Pinatong nito ang kamay sa balikat ng pinsan. "Hindi ka masamang tao, nagmahal ka lang" ani ng pinsan.

~¤~¤~

Twelve years ago

KAKAUWI lang ni Vhal galing sa bahay nila Natalie. Hinatid niya kasi ito dahil ginabi sila sa preparation para sa foundation week.

"Vhal, kanina pa nakauwi ang kapatid mo. Bakit naman ginabi ka ulit?" Nagaalalang tanong ng kanyang stepfather, si Dr. Juancho Alfonso - ang bagong asawa ng kanyang ina.

Napatigil si Vhal sa may hagdanan at hinarap ito. "P-pasensya na ho, may tinapos lang po kaming props para sa foundation week"

No, hindi niya pwedeng sabihin na hinatid niya si Natalie dahil dati noong ginawa niya iyon ay kung anu-ano pa ang narinig niya sa ina.

"Vhal, anak?" And here comes his mother. "Sabi ng kapatid mo, wala ka na sa school nang umuwi siya. Nagkarera ka na naman ba?" Pagalit na tanong nito habang nakapamewang.

Nilapitan ito ng asawa at inakbayan. "Darling, may tinapos daw na props para sa foundation week. Pagod ang anak mo, hayaan mo muna makapagpahinga" tumingin sa kanya si Dr.Juancho.

"Go ahead,hijo. Magpahinga ka na, tatawagin ka na lamang namin kapag kakain na" tumango na lamang si Vhal at umakyat na sa taas.

Ngunit bago tuluyang makapasok sa kwarto ay pinakinggan muna niya ang mga ito.

"Why are you spoiling my son too much, Juancho?" Naiinis na sambit ni Marisa. "You know that he has been through a lot with his father and spoiling him won't do any good"

"Calm down, Marisa" pagalo nito sa asawa. "I've been a boy once, alam ko ang pinagdadaanan ng anak mo." Aniya.

"Ang kailangan sa kanya, dinidisiplina! Kaya lumalaki ang ulo,iyan kasi ang ginawa ng ama sa kanya!" Ani Marisa, napakagat na lamang ng labi si Vhal sa narinig. "Look at Declan, maayos ang anak mo. Sana tumulad siya kay Declan"

That's it. He heard enough! Pumasok na siya ng kwarto at sinarado iyon.

Pinikit na lamang niya ang mga mata at nagbabakasakaling mabura sa isipan niya ang mga narinig.

Dad, b-bakit mo naman ako iniwan.. ayoko rito..

Bago tuluyang makatulog ay nakareceive siya ng text message galing kay Natalie.

Natalie Elaine:
Are you home? Anyway, thank you sa paghatid. Salamat daw sabi ni Papa, see you tomorrow. I love you Speedy!

Napangiti siya sa text nito, she never failed to make him wanted, love and cared. Mabuti na lamang ay nandyan si Natalie dahil ito ang nagbibigay sa kanya ng dahilan para gumising sa umaga.

Nagtagal ang relasyon nilang dalawa ni Natalie, nakakagulat mang malaman pero hindi sila tulad ng ilang kabataan na pumapasok sa relasyon.

Marahil malaking bagay na may gabay sila ng magulang, nagkasundo sila ng Papa ni Natalie na mas pagtuunan ng pansin ang pagaaral at magsuportahan.

Kaya hanggang kolehiyo ay partners in crime sila. Para sa kanya ay hindi lang girlfriend si Natalie, bestfriend niya rin ito.

"Hey, Speedy!" Bati sa kanya ni Natalie na nakaschool uniform pa. "Hindi ako late! Nakaabot ako"

Malawak ang mga ngiti ni Vhal ng makita ang nobya. "Damn, akala ko iindianin mo ako!" Niyakap niya ito ng mahigpit.

"Ako pa ba?" Ani Natalie habang nakapulupot ang mga bisig sa leeg ni Vhal. "Baka mademote ako sa pagiging presidente ng fans club mo kapag absent ako! Ayoko nga"

Unsaid SacrificeWhere stories live. Discover now