Chapter Two - Just embarrassing!

970 23 5
                                    

 Can You Keep a Secret? (K A T H N I E L)

TWO

writtenbyKobeJaneDinesse

"Mamamatay na tayo.."  Tinitigan ko yung mukha ng lalaking katabi ko. Mula sa mga mata niyang---- Shit! Nakakatunaaaaaw! o...o hanggang sa matangos niyang ilong.. hanggang sa... Biglang parang bumabagsak na naman yung eroplano tsaka ako nagulat at naiyak..

"Tss. Hindi kaya." Sabi niya. "Ang sabi ng Captain, konting ligalig lang naman daw----"

"Hindi mo ba naiintindihan? Syempre hindi nila eksaktong sasabihin na, 'Ok. Lahat tayo maghanda na sa ating kamatayan'. Gets mo?"

Bigla na namang parang hinagip ng sobrang lakas na hangin yung eroplano at sa takot ko, hindi ko namalayan na nakahawak na pala ako sa kamay ng lalaking katabi ko.

"Alam kong hindi na tayo makakaligtas dito. Alam kong ito na ang huli. This is it. I'm only 16 years old, for God's sake. Hindi pa ako handang mamatay! Marami pa akong gustong gawin. Wala pa akong napapatunayan sa sarili ko, ni wala a nga akong nailigtas na buhay.. Minsan sinubukan kong sagipin yung aso naming si Sam sa dagat dahil akala ko nalulunod siya. Pero sa halip ako pa yung nalunod at buti nalang nandun si papa.."

Habang nakatitig ako sa kanya, nakahawak parin ako ng mahigit sa kamay niya. Eto na siguro ang huling taong makikita ko bago ako mamamatay...

"Hindi pa ako nakakapaglaro ng Arcade, kahit kailan hindi pa ako nakakaakyat ng bundok, hindi ko nga alam kung paano lumangoy. . ."

"Anong pinagsasabi mo Miss?" Sa muka niya ay mukhang gulat na gulat siya, pero halos hindi ko na siya marinig. .

"Nung umattend ako ng Dance Workshop sa Manila ang akala ko magkakaroon na ako ng talent, yun pala hindi. . Hindi pa ako nakakasubok na tapusing basahin ang kahit anong libro! Minsan sinubukan kong basahin ang El Filibusterismo ni Jose P. Rizal, pero wala ding nangyare. . Maraming words na hindi ko alam kung anong kahulugan, kya tin'ra'translate ko sa Google Translate, may utang pa akong 2,000 pesos kay Papa, at hindi pa ako kailan man nainlove. . ."

Maya-maya ay nag level-off na yung eroplano. Napakalog ako at binitawan yung pagkahawak ko sa lalaki, pati na yung titig ko sa kanya. . 

"Sorry!" Inalis ko yung tingin ko sa kanya. "Hin-hindi mo dapat narinig yun."

"Ah, ayos lang.."

Lord. Hindi ko na mapigilan. Grabe.

Pero anyway, hindi nman totoo yung mga sinabi ko sa kanya. Syempre kasi nainlove na ako. Kay Chan. Siguro nalito lang ako kanina, dala lang ng takot. Pero noon lang yun.

Ok. Kalma lang Xachi. Libangin mo ang sarili mo. Hmmm.. Ah-ha!

"Papapa...papa...papara..rapapaaaaaaaaaaaaa~" Biglang tumagilid na naman yung plane at bahagyang nakasandal na ako sa lalaking katabi ko. Lord, eto na talaga to. Katapusan ko na.

A/N: Kumakanta po si Xachi. Yung tune po yung sa SHOWTIME na kanta. XDXD

Can You Keep a Secret? - WALANG UPDATE -Where stories live. Discover now