"Baby ko, sino 'tong IDC ha? Ito ba? Ito ba ang kasabay ko?" sabi ko na sarcastic yung galit, pero di ko mapigilan yung tawa..
"HOY!! Anong kasabay!! Di ko nga kilala 'yan eh!"
"Di mo pala kilala eh, bat mo kinakausap? Hindi mo ba alam yung 'Don't talk to strangers'?"
"Kahit na stranger 'yan at di ko pa nakikilala, alam ko na MAS mabait pa 'yan kesa sa'yo!"
"Aray! Puso ko sinaktan mo Baby ko! Hahah! Bahala ka!" sabi ko habang tinitingnan ko parin yung messages niya.
Tiningnan ko yung message ko sakanya, nung nahimatay siya nung isang araw... nakita ko na may message ako sakanya YESTERDAY?? Huh? Wala naman akong tinetext sakanya kahapon ng bigla kong nakita
From: James
Kate, tigilan mo na nga ako. Ayoko na!
Nang mabasa ko eh, bigla kong naibato sakanya pabalik yung cellphone. Na-send ko sakanya!? Alam na kaya niya kung sino at ano nangyari samin ni Kat?
"Oh!? Ba't bigla mong binalik? Ano nakita mo at tumahimik ka bigla? Nasaktan ka siguro sa sinabi ko at nagseselos ka kay IDC noh!" narinig ko na sarcastic niyang sabi pero malalim yung iniisip ko
Alam na kaya ni Belle?
Belle's POV:
Ba't tumahimik ang BABY KO? Ay! Bakit ba 'yan ang ginagamit kong term pati sa POV ko!! Hindi na siya nagsalita after ng binalik yung cellphone ko. Ano kaya nakita ng mokong na 'yon! Wala naman akong tinatago eh, wala namang malalaswang picture at video sa phone ko!
Tahimik lang kami for 15 minutes, after niyang binalik yung cellphone ko. Kapag tinitingnan ko siya, ang lalim na iniisip niya! Ako naman curious na curious! Ewan ko sa mokong na yan. Bigla naman nagsalita yung driver
"Sir James, andito na po tayo!" tiningnan ko agad si James at tumango langito at seryoso parin ang muka!
Bumaba na kami sa tapat ng Glorietta at si manong driver ang magpa-park. After naming pumasok ng mall, gulat ko bumalik yung dating James at sumaya na ulit yung mukha
"Oh! Belle! Ano ba gusto ni Mina, para sa birthday niya?"
"Alam mo namang fashionista yung babaeng yun! So mag shopping tayo ng for Clothes, Bag and Shoes"
"Sure, halika na!"
Inikot namin halos buong mall and dept. store for 4 hours ng naisipan ni mokong na kumain.
"Halika kain na muna tayo!" sabi niya sabay hagod sa tiyan niya! Yung mukha niya pagod na pagod, halatang di marunong mag-shopping. Kung ano lang makita bili agad.
"Paano yung gift kay Mina?"
"Ano ba! Halos nagastos na natin ay 10K+! Ang dami dami na nito noh!" sabay angat nung mga shopping bags na bitbit niya.
YOU ARE READING
You + Me= Syntax Error
RomanceAko nga pala si James Nathan Angeles, ang top 2 sa batch namin. At si Belle Villanueva naman ang top 1. Hindi na bago sa mga estudyante sa Bridggit Academy ang palagi namin pagkukumpetensya. Paano kung dahil sa isang simpleng bet.... ay mainlove ako...
Chapter 5: The Date?
Start from the beginning
