Dumiretso na kami sa starbucks, at umorder siya ng bread and frappe, ganun na din inorder ko. Siyempre KKB, ayoko magkaroon ng utang na isusumbat niya lang sa akin one day.
Nang paupo na kami, na-isip ko tanungin kung ano nakita niya sa phone ko!
"James, ano ba nakita mo sa phone ko?" tanong ko sabay kagat sa bread
"Bold"
"Ahh! Oo, Bol-- ANONG Bold?" halos mailuwa ko na yung tinapay at siya tawa lang siya ng tawa. Nilabas ko bigla yung cellphone ko at pinakita ko sa Videos na walang bold, tumango lang siya.
"Seryoso, Real Talk! Ano nga ba nakita mo?" tanong ko sakanya, habang tiningnan ko yung messages, wala naman message dito na pwedeng niyang ikagalit.
"Sa messages ba?" tanong ko ulit, habang scroll down ako ng scroll down sa messages. Nang bigla kong nakita yung message niya kahapon na "Kat, tigilan mo na. Ayoko na!"
"Speaking of message ano tong sinend mo sa akin kahapon?" tanong ko sabay pakita nung message sakanya
"Ah! Wala lang 'yan"
"Anong wala? Ang layo ng Kat sa Belle ah!"
"Nagkamal--" naputol ang sinabi niya ng biglang may sumigaw
"Pre!" pagkatingin namin si Jeremy pala yung sumigaw
"Hi! Belle! Musta 'The Date' natin! Hahahah"
"Anong 'The Date'?" tanong ko kay Jeremy
"Anong ginagawa mo dito?" tanong naman ni James
"Kukunin ko yung binili mong regalo na bibigay ko kay Mina" sabi ni Jeremy
"Oh ito na!" sabi ni James sabay abot nung isang shopping bag
"Thank you Pre!"
"Anong Thank you! Halos tig 5k kami ni Belle sa gastos noh! Utang yan!"
"Ah! Kasama mo si Belle, mag shopping!"
"Oo bakit?" bigla akong sumingit at nagtanong
"Wala naman! Pre halika muna sa labas"
Lumabas na silang dalawa. Ewan ko kung anong ginawa nung dalawa. Naubos ko na yung frappe ko at bread ko di pa sila bumabalik
After 1 hour
Naubos ko na pati frappe at bread ni James, di parin sila bumabalik na biglang tumunog phone ko. May nagtext si James
From: James
Belle, umuwi na kami ni Jeremy. Nagpapatulong magabalot ng regalo. Umuwi ka na! Thank you pala ulit and Sorry. :(
Ano???????? Umuwi na sila. Letse yung dalawang yun ah!
Humanda sila sa Monday sa Baguio!!!!
James' POV:
"Ah! Kasama mo si Belle, mag shopping!"
"Oo bakit?" bigla akong sumingit at nagtanong
"Wala naman! Pre halika muna sa labas" sabi ni Jeremy sa akin
Bakit naman kaya, ano ba sasabihin nito at kaialngan lumabas pa kami. Lumabas na kami ng coffee shop at naglakad pa ng ilang minutes. Napakalayo sa coffee shop ah! Ayaw niya talaga ipaalam kay Belle kung ano man ang sasabihin niya sa akin.
"Ano ba sasabihin mo at kailangan lumayo pa tayo sa coffee shop?" tanong ko kay Jeremy
"Pre! Okay na! Nanalo ka na sa bet. natulungan na tayo ni Belle sa pagbili ng gift para kay Mina. Cool ka lang! Wag kang masyadong mabilis. Di mo siya girlfriend. Pano pag may nakakita sa inyo na schoolmate natin? Di pa nga kayo okay ni Kate eh. Ma-iisue ka na naman. Halika na iwanan mo na siya dun. Tulungan mo na akong balutin yung mga binili niyo."
Wala na akong nasabi, hinila niya na ako papuntang parking. Umuwi na kami sa bahay namin at tinulungan ko na siya i-balot yung gift niya. After 1 hour ay umalis na rin siya. Na-isipan ko ng i-text si Belle, kawawa naman baka nag-hihintay pa din
To: Belle
Belle, umuwi na kami ni Jeremy. Nagpapatulong magabalot ng regalo. Umuwi ka na! Thank you pala ulit and Sorry. :(
Nakaka-konsensya naman ginawa ko. Iniwanan at pinaghintay ko yung babae ng isang oras. Naghintay pa ba yun o umalis na? After ng 15 minutes ay nag-reply siya
From: Belle
Okay lang, pa-uwi na rin naman ako Baby ko! HUMANDA KA SA MONDAY!!!!
HUH!!!? Humanda ako sa Monday? Ah! Sa Baguio! Ako pa maghahanda ako na nga nag-sorry eh. Baka nakakalimutan niy na nanalo ako sa bet namin. Belle Villanueva, humanda ka rin sa Monday
BINABASA MO ANG
You + Me= Syntax Error
RomanceAko nga pala si James Nathan Angeles, ang top 2 sa batch namin. At si Belle Villanueva naman ang top 1. Hindi na bago sa mga estudyante sa Bridggit Academy ang palagi namin pagkukumpetensya. Paano kung dahil sa isang simpleng bet.... ay mainlove ako...
Chapter 5: The Date?
Magsimula sa umpisa
