Chapter 57: Juliuse hidden love

Zacznij od początku
                                    

"Lalim ng iniisip mo ah, hulaan ko kasama si Vam dyan" gulat naman akong napatingin sa nag salita "Ay sorry nagulat ba kita? Hehehe" si Jessie lang pala

"Ok lang" sabi ko at nginitian sya

"May problema ba Shanlee? Alam ko namang hindi kayo maayos ni Vam at iniisip mong ikaw ang dahilan ng lahat ng to. Shanlee tandaan mo na walang may kasalanan ng nangyari ok? At yung tungkol kay Vam? Magkakaayos din kayo balang araw" sabi nya.

"Salamat" sabi ko at niyakap sya

Hindi ko alam na ang pilyong si Jessie ay may tinatago din palang kasweetan.

Nagulat nalang ako ng biglang may humila kay Jessie.

"Hoy lalake! Ang landi mo talaga pati ba naman si Shanlee nilalandi mo! May payakap-yakap kapang nalalaman! Eh kung ibaon kaya kita sa kinatatayuan mo!!!" Galit na galit na sabi ni Ryza, ni hindi man lang nya tinanong ang totoong nangyari.

(^_^')

"Hindi naman ako---" hindi na natapos si Jessie ng sumabat si Ryza.

"Ang landi mo!!! Kung makikipaglandian ka wag sa kaybigan natin sa iba nalang!! Alam mo namang may Vam nayan diba?!! Tapos sasapaw kapa!!!" Sigaw ni Ryza kay Jessie, gulat naman si Jessie dahil sa sinabi ni Ryza. Bigla nalang itong naglakad palabas ng kwarto "Hoy!! Lalaki ka!! Malandi ka na nga napakabastos mo pa!! Bumalik ka dito!!!!" Sigaw nyang muli

"Ah Ryza hindi naman talaga nya ako niyakap. U-Uhm ako kase ang yumakap sakanya" sabi ko na ikinagulat ni Ryza

"HA?!! Bakit mo sya niyakap?" Gulat na tanong nya

"Kinomfort nya lang naman ako kanina kaya napayakap ako sakanya" sabi ko, nasapo nya nalamang ang kanyang noo.

"Hala ka Ryza, siguradong galit yun" sabi ng kapatid kong si Juliuse

"Sinundan mo nalang sya Ryza, siguradong papatawarin ka non, malakas ka don sa lalaking yun eh" sabi ni Railey

Half Blood Academy (School Of Half Bloods)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz