CHAPTER-SEVEN

45 76 8
                                    

Chapter POV: Cheska Mae Lauren

Pumayag ako sa pang-aaya ni Jethro sa akin ng Dinner sa labas, pero na-alala kong niyaya pala ako ni Denver na pumunta sa bar nila, anong gagawin ko?

Una na akong lumabas sa mga kaklase kong tuwang tuwa sa pangloloko sa amin ni Jethro.

Isang subject nalang naman ang aatendan namin ngayon ehh.

"Hoy bakla!" Tawag sa akin ni Jeff pero hindi ko siya nilapitan "halika dito may importante akong sasabihin" sabi niya.

"Ano ba yun?" Kunot noong tanong ko sa kanya at papalapit na sa pwesto niya.

"Mamaya may pupuntahan tayo"sabi niya.

"Mamaya?" Gulat na tanong ko sa kanya "hindi pwede marami akong appoinment mamaya" pagtatanggi ko sa kanya.

"Mas importante pa ba iyan, kaysa sa pageant mo?" Inirapan pa niya ako.

"Oo mas importante yun,kasi mahalagang tao siya para sa akin"pagpapaliwag ko at magsasalita na sana siya pero pinigilan ko siya "talk back and your dead" sabi ko at umalis na sa harapan niya.

'Saan kaya magandang pumunta?, sa english park nalang maganda ang mga tanawin duon'

"Look gurls who's here sa tambayan natin" maarteng sabi niya, hindi ko sila pinansin at tumingin tingin lang ako sa palagid.

"Hindi ka pa ba talaga aalis jan, hindi mo ba kami kilala" pagtataray naman nung isa.

"Ehh ako ba hindi niyo kilala, kayo na ang umalis kung ayaw niyong magkagulo tayo dito" pang-aangas ko.

"At bakit paki-alam ba namin sayo?" Sabi naman nung isa at umirap pa.

"Wala pala kayong paki-alam sa akin eh edi kayo ang umalis, wala rin akong paki-alam sa mga kagaya niyong mga pang one-night stand girl, by the way Celine napanood ko na yung kumakalat niyong scandal video ni Joshua, maganda ang katawan mo pero mas maganda ako, hindi kayo bagay, kasi nga flirt ka, nakita ko rin kung paano ka nagpupumilit na maki-bed sa kanya" sabi ko at bakas sa.mukha niya ang gulat at hiya, ang totoo niyan hindi ko naman talaga pinanood pero naririnig ko lang sa mga kaklase kong malilibog.

'Speechless siya'

Naghinatay pa ako ng hapon dito at hindi na pumasok sa isa kong subject.

"Kanina pa kita hinihintay, nandito ka lang pala" sabi ng isang tinig kaya napatingin ako sa kanya, si Seb.

"Bakit mo naman ako hihintayin?" Tanong ko.

"Kasi alam ko wala kang masasakyan pauwi" sagot niya.

"Meron pinatawag ko na yung driver namin"

"Diba may sakit yung driver mo?" Sabi niya.

"Wala ka-te-text niya lang susunduin niya daw ako"

"Sige bahala ka" umalis na siya sa harap ko at naglakad papalabas ng campus.

-----

Chapter POV: Sebastian Bamier Craige

Nakaka-inis yung babaeng yung kala naman niya ginusto ko yung pagsusundo sa kanya, tanggihan daw ba ako.

"Hoy pare, pumayag si Cheska na pumunta sa bar namin mamaya" sabi ng madaldal kong kaibigan kaya kumunot agad yung noo ko, sa kanila hindi siya makatanggi pero sa akin oo.

Dumating naman si Jethro na ngi-ngisi ngisi.

"Kamusta ang pag-ro-room mo dun?" Tanong ko, dahil dapat kaklase namin yang ugok na yan.

Mas nagiging basag trip na siya simula nung lumipat kami dito sa school na ito, dapat pala hindi ko na sila pinilit.

"Ayun okay lang naman" tipid na sagot niya at sinimulan na niyang paandarin yung kotse niya.

'Lokong yun makikipag kwentuhan muna sana ako ehh'

"Ano Seb. Una na rin ako may pupuntahan pa ako" sabi ni Denver at umalis na rin, pinaandar ko na rin yung kotse ko.

***flashback***

"Uy, mga pare kong kolokoy sama naman kayo sa trip ko, magsasaya kayo dun, maraming hot chix"sabi ko at finorm yung kamay ko.

"Wag na pare" pagtatanggi ni Bryle na kumakain ng chichirya.

"Ayaw mo, ayaw mo ng chixa babe" sabi ko.

"Wuhh, nako Bryle, tatanggi ka pa alam naman naming lahat na gusto mo talaga, diba guys" sabi ni Harry sabay turo sa amin nag nod lang kami "basta ako Seb. Sasama ako" sabi niya at nginisian ko siya.

"Sige na, napaka kj niyo naman oh" sabi ko

"Sige sasama ako basta i-promise mong maraming chixa chixa babe dun" sabi naman ni Kenneth na busy sa Ipad niya.

"O pano ba yan, dalawa na yung gustong sumama" sabi ko sa kanila dahil silang apat nalang ang hindi pa sumasang-ayon.

"Sige na nga sasama na kami!" Sigaw nung apat kaya tiningnan ko sila ng masama.

'Sigawan daw ba ako'

***end of flashback***

Nakarating na ako sa bahay, at nadatnan kong nakabihis si Cheska at naka-ayos.

'Bago 'to ahh'

"Ate. Mae mae ang ganda mo talaga" sabi ni Bash.

"Hoy! Bash ano nanamang kasinungalingan ang sinasabi mo jan, ang bata bata mo palang sinungaling ka na"bungad ko sa kanila at napa tingin sa akin si Mae-mae na naka kunot-noo.

"Alam mo, nakakabanas ka na minsan ehh, upakan kaya kita" pag-aangas niya, kaya nginisian ko siya at inihagis yung bag ko sa sofa.

"Wag ka ngang ganyan mamaya gayahin ka ng bata, bad influence ka talaga" sabi ko.

"Tsee! Bad tri-" natigilan siya dahil may biglang bumusina sa labas kaya pati ako napatingin duon, bakas sa mukha ni cheska ang sobrang saya.

"Tita Aalis na po ako" sabi ni cheska at nagwave kay bash, pagkatingin sa akin irap.

Binuksan niya yung pinto at naglakad na siya palabas, tinitingnan ko hanggang sa maka-labas siyang gate, lumabas si Jethro sa kotse niya at inalalayan pumasok sa kotse niya, buntong hininga nalang ang naging reaksyon ko.










-----
Itutuloy...

Please enjoy, support, read and vote...

She Change My LifeWhere stories live. Discover now