CHAPTER-SIX

41 75 9
                                    

Chapter POV: Cheska Mae Lauren

Dumating na yun order ni Jennifwr at tinapos lang namin kumain at pumunta na kami sa mga room namin.

Bawat estudyanteng madadaanan ko, yung iba ngingiti, iba masama ang tingin kaya sinusuklian ko sila ng ngisi, at yung iba mga hindi maipinta na mukha, drawingan ko kaya.

"Cheska" tawag niya sa akin, kung hindi ako nagkakamali isa siya sa grupo ni Seb.

"Bakit?" Sagot ko.

"Uhm free ka ba, mamayang gabi, kasi gusto lang kitang yayain sa bar namin" sabi niya na animoy nahihiya pa.

"Nahh, im not going with stranger" sabi ko at naglakad.

"Im Denver Cruz" pagpapakilala niya at nilahad pa yung kamay niyang nakaloob sa pants niya "oh ayan hindi na ako stranger kilala mo na ako, pwede  ka na bang sumama?"Nag puppy eyes pa siya.

"Titingnan ko kung hindi masama yung panahon kasi naka-usap ko yung bagyo ang sabi, babagsak na daw siya mamaya"  pamimilosopo ko sa kanya at ngumisi lang siya.

"O sige kakausapin ko mamaya yung bagyo na wag nang bumuhos" sabi niya at kumindat pa, para namang yung kidlat dahil sa makatindig balahibo sa lakas ng epekto, siguro yun yung ginagamit niya pang-akit sa mga babaeng naloloko niya.

"Deal" hindi ko ba alam kung bakit yun nalang yung nasabi ko.

"Okay aasahan kita mamaya sa D' peymus bar" sabi niya at iniwan na ako dun.

Dahil nga talagang peymus ang bar na iyon ay maraming pumupuntang college estudent duon at nagpapakasaya kapag depress sila, pero yung iba kasiyahan lang talaga, minsan na rin akong pumunta duon nung meron pa yung kaibigan kong si Megan.

Pero simula nung may pag-awayan kami dahil sa isang LALAKI siya nalang ang lumayo para daw hindi na lumaki pa ang gulo, kaya nga mas pinili ko nalang maging boyish para walang magkagusto sa aking lalaki at para wala akong magustuhang lalaki, pero pasaway tong puso ko, talagang titibok at titibok parin.

"Ms. Lauren are you listening?!" Sigaw ni Mrs. Camus ang nanggagalaiti na pala siya sa galit.

"Y-yes ma'am" sabi ko naman.

"What is my last word" nanlilisik pang mga mata niya.

"Yun po ma'am kasasabi niyo lang po itatanong niyo na sa akin" mahinahon namang sabi ko.

"IDIOT!" Sigaw niya at halos mapantig ang tenga ko dahil sa lakas, nagtawanan naman yung iba kong kaklase kaya umirap nalang ako sa hangin.

May biglang kumatok sa pintuan dahil sa nakasara iyon.

"Oh Mr. Villegas what are you doing here?" Tanong ni Mrs. Camus sa bahong dating, sino kaya yun?.

"Im here to switch a room to Mr. Jero Valdez in Room 3" malamig na sabi naman niya, nakita ko namang parang kinikilig yung mga babae sa harapan, at dahil katabi ko lang yung tinawag nila tumayo na siya at pumunta sa harap, so makakatabi ko yung bagong lipat ng room, sana gwapo.

'Ay ano ba tong sinasabi ko?'

Pumasok na siya at parang nag slow-mo bigla ang mundo ko habang papalapit siya sa tabi ko, bawat galaw niya umaayon sa kanya.

"Mr. Villegas gusto mo bang lumipat ng upuan?" Tanong ni Mrs. Camus sa kanya.

"No ma'am im fine here, maganda naman po itong katabi ko at mukhang mabait kaya wala akong dapat ipag-alala" nakangiting sabi niya kaya mas lalo siyang gwapo.

'Yieee pangalawa na to'

"Uy! Si Mae-mae nag blu-blush!" Pangangantyaw ni Josh.

"Blush on yan" sabi ko naman.

"Hindi ka ganun" sagot naman ni Gem.

"Oo nga" tinakpan ko nalang yung pisngi ko para wala na silang masabi.

"Pag-ibig na kaya

Pareho ang nadarama

Ito ba ang simula

Di na mapipigilan

Pag-ibig na ito

Sanay di matapos ang nadaramang ito

Pag-ibig na kaya ito..ohhh

Pagkat nararamdaman

Pag-ibig ating natagpuan" kanta ng mga Mp5 kong mga kaklase.

Napatingin ako kay Jethro labis labis siya kung makangiti.

"Okay lang bang lumabas ka mamayang gabi?" Biglang tanong niya kaya napatingin ako sa kanya, ilang inches nalang ang layo ng mga mukha namin sa isat-isa.

"Guys! May nangyayaring kababalaghan dito oh!" Sigaw ni katy.

"YIEEEE!" sigawan nilang lahat kaya humarap nalang ako sa harap.

"Mas lalo pang naging ketchup yung mukha niya oh, yieee blush on paba yan?" Sabi naman ni Larry na may mapanuksong tingin.

"Mas bagay kaya kayo, may love team na tayo dito sa Room" sabi naman ni Grace.

"Oo nga matagal na nating itong hinihintay" sabi naman ni Raffy.

"Hay nako tigilan niyo na nga kami" sagot ko naman.

"Pagpasyensyahan mo nalang sila, ganyan talaga sila kagulo" napansin kong wala na si Mrs. Camus sa harap kaya pala ganyan nalang sila magkagulo.

"Pwede ka bang lumabas?" Tanong niya ulit pero hindi na ako lumulingon sa kanya.

"Bakit?" Tanong ko.

"Yayayain lang sana kitang mag dinner yung tayong dalawa lang" sabi niya.

'Niyaya niya ba akong mag-date'









------
Itutuloy...

Please enjoy, support, read and vote...

She Change My LifeWhere stories live. Discover now