ELIJAH

14.1K 711 240
                                    

Dito na ba matatapos ang lahat?

Napapikit ako nang masilaw ako sa matingkad na ilaw na sumalubong sa akin pagkadilat ko. Masaya dapat kami ngayon.

I imagined him standing next to me, smiling as if he's the happiest guy in the world, and asked him the question that's been bothering me a few minutes ago, "Dito na ba matatapos ang lahat?"

Pero bago ang lahat, bago ang dulo, magsimula muna tayo sa umpisa.

Paano nga ba ito nagsimula?

-@-

"Elijah!"

Napalingon ako nang marinig ko ang pangalan ko. May babaeng kumakaway at papalapit sa akin. Teka, sino 'to? Bakit niya alam ang pangalan ko at bakit siya naglalakad papunta sa akin?

Ilang hakbang na lang siya sa kinatatayuan ko kaya nagsalita na ako, "Sorry, kilala ba—"

Naputol bigla ang sinasabi ko nang lagpasan niya ako at lumapit sa lalaking nakatayo sa likod ko. Naramdaman ko ang pag-init ng mukha ko. Nakakahiya! Hindi pala ako ang tinawag niya!

Pero may kapangalan pala ako dito sa campus? At lalaki pa? Well, pang-lalaki naman talaga ang pangalan na Elijah. Kaya nagtataka talaga ako kung bakit Elijah ang ipinangalan sa akin.

Nilingon ko 'yong babae at Elijah. Matangkad si Elijah, maputi at ang linis tignan. Ang charming ng dating niya dahil sa ngiti niya. Bakit ngayon ko lang nalaman na may kapangalan pala ako dito?

Papalabas na dapat ako ng campus nang marinig ko ang patak ng ulan mula sa labas. Buti na lang dala ko ang payong ko. Muntik ko pa namang maiwan 'to sa bahay kanina. Ang gulo kasi ng panahon, minsan aaraw, minsan uulan. Napaka-bipolar.

Binuksan ko na ang payong ko at akmang lalabas na ng campus nang may biglang nakisilong sa payong ko. "Pa-share ha? Kahit hanggang sa sakayan lang ng jeep. Please?"

Tinignan ko nang mabuti 'yong lalaki. Teka, siya 'yon. Iyong kapangalan ko.

"Okay." Tumawid kami sa kabilang side ng kalye kung saan pwedeng sumakay ng jeep. Siya na ang may hawak ng payong ko ngayon dahil mas matangkad siya. Sasayad kasi sa ulo niya 'yong payong kung ako ang hahawak. Maya-maya'y inabot niya na sa akin ang payong ko.

"Sakay ka na," sambit niya. "Salamat!"

Tumakbo na siya palayo sa akin. Paano niya nalaman na sa jeep na 'to ako sasakay pauwi? Kilala niya ba ako? Nakasabay ko na ba siya sa pag-uwi?

Hanggang pag-uwi sa bahay ay misteryo pa rin sa akin si Elijah.

-@-

"Remember to submit Chapter 1 of your thesis next week with the consultation form signed by your adviser and grammar checker."

Pagkatapos na pagkatapos ng klase ay niligpit na namin ang mga gamit namin. Isang linggo na ang nakalipas mula nang makita ko si Elijah. Tuesday na ulit. Hindi katulad last week, tirik na tirik ang araw. Tag-ulan na dapat pero napakainit.

"Elijah Lou!" tawag sa akin ng kagrupo ko sa thesis. "Gagawa tayo ng thesis sa bahay namin bukas, ha?"

Nginitian ko naman siya bago um-oo. Paglabas ng campus ay agad kong nilabas ang payong ko. Ang init kasi, mangingitim ako kapag naglakad ako nang walang payong.

Naalala ko tuloy si Elijah. Bakit ko ba siya iniisip, eh hindi naman kami magkakilala? Naki-share lang naman siya ng payong sa akin last week. Magkapangalan lang naman kami. Wala naman kaming connection sa isa't isa.

Nabigla ako nang may nakisilong na naman sa payong ko. To my surprise, siya na naman. Si Elijah.

"Pwede maki-share ulit?" nakangiti niyang tanong.

Tuesdays with You (One-Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon