How to manage the writer's block

8.3K 287 123
                                    

How to manage the writer’s block
© Shupershimmer

Sa Journalism class ko, kapag pinagsusulat kami ng article within a short period of time, bukod sa kailangang may sense ang nakasulat, e, kailangang maganda din ang pagkakagawa. Bawal ang writer’s block, baka ma-tres ang article.

Bakit na-ra-writer’s block?

 

Una, ayaw mo ng ginagawa mo. Sa amin, kapag hindi mo trip ang topic, o balita, hindi kami gaganahang isulat ‘yon, kasi nga ayaw namin. Hindi trip. Hindi bet. Parang sa wattpad—ayaw mo munang mag-update kasi wala ka pang assurance sa kalalabasan ng chapter.

Pangalawa, madaming interference/ echos. Naka-open ang wattpad, nakaopen ang FB, pati twitter, tapos Youtube. Sa dinami-dami ng inooperate mo, paano ka makaka-concentrate? Tapos biglang magcha-chat si crush, ayun, nawalan ka na ng attention sa update mo dahil sa kilig!

Nagpalike lang naman ng picture si crush sayo! Punyetang buhay ‘yan, oh.

Pangatlo, dahil sa pressure. Na-pressure ka na nang bonggang-bongga dahil sa mga demanding readers mo, kaya imbes na makaisip ng update, hindi mo magawa. Kasi nga, pressured. Hinding-hindi yan maiintindihan ng readers lang.

Panghuli, ka-tams. Oo, katamaran, for long. Ikinatwiran mo pa ang writer’s block, e, samantalang tinatamad ka talagang mag-isip ng kasunod, at higit sa lahat, tinatamad mag-type. Echosera ka.

E, paano ba ma-ma-manage ang writer’s block? Gusto kong magsulat pero wala talagang pumapasok sa utak!

Pa-check mo na ulo mo, baka wala ng laman. Joke.

 

Shimmer’s Suggestions:

1. Be certain and passionate with your story.

[This part is my answer to a reader ( tinkdeerbell ) na nag-comment sa chapter 1 nito. Na madalas daw siyang magsimula ng story pero dinidelete agad, kahit may ending na sa isip niya.]

 

Paano mo naman matutuloy ang sinimulan mong story kung sa umpisa pa lang, wala ka ng passion sa nobela? Tipong nakaisip ka lang ng isang plot habang kumakain ng saging—without thinking of additional twists—tapos pag naubusan ka na ng pakulo sa story, writer’s block agad ang sinisisi.

That’s the problem with us. Kapag nakaisip ng panibago, kahit may naisip ng ending, ipo-post agad sa wattpad. Feeling mo kasi, magki-click. You feel like you’ll finish it. Trust me, naranasan ko na ‘yan at ilang kwento na ang binura ko dahil sa pagiging indecisive ko sa paggawa ng story.

Ganito yan: parang kumuha ka lang ng dalawang tasty bread tapos naubusan kayo ng ChizWiz sa bahay. Wala tuloy palaman! Walang lasa!

My point is, you need to think a thousand times, bago mo simulan ang kwento. Para makaiwas sa possible block. Ano ba ang twist na idadagdag ko? Ano kaya kung pumatay ako ng karakter? Ano ang mga problems ng mga bida ko?Think of your story, first. Hindi yung, nakaisip lang ng kilig chorva, post agad as a story.

Tip: Jot down/ write down your ideal twists, para habang nagsusulat, may reserved kang pakulo sa story.

2. Chillax lang, hayaan mong maglaway sila sa update.

Kung wala ka talagang maisip na update, dahil masakit pa ang puson mo, o kaya ngayon ka pa lang natuli sa tanang buhay mo, edi wag mo munang ipilit!

Relax lang, kahit murahin ka ng readers sa pag-uupdate dahil ang kupad mo. Hindi ka naman nila kilala, tsaka hindi alam ang address mo para kuyugin. E, kung talagang inatake ka ng writer’s block, e! Walang kang magagawa. Tamad tayo, diba?

Hayaan mong makapagnilay-nilay ‘yang braincells mo, hanggang sa makapag-isip ng kasunod. Maglaro ka na lang muna ng baril-barilan sa Friv or Y8 para malibang.

Yung ibang writer nga e, one year bago matapos ang isang kwento. Parang ako.

 

3. Wag mo nang i-push kung hindi yan ang comfort zone.

There are some writers who decided to write beyond their preferred genre. For example, Romance ang bet mo, pero pinush mong magpost ng Horror. Well, hindi ko naman sinasabing mag-stay ka na lang sa iisang genre poreber and eber.

Ika nga, “get out of the box” pero kung di mo kaya, wag na i-push!

Hindi naman kasi basta-basta ang pagsusulat, lalo na kung nakasanayan mo ang isang genre tapos magshi-shift ka. Mahirap magpaka-Horror lalo na kung mas bet mong mainlove na lang ang moo-moo sa bida. Nyek.

Okay lang naman kung gusto mo talagang mag-try ng panibago. Siguro mas okay, kung ma-inspire ka muna at magbasa ng mga kwento gaya ng gusto mong subukan. Para naman may paghugutan ka. It takes time.

Parang relasyon lang ‘yan: Kung nasanay ka sa mga ex mo na sweet sila sa’yo, tapos nagkaroon ka ng jowa na sobrang tabang, walang kahahantungan ‘yun kundi break-up. Kasi nga, di ka sanay. Unless, you’ll exert an effort to at least try.

 

Shet, hugot.

4. Again, focus on your work.

Kung napagdesisyunan mong mag-update, edi mag-update ka na lang. Hindi ‘yung makikipag-tweet ka sa chicser, o kaya maglalike ng mga posts ni crush sa FB. Utang na loob, mag-concentrate ka naman!

Imbes kasi na makabuo ka ng certain idea na ilalagay mo sa chapter, hindi mo magawa kasi ang daming istorbo. Try mong magsolo at magkaroon ng sariling dimension. Mabisang alis-block ‘yon! Add mo na lang ang magandang background music.

Kung wala ka paring maisip, balik ka sa plot ng ginagawa mo. Pag-isipan mo kung paano mag-i-end-up ang kwento mo sa ganoong plot.

Kung wala talaga, punyeta, pakamatay ka na. De, joke. Sumuko ka na lang. I-delete mo ang story dahil di mo taglay ang suggestion number 1.

NEXT: PAANO MAGPAKILIG NG READERS ONLY BY WORDS

***


Feel free to ask questions, para po alam ko ang mga susunod na topic. Sa mga nagtanong sa previous chap, gagamitin ko po 'yun. (E.g. How to think a better title, etc.)

Writing Tips (Filipino)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon