One

78 36 25
                                    

MEDIA SECTION : Macky
(photo not mine)

Pauwi na ako galing sa school at papunta na ako ngayon sa apartment ni Macky, boyfriend ko.

3rd Anniversary namin ngayon at napagplanohan ko na mag surprise sa apartment niya.

I texted him and asked him where he was and i was right. Hindi pa siya nakakauwi. 7 pa ang uwi niya at 5:30 palang kaya marami pa kong oras para sa aking plano.

He also told me that I should meet him in the convenience store infront of his apartment at um-oo naman ako kunwari.

Delikado daw kasi kung maglalakad ako ng mag isa papasok sa eskenita papunta dun. Marami daw kasing lasenggo doon.

"Para po!" ani ko kay manong driver.

Bumaba ako ng jeep at naglakad na papasok sa eskenita papunta sa apartment niya.

Hawak hawak ko parin ang box na may lamang cake at paperbag na may lamang mga balloons na papalobohin ko mamaya.

Nakarating naman ako sa tapat ng pinto niya ng ligtas at buo ang katawan hahahaha.

Actually wala akong nakitang lasenggo. Aso ang nakita ko. As in maraming aso. Nakakatakot nga eh.

Kinalkal ko ang bag ko at sa wakas ay nahanap ko na yung susi ng apartment niya at ng ipapasok ko na sana ang susi sa lock, napansin kong bukas naman ito.

"Nako, nakalimutan nanamang i-lock ang pinto" bulong ko sa sarili ko.

Binuksan ko ang pinto at pumasok. Narinig ko agad ang napakalakas na tugtog na nanggagaling sa kwarto niya kaya naman nagtaka ako.

Sabi niya hindi pa siya nakakauwi?

Inilapag ko muna ang mga dala ko sa lamesa ng dahan dahan.

Pakiramdam ko kasi may surprise din siya sakin. Last anniversary kasi namin, pinapunta niya 'ko sa bahay ng barkada niya kasi may emergency daw tas ayun, may surprise pala.

Napangiti naman ako sa ideyang iyon. Napaka-saya ko kasi nung araw na yun.

At mukhang madadagdagan nanaman ng panibagong memories ang relationship namin.

Naglakad ako papalapit sa pinto ng kwarto niya ng dahan dahan.

Huminga ako ng malalim at bubuksan ko na sana yung pinto ng inunahan niya 'ko...

"A-Alysses?" sabi niya.

Tumambad sakin ang Macky na naka boxers lang at pilit na tinatakpan ang pinto para di ko makita yung babaeng naka upo sa kama niya.

A-Ano 'to? Joke ba 'to? Baka naman paandar niya lang 'to. Yan ang sabi ko sa sarili ko.

Pero hindi eh. In front of me is the man I love for almost 3 years, just after having a sexual intercourse with another woman.

Tinutulak ko ang katawan niya na nakaharang sa pinto pero pinipigilan niya 'ko. Nilakasan ko pa pero tuluyan na niyang naisara ang pinto sa likod niya at naiwan yung babae sa loob ng kwarto.

Lungkot, kaba, galit, panlulumo, disappointment, lahat ng emosyon naghalo halo na.

Pinalo ko siya ng pinalo at sumigaw.

"Ano to?!" di ko na napigilan at humagulhol na 'ko.

I can't believe this. I don't believe this. Bakit? Bakit niya nagawa sakin to?

"I'm sorry Aly" sabi niya at akmang hahawakan pa ang kamay ko pero sinampal ko na siya agad.

His apology made my heart hurt more. Yung sorry niya, parang naging living proof na niloko niya talaga 'ko.

Sinampal ko ulit siya. At isa pa, at isa pa.

Kasama sa mga sampal na yun lahat ng galit at sakit. Nagbabakasakaling mababawasan man lang yun kahit konti.

"Bakit mo to ginawa?" tanong ko habang pinupusan ang pesteng mga luha na tumutulo galing sa mga mata ko.

Napayuko lang siya.

"Kaya ba nakipag sex ka sa iba kasi hindi ko mabigay sayo yun?" tanong ko.

"Hindi. Aly mahal kita. Mahal na--"

"Tangina tumigil ka na!" pagputol ko sa mga sinasabi niya.

Ang kapal ng mukha niya para sabihin niyang mahal niya 'ko!

"Mahal? Mahal mo 'ko? Sigurado ka ba sa mga pinagsasasabi mo? Kung mahal mo 'ko, hindi mo gagawin to!" sigaw ko.

"I wasn't in the right mind, I'm sorry Aly. Please give me a chance to prove how much I love you" sabi niya at lumuhod.

I can't look at him begging on his knees kaya naman inilagay ko nalang ang mga palad ko sa mukha ko at tuluyan nang umiyak.

He wrapped his arms around me while caressing my hair. And as he did that, I felt the pain even more.

Hindi ako makapaniwala na magagawa niya to. He knew that I loved him more than myself. And he knew that it would kill me if he left me.He knew how fragile I was. And he knew how this can hurt me so much. Pero akala niya siguro, sapat nang malaman yung mga yon para hindi ako masaktan.

Kumalma ako at pinunasan ko ang mga luha sa mata ko.

"I'm sorry Aly. Please, bigyan mo ko ng chance. I won't waste that chance, ever. I promise" sabi niya sabay hawak sa dalawang braso ko.

I sighed heavily. At tuluyang tinanggal ang mga kamay niya sa braso ko.

"I'm sorry but I can't. Alam mo kung gaano kita ka-mahal. And I do too. I really do love you. So much. Pero wala eh." sabi ko ng mahinahon at ngumiti.

His tears fell and I knew those were real. But his tears can't save our relationship anymore

Kinuha ko ang bag ko at naglakad na palabas sa pinto. Pero bago ako tuluyang umalis, lumingon ulit ako sa kanya.

"You're the 1st reason why I died" sabi ko sa sarili ko habang nakatingin sa kanya.

And a tear fell from my eye.

Pagkauwi ko ng bahay, pumasok ako sa kwarto, kinuha ang journal at ballpen, at nagsulat.

Number 1, My boyfriend cheated on me by having sex with another girl in the day of our 3rd Anniversary. (09/21/2017)

How I Died in 10 CountsWhere stories live. Discover now