Chapter 1

12 0 0
                                        

Ysabel POV

Dito sa De Fuerto Academy o mas kilalang DFA, first year high school ako noong pumasok ako dito sa paaralan na ito maayos pa naman ang buhay ko kahit na section two lang ako pero noong pagtungtung ko sa second year high school naging section one ako at naging first honor ako kaya ang daming may ayaw saakin na maging first honor lalo na si Stella .

Stella De Fuerto, oo siya nga sila ang may ari ng paaralan na ito kaya lahat ng gusto niya nagagawa niya .

Third year na ako ngayun, ng papunta ako sa locker ko maraming estudyante sa mga locker pagbukas ko ng locker tumambad saakin ang panty na may dugo at bra, nagtawanan lahat ng nakakita. Sa gulat ko narinig ko rin ang pagtatawanan ng mga magkakaibigan na sila Stella, Fritzi at Maria at nagpalakpakan pa sila at sabay sabing "bitch,mangaagaw ng trono"

Alam ko na rin na sila ang may kagagawan non pero hinayaan ko nalang sila.

Fourth year ,nalaman ko nalang na ang nakakabata kong kapatid ay tatangalin na daw sa paaralan namin kong saan ako nagaaral dahil limang araw na daw absent.

Nakiusap ako sa principal ng school pero kailangan niya ang magulang namin at tatanungin kung bakit absent ang kapatid ko  ng limang araw, nagtawanan na naman ang mga tres demonyos na sina Stella .alam kong sila ang may kagagawan nito. Nagbanyo ako ng saglit dahil ihing-ihi na ako nung  time na yun.

Pumasok ako ng CR nakabukas pa nung pumasok ako pero noong pagkatapos ko umihi nakalock na ang pinto, hindi ko alam kong sino ang gumawa saakin nun kasi may narinig akong nagtawanan sa labas pero alam ko na, na ang tres demonyos na naman.

"Tulong!" Sigaw ko .
"Magsawa ka jan!" Narinig kong sabi ni Fritzi.
"Tulungan niyu ako!"sigaw ko ulit hanggang sa wala na akong marimig na nagtatawanan,humagulgol ako sa loob ng CR at sigaw ako ng sigaw hanggang sa may bumukas sa pinto, ang mamang janitor .

"Gabi na hija ano bang ginagawa mo dito?"aniya.
"Kinulong po kase ako dito ." Sabi ko ng mangingiyak-ngiyak ako.
"O sige hija uwi kana at maiwan na kita jan" sabi niya at iniwan na ako.

Nagpagpasyahan ko na sasabihin ko na sa nanay ko ang nangyari at dapat hindi ito malaman ng kuya ko dahil kapag nalaman niya pupunta kay mayor iyon, oo si mayor Flord De Feurto sa tatay ni stella.

~
"Nay may sasabihin nga po pala ako, pinapatawag kayo ni Mrs.Rose De Fuerto sa office nya" nanginginig kong sabi .
"oo sige anak pupunta ako bukas" aniya.

"at tsaka nga po pala may sasabihin po ako  sainyo."

"Ano yun anak?"nagaalalang tanong ni nanay.
"Nay gusto ko na pong lumipat ng paaralan sa susunod na taon, dahil marami pong umaaway at may hindi may gusto saakin pagod na po akong kumimkim ng galit lalo na po sa may- ari ng paaralan na yun ma , si Stella De Fuerto."gusto kong umiyak ng may nakita ako sa likod namin.

Nakita ko nalang na nakikinig ang kuya ko ng biglang nagsalita "makakaabot to sa tatay ng walang awang batang yun, pagbabayaran ko sila!"galit niyang sabi at tsaka tumakbo.

~
Kinabukasan pumunta na si mama sa skwelahan at tumungo sa principals office naiwan ang kapatid kong si John ang dahilan kong bakit pinatawag ang nanay ko at sinamahan ko ang nanay ko .

Pagkadating namin nagsalita agad si madam principal at sinabing "pinapaaral mo ba ng mabuti ang anak mo?"pasigaw nito.
"opo madam"natatakot na sabi ng nanay ko ."at bakit isang linggo wala ang anak mo?"tanong nito "dahil po ..."napatigil si nanay ng may sumigaw sa labas ng pangalan ng nanay ko at pagkalabas namin nakita ko si John na may bakas ng dugo sa damit niya at umiiyak .

"Bakit John anong nangyari?" Tanong ko
"Si.. si kuya ernest ate patay na !"sabi ni John habang umijyak.
"Sinong pumatay sa kanya?"tanong ko habang mangiyak-ngiyak ako .
"Pinapatay siya nila mayor "aniya

"Anong pinagsasabi mong bata ka !mag-ingat ka sa sinasabi mo !dahil hampaslupa lang kayo "sabi ni madam principal at sinampal ang nanay ko "pagsabihan mo yan ako mo!"

~
Pagdatin ko sa labas ng bahay naabutan ko ang kuya kong wala ng buhay at sugatan humagulgol kami ng nanay ko at kapatid ko.

Maraming nagtinginan saamin sa bakuran ng bahay , naririnig ko ang bulong bulongan nila na walang awang pinatay ng tauhan ni mayor Flord ang kuya ko.

"Sinong gumawa nito!"sigaw ko
"Magbabayad kayong lahat na umapi saamin at pumatay sa kuya ko, mga walang hiya kayo mga hayop!ipinapangako ko magbabayad kayo !"

"Hindi ko hahayaang gawin pa sa aming magina ang ginawa nila sa kuya ko!Humanda kayo sa pagdating ko balang araw !at ipaghihiganti ko ang kuya ko!
Wait for my revenge."

Behind AllTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon