Simula

64 5 3
                                        

Simula

Game

"Hindi ko kasalanan yang pagkatapon ng pagkain sa harap mo." marahan kong sinabi sa lalaking nasa aking harapan.

"It doesn't seem like it's not your fault, all of students here in canteen saw how heedless you are." He smirked, anak ng tokwa naman oh sabi ng hindi ako ang may kasalanan nito!

"Oh? How heedless I am? Are you talking to yourself?" I sarcastically said to him.

"I'm talking to you, mukha ba akong baliw para kausapin ko ang sarili ko? Ikaw lang naman nagawa non, ang kumausap sa sarili mo dahil walang gustong kumausap sayo!" iritado niyang sabi sa akin at saka niya ako tinalikuran kasabay ng pag-irap.

Iniwan niya sakin itong tapon na pagkain sa aking harapan. Talaga nga namang nakakainis na ang pag uugali ng lalaking to! Kung siya lang tong hawak kong walis panigurado kanina pa 'to nalagutan ng hininga.

Mabilis kong nilinis ang kalat ng lalaking yun! Humanda sakin to pag uwi ko sa bahay, susugurin ko siya sa bahay nila.

Mabuti nalang at halfday lang ngayong first day, kaya naman dali dali akong umuwi sa bahay dahil madami pa akong gustong gawin.

Una, ang patayin ang lalaking yun.

Pangalawa, susunugin ko ang bahay nila.

Pangatlo, syempre biro ko lang yun. Pero sa isip ko ginagawa ko na yan!

"Oh, ang aga mo ata ngayon Cass?" Mola said to me, pagkapasok ko sa bahay.

"Hi Mola, opo kasi first day pa lang naman ngayon kaya half day lang baka bukas mag whole day na," I kissed Mola on her cheeks.

"Have you seen Ajax today? Pumasok ba siya?" tanong sa akin ni Mola. Wow naman talagang yung lalaking yun pa ang hanap ni Mola?

Kung sabihin ko kaya ang nangyari kanina, papagalitan niya kaya si Ajax? Sa malamang hindi, paborito niya yun eh, mukha ngang mas gusto pa 'yon ni Mola maging apo kaysa sa akin eh.

"Yes Mola, nagpansinan naman kami. Sige po, akyat muna po ako sa kwarto." paalam ko na pupunta lang ako sa kwarto para mag bihis.

Pag kapasok ko sa aking kwarto ay inihagis ko ang aking bag sa isang tabi, at agad na humiga sa kama.

Namiss ko 'tong si Vanilla ko! Biruin mo yon? Apat na oras kaming hindi nagkasama, paano pa kaya bukas? 7 hours kaming magkakahiwalay?

Kung pwede lang, dadalhin ko tong si Vanilla sa school para may upuan na ako na mas maganda pa at hindi pa kami maghihiwalay! Kaso masyado siyang malaki kaya hindi ko siya mabibitbit.

Bumangon ako at kumuha ng damit sa aking cabinet. Nagsuot ako ng simple tee at short.

Bumaba ako at lumabas, nakita ko si Mola na nakaupo lang sa duyan habang nagpapaypay.

"Mola, pupuntahan ko lang po si Ajax may atraso kasi siya sakin." sabi ko kay Mola at aakmang ako'y magsimula ng maglakad ay siya namang pag pigil sa akin ni Mola.

"Ano nanamang binabalak mong gawin kay Ajax, huh?" I wonder why Mola like Ajax so much? Kulang na lang na dito tumira si Ajax, tutal mas gusto naman ako ni tita kaysa sa kanya.

"Mola! Pag ba pupuntahan ko si Ajax, may gagawin agad na kalokohan? Hindi ba pwedeng makikipag kwen--"

"Hala Cass, makikipag kwentuhan ka sa akin? Huwag kang mag alala, ngayong andito na 'ko, hindi mo na kailangan pang mag lakad!" si Ajax na habang naglalakad palapit sa amin at tumataas taas pa ang kanyang dalawang kilay.

Napahagikhik naman si Mola. "Alam mo Ajax? Kaya gustong gusto kita kasi magkaparehas kayo ng Molo mo noon. Ganyan din siya sa akin dati, hmm, baka mamaya kayo pa magkatuluyan niyan?" sabi ni Mola na may makahulugang ngiti sa kanyang labi.

Ingrained hatredWhere stories live. Discover now