Chap8 - How to destroy a perfect date.

215 14 4
                                    

Ayan na po. Bagong update, Dami ng nagmemessage sakin eh. Hahaha.

Ge. Enjoy :)

CHAPTER 8        

How to destroy a perfect date

FRAN’S POV

“Oh anak. Sinong kausap mo sa labas?”

Grabe naman tong si mommy. Sumisigaw na naman.

At talagang narinig nya pa na may kausap ako sa labas kahit nagluluto sya sa kusina? Ayos.

“Si Xander po.”

“Eh bakit di mo pinapasok? Ang sarap pa naman netong niluluto kong adobong manok.”

Adobong manok? Wow! Favorite ko yan.

“Ako nalang kakain nyan ^___^”

“Alright. But don’t eat too much.”

Don’t eat too much? Waah. Eat all you can ang peg ko ngayon.

“But mom.”

“No more buts. Tumataba ka na oh.”

Tiningnan ko yung tyan ko. Di naman ah.

“Are you blind mom? Look. I’m sexy kaya.”

“Sexy ka dyan? Sipain kita dyan sa baby fats mo eh.”

Awww! Violent mother. Sipain ba ang anak?

“Bwahahahaha.”

“Tawa ka dyan?”

“Masama?” Grabe. Ang sama kong anak. Hahahaha. Close lang kasi talaga kami ni mommy. Mga bata, wag gagayahin si Ate Fran ha. ^__^

Pero kahit lagi kong inaaway yan si mommy, love na love ko sya. Kasi sya nalang ang meron ako. My dad died 5 years ago in a car accident. Kaya ayun, kaming dalawa nalang ang magkasama sa buhay since I don’t have any siblings. Only child ako kaya maypagka-ewan ang attitude ko.

My mom promised me that she will fulfill all the spaces that Dad left me pero para sakin, daddy didn’t left any spaces cause he became a great dad to me even though he was only given a very short but meaningful time with me.

“Magbihis ka nalang. And be sure to be beautiful enough..”

“And why?” Tsaka maganda naman na ko kahit ano pang gawin ko. Hahaha. Kapalmuks nanaman. Hahaha.

“Why whyin kita dya! Malamang. May blind date ka mamaya.”

“Blind date? Nanaman?”

Speaking of blind date, si mommy mahilig dyan. Gusto nya na daw kasing magkaboyfriend ako. Di katulad ng ibang parents, siya pa talaga ang mapilit.

Nagsimula yan nung grumaduate ako sa HS(HighSchool). Tapos ayun, sunod-sunod na. As in almost every week. Akala ko nga titigil na sya ngayong college na ko. Di pa pala. Ayaw paawat?

Sinabi ko na kay mommy na i-arranged marriage nya nalang ako para di na ko mapagod, pero ayaw nya. Mas gusto nya daw yung Blind-Date-Thingy para may chance na makapili ako.

But to tell you the truth, I really do enjoy this thing. Puro gwapo din naman kasi yung mga nakakadate ko. You know why? Simple lang. Ayaw ni mommy masira yung lahi namin. Choosy? Hahaha.

Pero sa lahat ng nakadate ko na, unfortunately, wala pa talaga kong nagugustuhan. Ewan ko ba kung bakit.

----------------------------

8pm na. 7pm talaga yung blind date namin. Sinadya kong magpalate para maturn-off sakin yung kadate ko.

Ayoko talaga makipagdate ngayon. Ang lakas kasi ng feeling ko na ngetpa sya.

Being PretendersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon