Chapter 6

159 10 0
                                    

Casie's POV

Nandito ako sa kwarto ko dito sa dorm at nag-aayos ako ng mga gamit ko para sa pag uwi ko mamaya. Sabado ngayon walang pasok at pwedeng umuwi sa kani-kanilang bahay. One week na din kaming binubully at wala naman kaming magagawa don.

"Oh, tara na?" Tanong sa akin ni Lorraine.

"Asan si Jana?" Takang tanong ko.

"Ahhh nauna na siyang umuwi may bonding kasi sila ng mga friends niya sa dati nating school." Sagot naman niya. Tumango nalang ako.

Bumaba na kami at kumain muna bago umalis. Pagkatapos naming kumain ay lumabas na kami at pumunta sa gate ng school dahil nandun ang sundo namin.

Kinuha na ni manong Jay ang mga gamit namin para ipasok na sa likod ng kotse. Si manong Jay ay butler slash driver nila Lorraine.

___

Pagdating sa bahay namin nag paalam na ako kay Lorraine.

"Bye ingat kayo." Paalala ko sa kanila at tumango naman si Lorraine.

Pagpasok ko ng bahay ay bumungad ang mukha ni kuya.

"Princeeeess!!!" Sigaw ni kuya Chris at tumakbo papunta sa akin sabay yakap.

"Namiss kita princess, kamusta ka na? Ok ka lang ba? Wala bang masakit sayo?" OA talaga ni kuya.

"Ang OA mo kuya ikaw yata tunay kong papa eh." Biro ko. Naging seryoso naman ang mukha ni kuya Chris. Anyare?

"Speaking of papa pinapapunta ka nila sa London dahil may big project ka sa Ferrell's Fashion Magazine sa London." Sabi ni kuya.

"Eh paano yung school ko?" Takang tanong ko.

"Nakausap ko na ang principal ng school at naipagpaalam na kita. May nagnakaw ng malaking halaga sa atin kaya kailangan mong pumunta don para maibalik ang perang ninakaw sa atin." Sagot ni kuya na ikinagulat ko. Nakaw? May nagnakaw sa amin?

"Kailan ang alis ko kuya?"tanong ko kay kuya.

"Mamayang 1:30 pm kaya maghanda ka na ng mga gamit mo." Sabi ni kuya. Napabuntong hininga nalang ako. Mukahang hindi ako makakapagpaalam kina Leigh.

Nag ayos na ako at maya-maya ay umalis na rin kami ni kuya. Ihahatid niya daw ako sa airport.

"Mag-iingat ka don princess ah?" Paalala niya, tinanguan ko naman siya.

Pumasok na ako sa loob ng airport at hinintay ang pag tawag sa aming papuntang London. Wala na rin pala akong suot na disguise ngayon at naka mask nalang ako at sun glass.

"THE LONDON PASSENGERS PLEASE PROCEED TO THE DOOR NUMBER FIVE, I REPEAT THE LONDON PASSENGERS PLEASE PROCEED TO THE DOOR NUMBER FIVE."

At yun na nga tinawag na kami. Pumasok na ako sa door number five na daan papasok sa eroplanong magdadala sa amin sa London.

___

Hey guys sorry for short update.

Vote, Comment, Follow me.

The Nerd's Transformation (On-going)Where stories live. Discover now