CHAPTER THREE

0 0 0
                                    

     Tapos n siya maghugas ng mga plato ng gabing yon.  Nagpunta na siya sa tindahan ni Mang Makoy upang magbasa ng komiks.  Nakakatapos pa lang siya ng isang komiks nang lapitan siya ng kanyang pinsan na si Eva.  "Amy lika muna may papakilala ako sa iyo."  Sabay hila sa kamay niya.  Sa harap lang ng tindahan ni Mang Makoy siya dinala ng kanyang pinsan. 

     "Amy si Anthony, si Amy pinsan ko." Pakilala ni Eva sa dalawa.  "Shake hands naman kau."  Sabi ng kaibigan ni Eva.  "Wag na!"  Pasuplada tugon ni Amy.  Nagyaya maglakad lakad si Eva at ang kaibigan niya at isa pa nilang kasamang lalaki.  Nasa likuran lang nila Amy at Anthony ang pinsan niyang si Eva at ang dalawa nitong kaibigan.
     Habang naglalakad silang dalawa hindi malaman ng binatilyo kung paano niya bubuksan ang usapan.  Diyahe naman kung si Amy pa ang mag uumpisa ng pag uusapan nila.  "Bahala na."  Sabi niya sa kanyang sarili.  "Yan pala yun Sta. Catalina School." sa wakas may nasabi rin siya.  Patango-tango ang dalagita.  Sabay sabing "ang alam ko diyan ako magta transfer."  "Talaga!  Diyan ako naga-aral."  May excitement sa binatilyo.  Tumango lang si Amelia.  Maya't maya lumilingon si Amelia sa knilang likuran upang tingnan kung nakasunod pa rin yung tatlo sa kanila.  Napansin niya medyo malayo ang agwat nila sa tatlo.  Nawala na ang kaba ni Anthony di tulad kanina n parang may dagang naghahabulan sa kanyang dibdib.  Lingid sa kanya parehas silang nararamdaman ni Amelia kinakabahan din ang dalagita.  Pero ngayon nakakapag kwentuhan na sila ng maayos.
     Nilibot lang nila ang buong poblasyon.  Pagbalik nila sa tindahan nagbasa uli ng komiks si Amelia.  Sina Eva at kanyang mga kaibigan pinili mag stay sa labas ng bahay ng kaibigan ni Eva na katabi lang ng tindahan.  Si Anthony naman di maintindihan ang sarili dahil kinabahan siyang muli.  Wala na naman masabi sa dalagita.  Nagpasya siya na pumuwesto sa likod ng dalaga na nakikibasa sa binabasa nitong komiks.  Ngunit wala siyang maintindihan kaya nagpaalam muna siya kay Amelia.  "Amy sandali lang ha diyan ka muna."  "Sige..." maigsing tugon ng dalagita. 
     Pinuntahan ni Anthony si Eva at ang mga kaibigan nito.  Naabutan niyang nagkukuwentuhan ang mga ito.  "Eva anong sasabihin ko sa pinsan mo?"  Tanong niya sa pinsan ni Amelia.  "Akala ko ok na kayo. Bigla ka naman kinabahan."  Sagot sa kanya ni Eva. Nakamasid naman yung dalawa kaibigan ni Eva na natatawa sa kanya.  "Ewan ko ba nawala n kanina bumalik na naman yung mga daga sa dibdib ko."  Tugon ni Anthony sa 3.  "Sige na bumalik ka na ron chance mo na yan.  Kaya mo yan."  Pagpapalakas ng loob ng kaibigang lalaki ni Eva.  "Bumuwelo si Anthony hinimas ang dibdib na tila tinatanggal ang kaba sa dibdib. Nang pahakbang na ang binatilyo na slide naman ito.  Naghagalpakan naman ang 3.

A/N

tomorrow po ulit.

comment lang po readers...

FIRST LOVEWhere stories live. Discover now