PANIMULA

83 10 6
                                    

PANIMULA

“Kailan ba ako magiging sapat sa’yo?”

Umupo ako para pigilan ang kanina pang nanginginig kong tuhod.

Ayoko ko ng ganito.

Kung pwede saktan niya na lang ako gamit ang lakas niya.

Kaysa naman ganito.

Pagsasalitaan niya lang ako sa mga kasalanan ko.

Na alam kong kulang pa sa nagawa ko sa kanya.

Yumuko ako para itago ang mumunting luhang kanina pa gustong magsisitakbuhan pababa.

Pinilit kong umiyak ng walang ingay.

Pinilit kong pigilan ang aking bawat hikbi.

Ayokong humarap sa kanya na ganito ang mukha ko.

Alam kong kulang pa ang itsura ko para ipakita ang totoong nararamdaman ko.

Kulang pa ang luha ko para ilabas ang lahat ng sakit na nadadarama ko.

“Ginawa ko naman diba? Minahal kita. Sa katunayan nga, mas minahal kita kaysa sa sarili ko. Cool diba?” Dagdag niya at tumawa ng pagak.

Kinagat ko ang pang ibabang labi ko.

Kinagat ko hanggang sa dumugo.

Kinagat ko at nagdadasal na sana...

Na sana...

Di ko na mararamdaman ang sakit

“Alam mo, tama sila e.” saad niya at suminhok

Tumawa siya bago nagsalita ulit.

“Tama nga sila sa sinasabi nilang nagsasayang lang ako ng oras para mahalin ka. Sabi nila sinasayang ko lang ang pagmamahal ko sa’yo. Sabi nila sayang na sayang lang ang lahat na’tong ginagawa ko kasi kahit kailan, di mo daw mapapantayan ang pagmamahal ko. Loko! Di ko naman pinangarap na pantayan mo. Ang gusto ko lang suklian mo dahil deserve ko yan!”

Umupo siya sa paanan ko at niyakap ang tuhod ko.

Nararamdaman ko ang pagiyak niya.

Nararamdaman ko ang panginginig niya.

Dinig na dinig ko ang paghikbi niya.

Tiningnan ko siya.

Kitang-kita ko kung gano siya nasaktan.

Tumawa ulit siya at hinampas ang noo niya.

Ngumiti siya bago nagsalita...


“Babe, if you just knew how much I still wanted to give us a third chance. Gusto ko pang ipagpatuloy to. Gusto ko pang mahalin ka. Gusto ko pang mag take risk.  Pero babe, sobrang sakit na e. Sorry baby if this time, sarili ko na ang pinili ko.”

Tumayo siya.


Naglakad siya.


Binuksan niya yung gate.


Naglakad uli siya.


Naglakad siya.


Naglalakad siya



papalayo sa akin

WALA NA SIYA.

KUKUNIN KO SIYA ULIT

KUNG MAGING WASTO NA ANG TAMA


MAMAHALIN KO SIYA ULIT


KUNG MAPAPATAWAD KO NA ANG SARILI KO


YAYAKAPIN KO SIYA


AAKUIN KO SIYA


AT DI NA BIBITAWAN PA






PWEDE PA BA?

PWEDE PA BA?Where stories live. Discover now