Yurin's POV
Abala ako sa pagbibigay ng mga handouts isa-isa sa mga batang nasa loob ng maliit na classroom sa isang orphanage. Nakarehistro sa kanilang mga mukha ang galak habang naghihintay sa kanilang mga upuan. Nakaka aliw ring makita ang ngiti sa kanilang mga labi at masasayang mukha habang tinatanggap ang mga papel kung saan naka printa ang lekyson nila sa linggong ito na nakapaluob sa isang plastic na folder.
Nakakatuwa at napakafulfilling sa pakiramdam habang minamasdan ko silang na-a-amaze sa kungano man ang nakikita at nababasa nila sa mga study materials na binigay ko. Ito ang dahilan kung bakit napagdesisyonan kong mag volunteer tuwing bakasyon sa mga philanthropic works ni ate at isa dito ay ang mag turo ng libre sa "God's Gift Orphanage".
Limang taon nang teacher si ate sa isang private university, pero 11 years na niyang ginagawa ang pagtuturo dito. Para narin niya itong ikalawang tahanan dahil kahit pa nuon mas pinipili pa niyang dito mamalagi kesa sumama sa amin magbakasyon. Sabi niya, may isa raw siyang kaibigan na dito lumaki, napakabait raw nito at siya ring naging inspirasyon niya para kumuha ng kursong education sa college. Nang tinanong ko kung nasaan na ang kaibigan na tinutukoy niya, sinagot niya lang ako ng isang malungkot na ngiti. Di ko narin siya kinulit pa.
Nang magsimula nang magturo si ate, lahat ng bata napaka attentive na nakikinig sa kanya. Makikita nga na hinanahangaan siya ng mga ito. Di lang kasi mabait si ate, maganda rin at napaka malumanay ng tinig, yung tipong di makabasag pinggan. Para nga siyang anghel na nakatira lupa sabi pa ng iba kaya nga napaka swerte ko at naging kapatid ko siya.
Napadayo ang mga mata sa iang partikular na sulok ng classroom kung saan naka upo noon ang isang binata. Balita ko ay may nag-ampon naraw dito dalawang taon na ang nakakaraan. Nakakami--hehh.. Napasimangot nalang ako bigla. Talaga bang malapit ko nang maadmit sa isipan ko na nakakamiss ang hinayupak na iyon? Bigla ko nalang tuloy naalala ang mga ginawa ng lalakeng iyon sa akin noon. Mabuti na nga lang at wala na siya dito, at least naging peaceful ang past two years ng summer ko.
"Hoy."
Bigla akong napalingon kung saan nanggaling ang boses na tumawag sa akin at napatingala sa binata na naka suot ng disposable mask na nagtatakip sa lower half ng mukha nito.
"P-Po?" Medyo nauutal kong sagot dahil kahit man di exposed fully ang mukha niya, napaka mesmerizing naman ng mga mata niya. Brown orbs, thick lashes and thick eyebrows na nagcocompliment sa features niya.
Di ko namalayan na nakatulala na pala ako hanggang sa naramdaman kong may pumitik sa aking noo. Bigla akong napabalik sa reality habang sapo ang noo.
"Sabi ko papel, wag tanga bata."
Napahiya naman ako bigla at akmang kukuha ng papel ng walang sinasabi nang bigla nalang nitong hinablot ang collar ng white t-shirt ko pataas. Instinctively, sinampal ko ang kamay niya palayo at niyakap ang mga kamay ko sa dibdib at magrereact sa gulat until I heard him say, "Ah, kala ko pa naman papel wala naman kasing pinagkaiba." then smirked saka kumuha ng /totoong/ papel sa lamesa at tinalikuran ako para pumunta pabalik sa upuan nito. Ilang seconds rin akong nakatulala at nang ma rehistro sa aking utak kung ano ang sinabi niya ay biglang nanginit ang pisngi at impit na napatili sa inis bago ako tumakbo palabas. Nakarinig pa ako ng isang malakas na tawa habang di pa ako napapalayo.
I heaved a sigh. Nag flashback nanaman ang isa sa mga katarantaduhan na ginawa ng lalakeng iyon sa akin noon. Unconsciously naman akong napa tingin sa aking diddib. At least... ay medyo nag matured narin ng konti ang side na ito. At least may rason na akong gumamit ng bra kahit A-cup lang, close to a baby bra..
Lihim nalang akong napanguso , eh ano naman ngayon? Kahit pinagkaitan ako ng hinaharap mabuti naman akong tao. I nod internally as agreement. Don't judge the book by its cover, the content is what's important. Kahit maliit ang hinaharap ko alam kong malaki naman isa ko pang hinaharap dahil ginagawa ko naman ang lahat ng aking makakaya para makapagtapos.
I shook my head para iwaksi ang ang thoughts about sa hinaharap ako at ngumiti nang may bagong dating na bata na umupo sa kung saan naka upo ang nakakainis na lalake na iyon noon. Lumakad ako patungo dito saka ko binigyan ng isang extra na study materials.
"Mabuti nalang at nakapunta ka." Nakangiti kong bati.
"Tumakas lang ako, ate. Di kasi pumayag si nanay dahil madaming trabaho raw." Nahihiya nitong tugon habang tinatanggap ang folder. Nakaramdan naman ako ng lungkot. Nakikita kong gusto talaga ng bata na ito na may matutunan at pumunta sa skwelahan kaso dahil narin sa kahirapan ay napipilitan itong magtrabaho kesa mag-aral para di magutom.
Kahit na nasa orphanage kami, open rin ito para mga street children o kahit sinong bata na gusto matuto na taga labas. Namimigay rin kasi ng snacks at libreng lunch. Naglalaan talaga ng pera si ate para dito.
Pilit nalang akong ngumiti at ginulo ang buhok ng bata softly para mas mag focus siya sa pag-aral.
"Mag-aral ng mabuti ngayon, okay? Umiwan mo rin si nanay mamaya ng pagkain pagkatapos, mm?" tumango nalang ito, bakas parin na nahihiya pero alam kong masaya rin ito dahil makakapag uwi siya ng pagkain.
I smiled saka bumalik sa pwesto ko malapit sa pinto at umupo habang pinapanuod ang klase na nangyayari. Last week narin ng summer at back to school nanaman next week. I feel so proud that I am part of this. Isang makabuluhang bakasyon nanaman ito sa akin at hopefully sa mga susunod pa na mga taon. Sana marami pa kaming mga bata at mga tao na matutulongan pa, isa sa mga motivations kung bakit gusto ko rin talagang mag-aral ng mabuti at maging doctor ilang taon mula ngayon. In that way, mas marami rin akong matutulongan lalo na't ang daming mahihirap ang di kayang mag pa hospital dahil narin sa gastos. One day, I will be as amazing as my sister and help the less fortunate using the ways I can.
///
AN:
Soooo, hellooo.
Uhh, I'm actually tad nervous about this lmaoo. I'm not new to writing dahil nagsusulat ako noon during high school days kaso wala naman akong pinublish becauseeee l a z y .
So ! Hopefully ay matapos ko rin ito (Although may isa pang story akong naka draft ngayon which I'm considering of continuing too)
First part palang ito. TT)
Sorry narin sa mga typo kasi tinatamad nanaman akong mag reread.
Thank you for reading ! xoxo
YOU ARE READING
I Fell
General Fiction"Pagbabago." Isang salita ng pag-asa at pagtanggap. Pag nagbago ba siya, tatanggapin at mamahalin na kaya niya siya?
