Chapter 9: Memories

10.2K 143 10
                                    

AUTHOR'S NOTE:

I'm actually enjoying this writing stuff kaya talagang gusto kong mas lalo pang gumanda 'yung mga stories na gagawin ko hehehe..... Kahit maka-one thousand reads lng ako auz n tlga... talo-talo na 'yon kaya maraming salamat po talaga sa mga nagbabasa pramiz papagndahin ko pa po 'to hehehe....

COPYRIGHTED© 2012 ALL RIGHTS RESERVED BY MISS_REDANGEL

UWIAN nila pero hanggang ngayon ay nasa classroom pa rin si Euey. Ang balak sana niya ay antaying makabalik si Reese mula sa club meeting nito kahit sinabi nitong matatagalan.

Alam naman niyang nasa ibaba si Ave at nag-aantay na sa kanya at siguradong isang text lang niya ay pupunta ito roon para sunduin siya pero ayaw niya, call it a pride thing. Isa pa kanina pa siya nito inaalagaan simula nang magising siya at daig pa nga niya ang baldado sa pagaasikaso nito kaya hindi niya maiwasang mahiya naman dito kahit papano kahit na alam niyang hindi man lang ito nagrereklamo. Kahit noon pa naman kahit na anong mangyari ay 'ni minsan ay hindi ito nagrereklamo sa kanya.

Naalala pa niya kahit na puro bangas at sugat ito noon dahil sa pam-bubully ng iba pang mga bata rito ay 'ni minsan ay hindi niya ito narinig na nagreklamo. Ni isa wala kaya nga palagi siya noong nasa tabi nito para ito ang protektahan dahil hindi naman ito lumalaban kahit na puro sugat at pasa ito sa mga bata noon. Kaya nga tuwing umuuwi sila nito sa kanila na puro pasa ay ito ang madalas na nagpapaliwanag kung bakit siya may mga ganoon sa katawan.

Napabuntong-hininga na lang siya kasabay ng pagsipat sa orasan. Malapit na magala-sais at alam niya ay kanina pa marahil naiinip si Ave sa kakaintay sa kanila ni Reese.

Isinara na niya ang librong kanina pa niya binabasa para naman kahit papano ay malibang siya, nang magulat siya sa isang boses.

"Sabi ko na nga ba at nandito ka lang." she felt her heart almost going rampage that make her frown. Kailan pa siya kinabahan tuwing nasa paligid ito? Samantalang buong buhay niya ay dito siya pinakakomportable. Baka dahil siguro sa mga inakto nito kaninang umaga kaya siguro ganito ang pakiramdam niya. Tama 'yun lang 'yon. Pangungumbinsi niya sa sarili at mas piniling kalimutan na lang niya siguro ang mga nangyari kanina.

"So?" she needed to act just normal para naman hindi na niya palakihin ang mga bagay-bagay.

"So that means you didn't have the capacity to even get downstairs without an aid." Okay may masasabi pa ba siya? Eh, sa tama naman ang sinabi niya at saka anong panama niya sa english nito?

"Paano mo naman nalaman na nandito ako?" bakit ba hindi pa rin siya mapakali? samantalang nung mga bata pa sila ay halos natutulog na sila sa isang kama kaya bakit ganito?

Nakakainis talaga kung hindi siguro ito umakto kanina ng ganoon malamang hindi ganito ang nararamdaman niya ngayon. Isa pa sanay siya sa makulit at mapagbirong binata kaya siguro ganoon siya.

"Reese texted me, nag-aalala siyang baka gabihin ka na daw ng uwi kung aantayin mo siya." noon lang niya napansing nakalapit na pala 'to sa kanya habang nakatingin sa bintana. "Pero mukhang gagabihin na talaga tayo kung hindi ka pa kikilos." iningusan niya ito. "Can we go now?"

Ipinasok na niya ang libro sa bag saka lang niya napansin ang binatang naka luhod patalikod sa kanya.

"Ginagawa mo?"

"Where doing this the easy way." tinapik nito ang balikat. "Come on."

"I'm wearing skirt for pete's sake!" bulalas niya.

"We've been friends as long as I can remember kaya alam kong lagi kang may suot na short sa ilalim ng skirt mo. Kaya dali na nang makaalis tayo." muli nitong tinapik ang balikat. "Dali na nang makauwi na tayo at baka abutin pa tayo ng siyam-siyam kung aalalayan pa kita pababa dahil sa katigasan ng ulo mo."

May katwiran nga naman ito saka sino bang mahihirapan sa kanila? Siya lang naman ang may saklay sa kanilang dalawa. Napabuga na lang siya ng hangin bago inabot dito ang saklay niya at sumampa sa likod nito siya na ang humawak sa bag niya habang nakayakap ang magkabilang braso sa leeg nito.

"Okay, here we go." he grunted as he lift her up. "Bakit parang bumigat ka yata?"

Muli niya itong nahampas sa balikat. "Parang kanina lang binuhat mo ko ah tapos ngayon ka pa nagreklamo."

Naramdaman niyang umalog-alog ang balikat nito at ang hudyo pinagtatawanan pa siya! Binatukan niya ito. "Aray naman Rina. I was just joking pikon ka naman agad."

"Para namang hindi ka sanay." kahit na alam niyang hindi siya nito nakikita siguradong alam nito ang reaksiyon niya.

"Kaya nga sanay ako sa'yo,  kaya nga ayaw kong nakikita kang ganyan." she could hear concern laced in his voice.

"Ikaw naman kasi ee." paninisi niya ayaw niya kasing ganoon ito mas gusto niya ang Ave na naging kaibigan niya simula pagkabata.

"Oo na, ako na, ako na. I'll will not make you uncomfortable from now on." he said in a serious tone as silence fell over.

Then she leaned on him, he stiffened for a bit then relaxed. Then she fall in a peaceful slumber....

"Nous serons ensemble pour l'éternité, anong ibig sabihin 'non?"   aniya sa lalaking katabi habang nakahilig sa mga balikat nito. 

 

They both watch the sun as it drifted down the sky. Basta ang ang nakikita niya nasa mataas silang lugar where she can smell and feel the salty air as she hear the waves as it rested at the shore.

 

"Doesn't have a french class Countess Vitalis." he teased as she can feel his supress chuckle.

 

She pouted. "I don't like french class besides it's not my forte." her eyes still fixed in the sunset she can't help but feel happy and sad at the same time. Masaya dahil isang bagong umaga na naman ang sasalubungin nilang magkasama pero malungkot dahil hindi pa rin nila alam ang mga bagay na maaring mangyari sa hinaharap dahil parehong alam nilang hiram lang ang mga bawat sandali nila.

 

Narinig niyang tuluyan na itong tumawa dahil sa sinabi niya bago siya binalingan.  She could see the amusement in his eyes before his lips descend on hers and just like the other times when they kiss she always feels that they are both in heaven though she knows that they can never go there. She almost chuckled on her thoughts.  

 

Before he heard him translate what the word to her. "' Nous serons ensemble pour l'éternité' means we'll be together for all eternity."

 

She lovingly look at him. "I love you, Seth."

 

"As I love you, My Rina." 

Bitin keu no?? syempre dapat abangan niyo ang nxt chap whahaha... ;-)

tnx sa mga ngbabasa... nka one thou na ko whaaaaa... talo-talo na talaga as in ;))

WRITTEN BY: MISS_REDANGEL

My Boyfriend is a Vampire (Published under LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon