CHAPTER 16 ~ Agents ~

167K 3.1K 343
                                    

CHAPTER 16

SKY'S POV

"Err...Ano ulit ang ginagawa natin dito?"

Walang sumagot sa akin at lahat kami ay tulala lamang na nakatingin sa tanawin sa harapan namin. 'Lahat' as in lahat ng mga agents. Sabay-sabay na nilingon namin ang dalawang tao sa likuran namin na paniguradong may kasagutan sa mga tanong namin; Dawn and Triton.

Nakasuot ng mabulaklaking shorts si Triton at walang pang-itaas. May nakasabit na mga bulaklak sa leeg niya. Si Dawn naman ay suot parin ang karaniwan niyang get-up. Formal suit. Naka black pencit cut skirt siya at puting blouse. Mabuti na lang at inalis niya ang pinakajacket ng suit niya kundi hindi na kami magtataka kung bigla na lang siyang bumagsak at maheatstroke.

Nasaan kami? Beach Resort.

Nanahimik akong kumakain sa Craige's kanina ng walang sabi-sabing bigla na lang may nagsuot ng blindfold sa akin at hinatak ako papunta sa kung saan. Hindi na ako lumaban lalo na at naririnig ko ang kambal na si Enyo at si Eris ng mga panahon na iyon na nagrereklamo din. Meaning, hindi ako nag-iisa.

At eto nga., lahat kaming elite agents ay kasalukuyang nasa isang beach resort. Mukhang naiwan ang mga junior members na malamang sa hindi ay siya ding naglagay sa amin sa bus ng BHO CAMP. Yup. May sariling bus kami. Ang dami na kasi namin.

Tumikhim si Dawn at binigyan ng tingin si Triton na ngiting-ngiti. Nagsalita ang binata. "Nandito tayo para magrelax!"

"Umayos ka." sabi ni Dawn.

"Hindi mo na ako matatakot ngayon, sweetheart. Hindi mo dala si Twinkle."

Tinignan lang ni Dawn si Triton pagktapos ay sinenyasan si Freezale na lumapit naman. Hinarap ni Dawn si Freezale kay Triton. Nakatingin lang kami sa kanila at habang tumatagal ay isa-isa kaming nag-iwas ng tingin.

Now I know. Iyong mga naririnig ko sa mga agents. Frozen Stare, Death Eyes, Frozen Medusa at kung ano-ano pa. Walang sino mang makakatagal sa nanlalamig na tingin ni Freezale.

Binalik lang namin ang tingin kaila Triton ng bumalik na sa pwesto niya si Freezale. Kasalukuyan nakaluhod sa buhangin si Triton na animo pasan niya ang daigdig habang nakataas ang kamay na parang inaabot kami.

Hinarap kami ni Dawn. "Ako na lang ang magpapaliwanag dahil mukhang wala na naman sa wisyo ang boss ng CAMP division na nasobrahan ata ng kahihithit ng mga bimbos na mas malala pa ang epekto kesa sa mag rugby ka."

"Hard." bulong ni Enyo.

"Solid." sang-ayon ng kapatid niya na si Eris.

"Grabe ka naman, sweetheart. Hindi sila bimbos. They're my girls." sabi ni triton na gumagawa pa ng dalawang korteng bilog gamit ang magkabila niyang kamay.

"Girls are for people. Bimbos are for empty headed creatures. Anyway," tumingin sa amin ulit si Dawn. "Walo na missions lang ang dumating sa atin. Three missions for elites, three missions for juniors, and two lower missions for the elite trainees." Ang tinutukoy niya sa elite trainees ay ang mga kababata naming baguhan pa lang sa pagiging agent katulad nila Ocean.

Napanganga ako. "What? Walo lang?!"

"Unfortunately, yes. Mukhang nagpapakatino ang mga tao sa bansang ito sa ngayon. Sa loob ng isang taon may pagkakataon talaga na nangyayari ito. Wag kayong mag-alala dahil ngayong buwan lang naman panigurado."

"Kailan pa? Wala naman kaming napapansin." sabi ni Hera

"Secret."

Lahat kami napanganga kay Dawn. Was that a joke? From the looks of it parang hindi. Parang hindi bagay sa kapita-pitagang anyo ni Dawn ang mga ganong salita.

BHO CAMP #1: The Playgirl's KarmaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon