CHAPTER 2 "Nice to see you again"

24.4K 564 25
                                    

CHAPTER 2

“Nice to see you again”

 

 

Dumating na kami sa bahay nila. At dahil may kasalanan sya sa'kin eh pinagbuksan nya ko ng door ng car. Pa-gentleman pa eh, plastic lang. Sinalubong kami ni Tita Marigold, ang mommy nila.

“Hi, Zane. You look great. Bagay sa’yo yang pink dress na yan.”

Kahit sa harap ng mommy nya eh hindi pa din nyang mapigilang tumawa. Wala talaga syang pinipiling tao at lugar.

“I already told her that, ma. Pero ayaw nyang maniwala.”

And there he goes again, the unstoppable laughs.

“Tita oh, lagi nya kong ginaganyan.”

To the rescue naman si Tita. Mabuti na lang nagkaron ako ng kakampi.

“Stop it Jake. Kaya hindi ka nagkakagirlfriend eh. You should know how to respect beautiful ladies, like Zane.”

“Ma, you’re kidding. Eh mas lalaki pa nga sa’kin yan eh. Kung kumain nga yan mas madami pa sa kinakain ko.”

At talagang sinisiraan pa nya ko sa mommy nya. Paano na lang kapag nalaman ni Johann yun. Baka maturn off sya sa’kin.

“Ah, tita dumating na po ba si Johann?”

“Oo nga ma, asan na si kuya?”

Excited akong makita si Johann, kulang na lang magtatakbo ako papasok ng bahay nila para makita sya kahit naka-heels pa ko.

“Tumawag sya at sinabing mamayang gabi pa daw sya makakauwi. May idadaan lang daw sya dun sa kaibigan nya. Importante daw eh kaya hindi na nya naipagpabukas.”

Para kong nalusaw na ice cream nung narinig ko yun. Gabi pa sya dadating? Eh 1pm pa lang ng hapon eh. So meaning maghihintay ako ng ilang oras? Ano ng itsura ko nun? Grabe naman, kung sana lang alam nya kung ga’no ko kaexcited na makita sya.

“Pare, iintayin mo ba si kuya?”

“Maaga pa naman, magbilliards muna tayo sa loob.”

Nothing's Gonna ChangeWhere stories live. Discover now