"N-natalie.."

"N-narinig ko kayo ni Jader sa kusina, a-anong ibig mong sabihin sa mga sinabi mo sa kanya?" Pinunasan ni Natalie ang mga luha. "G-gusto mong magpaliwanag,hindi ba? E-explain it to me.."

Napayuko si Vhal, he knew that the truth would hurt but keeping it to her hurts more.

"B-bakit mo ako iniwan? B-bakit mo ako pinagpalit?"

~¤~¤~

Five years ago

"I can't wait to spend not just your next birthdays but the rest of my life. You were the reason why I came this far, Natalie. So please.." nilabas nito ang isang blue velvet box.

Hindi na napigilan ni Natalie ang luha.

"B-but Vhal, you're at the peak of your career. H-hindi ba iyon muna ang priority mo?"

"Hindi ba sasamahan mo naman akong maabot ang pangarap ko? And I could still reach that, as long as you're with me" binuksan na nito ang box and she saw a familiar ring.

It wasn't just a diamond ring, she knew that ring, it was from his grandmother.

"Madami ng pinagdaanan ito but look, matibay pa rin. I would like to give this to you because this ring means a lot to me and my family, it symbolizes eternity and that's what I want us to be.. forevermore" kinuha nito sa box ang singsing at tinapat sa kanya.

"So will you be mine, forever?" He choked. "Will you marry me?"

Tumango si Natalie. "Yes!"

He cried too, as he slipped the ring on her finger and kissed it. Pagkuwa'y tumayo siya at hinalikan ito.

They're on the hype of happiness as they spent the whole evening with so much love. Madaming tawanan at pagbabalik tanaw ang ginawa nila hanggang sa nakatanggap ng tawag si Natalie mula sa kapatid.

"H-ha?" Nagiba ang expresyon ng mukha ni Vhal, nararamdaman niyang may hindi magandang nangyari.

Hinawakan niya ang kamay ng fiancé. "What's wrong, Hon?" Tanong niya.

"Papunta na kami" binaba nito ang tawag at humarap kay Vhal. "S-Si Papa.. sinugod sa ospital.."

Hindi na sila nagaksaya ng panahon at dumiretso na sa ospital kung saan dinala ni Lilie ang ama.

"Lilie?" Naabutan nila itong nakaupo sa labas ng emergency room.

"A-ate!" Tumakbo ito papalapit sa kanya at niyakap siya. "N-nasa I.C.U na si Papa.."

"N-nasaan ang doctor?" Hanap niya at natanaw ang ama sa salamin ng I.C.U, ang daming tubo na nakakabit rito at tila wala ng buhay.

"Kakausapin ko lang ang doctor, dito lang kayo"naiwan kay Vhal si Lilie at siya ang umalo rito.

Thirty minutes have passed pero hindi pa rin bumabalik si Natalie.

"K-Kuya Vhal,natatakot ako.." iyak nito. "Papaano na kami kapag nawala si Papa? Tatatlo na lang kami tapos mawawala pa siya."

"Shh, don't say that. Magiging maayos rin ang lahat" ani Vhal. "Isa pa, hindi ko kayo papabayaan ng Ate mo, pangako"

Sakto naman na dumating si Natalie at namumugto ang mga mata. She's been crying.

"Hon.." sinalubong niya ito at kinulong sa mga bisig niya.

"What happened? Anong sinabi ng doctor?" Tanong ni Vhal sa nobya.

Mas naiyak si Natalie, kitang kita sa mga mata ang kawalang pagasa para sa mata.

"V-vhal, kailangan daw maoperahan ni Papa. A-ang problema w-wala akong sapat na ipon.." her voice broke.

Unsaid SacrificeOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz