Babae Po Ako

32.4K 552 108
                                    

“Babae po ako. Gerlalu, Girl, Lady, Woman, may matres, nilalabasan buwan-buwan ah basta!! Babae ako. Tsong ayusin mo naman tanong mo sa akin no.”

Sa dalawangpu’t limang taong lumipas simula noong mabuhay siya sa mundong ito, araw-araw niyang pinagdadasal na sana kung paano sya itrato ng mga tao noong grade school siya ganoon na lang sana hanggang ngayon. Kaso hindi, simula lang noong mabarkada siya sa mga bakla noon sa baranggay nila, napagkamalan na rin siyang bakla.

Masama bang maging palakaibigan?

Noong second year high-school kasi siya meron siyang naging kaibigang bakla, parati tong sumasali sa gay contest at eto naman siya full support sa kaibigan niya. Dennis ang pangalan nito sa umaga pero pag humantong na ang gabi nagiging siya na si Denise.

Hindi inspired ang pangalan niya dahil sa condo excuse me.

College na ang kaibigan niyang si Dennis, miske malaki ang pagitan sa edad nila nanatili silang matalik na magkaibigan. Noong una nga hindi niya aakalaing bakla pala ang kaibigan, napakagwapo kasi nito. Naalala pa niya na dati ‘pre’ ang tawag niya dito pag nakaharap sila sa mga tao pero pag silang dalawa na lang at ang mga iba pang kaibigan nitong bakla, syempre ‘teh’ na ang tawag nito dito.  Siya nga ang kumumbinsi dito na magladlad na at sinuportahan pa niya ito. Noong una hindi natanggap ng pamilya ni Dennis ang totoong pagkatao niya pero syempre wala na rin naman silang magagawa. Hanggang noong bakasyon bago mag third year high school si Rhian ng mawala si Dennis ng ilang buwan at tsaka bumalik.

At noong pagbalik niya ay kasabay ng pagkakilala niya sa bagong katauhan ni Dennis, na si Denise. Nagpasex-change ito sa ibang bansa. Naalala pa nga ni Rhian noong binisita siya nito sa school halos magtatalon ito sa tuwa.

“Grabe teh!! I’m so proud of you!! Feels ko ako inang bathalang nagpago out sayo sa mundong earth!!” Sigaw ni Rhian habang yakap-yakap ang kaibigan.

“Shet teh, this is it. I’m a gerlalu na talaga. Official na to, wala na akong lawit!!” Sigaw ni Denise. Natawa naman si Rhian at tsaka hinampas ang kaibigan.

“Gagabells, nasa eskwelahan tayo mahearlalu tayo ng mga froggietuties ano pa ma-saying nila sa atin. Chismax mga froggie dito!” Sabi ni Rhian sa kaibigan. Napasinghal naman si Denise at tsaka hinawi ang buhok niya.

“Wapakels peg ko sa mga froggietuties na yan teh, basta ang importante gerlalu na akiz!! At kaya kita pinuntahan dito para magcelebrate tayo sa labas!” Sabi ni Denise. Agad naman pumayag si Rhian at kumain na sila sa labas pero di alam ni Rhian, narinig pala sila ng mga chismosang kaklase nito.

Babae Po AkoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon