Nang paalis na kami ay papasok na sana ako sa kotse ko pero pinigilan niya ako.

 

 

"Ako ang maghahatid sayo tapos susunduin din kita mamaya."

 

 

"Pwede ko naman dalhin ang kotse ko. Mapapagod ka pa kung hinatid at sundo ko pa ako."

 

 

Nakita ko namang nag-iba ang expression nang mukha niya. Kung kanina ay nakangiti ito habang kinakausap ako, ngayon ay nakataas ang kilay nito sakin at ang sama ng titig kaya wala na akong nagawa.

 

 

" Oo na.. eto na.. Papasok na ako sa kotse mo sungit. "

 

 

Wala eh takot ako sa kanya kaya sumunod nalang ako.

 

 

END OF FLASHBACK

 

 

I am not normally clingy and expressive towards other people. Siguro kay dad lang ako ganun kasi siya lang ang nakalakihan kung magulang. Pero pagdating kay Jhoana sobrang clingy ko. Gusto ko parati siyang malapit sa akin.

 

 

Pag nasa bahay lang kami, palagi lang akong nakabuntot sa kanya. Minsan nga naiinis na siya sakin kasi pagnasa bahay lang kami wala siyang nagagawang trabaho. Parang naging workaholic na kasi tong si Jho simula nung siya na ang nag take over sa company.

 

 

FLASHBACK

 

 

Its Saturday at kakatapos lang namin maglunch pero etong si Jhoana ayon, laptop na naman ang kaharap. May malaking project kasi sila kaya kailangan niya ireview ang mga reports at mga files na pinasa sa kanya.

 

 

Nagpuyat na ito kagabi dahil gusto niya daw magawa kahit papano yung work niya over the weekend. Iniwan ko siyang natutulog kanina dahil pinuntahan ko mga patients ko. Pagbalik ko nagtatrabaho na naman siya.

 

 

"Jho... pahinga ka muna please" sabi ko sa kanya habang naka backhug. I kissed her cheek at inikot ko ang upuan niya para maiharap sa akin.

 

 

"It's Saturday. Sinadya ko talagang maghalf day para makasama ka tapos magtatrabaho ka parin." Sabi ko sabay pout.

 

 

Hindi pa din niya ako pinansin at bumalik sa trabaho niya.

 

 

Ayaw mo talaga ha.

 

You (Jhobea)Where stories live. Discover now