"AYOKO!!" eh, bat ka sumisigaw?

"Ngeks papaano natin paghahatian yung report?" baliw lang bat ayaw nya magbigay ng info. 

"Ayoko, baka makipag-SOP ka sakin eh." 

"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA" hagalpak ang tawa ko. Narinig din ng mga kaklase ko yung sinabi nya. SOP daw? Ang lakas maka-clan clan ng sinabi nya. Patawa talaga. Imbes na mainis ako sa sinabi nya ay natawa na lang ako.

"BAT KA TUMATAWA?!! JAN KA NA NGA. BAHALA KA SA REPORT NATIN. GAWIN MO MAG-ISA!!" sabay walkout papalabas ng room. Nahiya siya siguro sa sinabi nya. SOP pa daw? Funny din pala tong epal na to. Anyway, bahala sya kung ayaw nya makipaghati sa report namin. 

~~~

"eh?"

"ANDITO KANA NAMAN? BAT MO BA AKO SINUSUNDAN??!!" sinigawan nya ako. Hayop na to.

"Are you nuts?! hindi ko kasalanan na mapasama sa class na to. Feeler ka din talaga eh noh? Anong sinusundan? Kasalanan ko bang magkasama tayo sa class na to?!!" pabalang kong sinabi sa kanya. Malay ko bang magkasama kami sa class na din na to.

Napayuko na lang ako sa pagtatalo namin. Nagtitinginan na ang mga classmates ko sa class na to. Buti na lang at wala pa ang prof namin. Malay ko ba na kasama ko sya. Kung sana sinabi niya sa akin ay di na sana ako pumasok sa class na to. Kaya lang huli na ang lahat. Bawal na akong magpalipat.

"Aaron and Kai kayo ang magiging partner sa class na to. You'll have parts with this semester's discussion. I'll give you the key points that you have to discuss okay." sabi ng prof ko. Siya na naman ang makakasama ko? Ano bang ginawa ng diyos at sya pa ang magiging partner ko sa reports? Urgghhhh.... Napapabuntong hininga na lang ako kapag naiisip ko na magiging worst ang output.

"I need to get your number! Hindi pwedeng ako lang mag-aasikaso sa reports na to." sinabi ko sa kanya papalabas ng room.

"AYAW!" para syang bata na ayaw mamigay ng gamit.

"Anong ayaw?! Sinong gagawa sa reports na to? Ako lang?" nakakainis naman tong tao na to. Akala naman nya pagsasamantalahan ko sya. Ang nice nice ko na nga eh. Kinakalimutan ko na nga yung ginawa nya sa akin. 

"Basta ayoko!" 

"Okay ka lang? Dalawa na yung subject na magkasama tayo sa report. Kahit yung next thursday man lang ay magawa ko na."

"Ano ba sabi ko?"

"MA!!"

"kahit email na lang."

"Ayaw!"

"Phone number na lang."

":P" nag-bleh lang siya sa akin

"isa!" angal kong sinabi sa kanya

"dalawa" deadma lang sya.

"Basta ayoko!" 

"kapag hindi mo sinulat sa sticky note na to yung number mo ay magwawala ako." 

"isa talaga"

"dalawa" deadma pa rin.

"tat..." 

"oh eto na!!!" sabay dikit nya ng sticky note sa noo ko.

"Aray! pwede namang ibigay ng maayos diba. Hindi yung ididikit pa sa noo ko. Bakit telephone number to?!" eh? nawala yung kausap ko. Ang korek talaga ng tao na to. Ayaw talagang ibigay ang cellphone number nya. Weird.

~~~~~~

Nahanap ko na yung irereport ko. Hindi pwedeng matambakan ako ng gagawin kasi baka mamaya magcramming lang ako. Sa friday nako babalik sa work kaya mas okay nang maaga para hindi gaanong katoxic. 

Ang problema ko na lang ay kung paano ko to paghahatian kasama ang kumag kong partner na Kai pala ang pangalan. Tawagan ko kaya siya, alas otso pa naman ng gabi. Sana merong sumagot...

"Hello!" ay ang bilis nya sumagot

"Hi" nakakapanglusaw ang boses ng guy na kausap ko.

"Sino to?" sabi nya

"Anjan po ba si Kai"

"Sino nga to?"

"Si Aaron to..."

Eh? bat sya naghung up? Epal yun ah. Tawagan ko nga ulit.

"Hello"

"..." walang nagsasalita

"Number po ba to ni Kai? Si Aaron po to, may isesend lang po akong email sa kanya sa reports namin."

"..." wala pa ring nagsasalita. Para naman akong tanga dito, para akong nagpapanggap na may kausap. 

"HELLO!" nakakainis naman, walang sumasagot. Baka mamaya niloloko lang talaga ako nito. Baka mamaya ibang number pala ang nilagay niya.

"..." binaba nya ang phone. Ano kayang problema nun? Hindi sumasagot. Ah bahala siya basta may report nako. Tatrabahuin ko na lang para hindi masyadong magulo. Sabihan ko na lang sya para maprocess nya sa utak niya yung irereport nya. 

~~~~

"Hey, tumatawag ako last night pero walang sumasagot." sabi ko sa kanya, bat kaya to nakabusangot.

"ewan! wag mo nga akong kausapin." ah okay? moody din pala tong hayop na to.

"Oh eto na yung report. Nanjan na rin yung layout and pointers na dapat mong idiscuss. Sabihan mo na lang ako para maedit ko at makapagresearch pa." 

pagmamayabang kong binigay sa kanya ang 10 pages na printed copies na mga naresearch ko.

"Tanga ka ba?!" 

"Hah?"

"Bakit ko kukunin yan! Ayoko nyan!! Gusto ko may brainstorming. Hindi yung ganyan!"

"MAS TANGA KA! As if may brain ka! Diba sabi ko magresearch tayo. Hindi ko naman sinabi ireport mo to. Yan na nga yan eh. Nanjan na brain ko." epal nakakapanginit ng dugo.

"AH BASTA AYOKO NYAN! GUSTO KO MAG-OVERNIGHT TAYO TAS BRAINSTORMING" 

"Ang demanding mo naman. Pwede naman magbrainstorming sa library. Hindi yung overnight overnight pa!"

"Wag mo nga akong yayain magdate!"

Tumawa na lang ang mga kaklase ko dahil napatingin silang lahat sa kinauupan namin. Sabi nila para daw kaming magpartner. Hayop na to. Hindi man lang ako nakasagot sa kanya dahil nakapasok na prof namin.

"Asa ka namang magde-date tayo!" pabulong kong sinabi sa kanya.

"Bakit may boyfriend ka ba?! Wala naman diba..."

Something stupid like I Love You (ongoing series)Kde žijí příběhy. Začni objevovat