pumuwesto para matulog.

"Sana may dumating na bulalakaw at bagsakan nun ang English Building. Nang madurog ng sabay ang mga manlolokong iyon at sabay din silang mabura sa mundo," mahinang bulong ni Pola habang unti-unting nilalamon ng antok ang diwa niya. "Ang saya siguro nun."

Ini-imagine pa niya ang pagbagsak ng bulalakaw sa lupa mula sa langit at ang malakas na pagyanig ng lupa.  Pagkatapos nun... nakatulog na siya.

-----

"That Afternoon When The Sky Fall"
1:00 pm

Samantalang malalim ang pagkakatulog ni Pola sa lilim ng puno nang biglang lumiwanag ang kalangitan kasabay nang malakas na ugong mula sa kung saan. Mas matingkad pa ang liwanag sa araw. Tulad nang malakas na pagsabog na hindi agad nalaman kung saan nagmula.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 06, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Last Woman On EarthWhere stories live. Discover now