"Sir. James, saan po ba tayo?" tanong nung driver habang pumapasok na kami parehas sa kotse
"Sa kabilang village, kung saan ko hinatid yung classmate ko nung isang araw. Kuya Pakibilisan na po!" pakiusap ko sa amin driver
Buti naman at hindi traffic. At bakit naman magkakaroon ng traffic, eh parang sampung tumbling lang eh nasa kabilang village kana! Nang nakapasok na kami sa Village nila Belle! Tinawagan ko na siya
*Ring Ring*
"Belle! Wag ka ng sumigaw! Malapit na ako sainyo! Lumabas ka na! Bye" sabi ko sakanya sabay baba! Baka masigawan na naman ako nun! Parang bulkan na sumabog kapag galit!
Nakita ko naman agad siya! At di na ako lumabas. Binuksan ko na lang 'yung pinto ng kotse at pumasok na siya!
"Ang gentleman mo naman!" sarcastic na sabi niya pagkapasok niya sa kotse
"Thanks! I'll take that as a compliment!" sabi ko rin ng sarcastic
"Sir. James saan po tayo?" biglang tanong nung driver na parang tumatawa at pinakikinggan ang pinag-uusapan namin.
"Sa Mall!!" sagot ko agad!
"Parang pinaghandaan mo 'tong Date natin BABY! Hahahaha!" sabi ko sakanya sabay hawak sa kamay niya.
"Anong Date? Anong BABY?" gulat na gulat na tanong niya sa akin
"Masanay ka na! 'Yan ang tawag ko sa'yo simula ngayon, dahil nga bukas na 'yung trip!"
"Bukas pa naman 'yun ah! Bakit ngayon ka nagsisimula?"
"Para di ka na mabigla Baby ko!" paawa kong sagot sakanya
"Wag--" magsasalita pa siya pero tinakpan ko na yung bibig niya ng kamay ko at sinabi ko ng dahan dahan
"Baby ko, pag nagsalita ka pa at umangal, you leave me no choice but to kiss you. Hmm. Okay?" tumango siya at tinanggal ko na yung kamay ko.
Di na kami nag-uap sa kotse pagkatapos nun, at tumutok na lang siya sa cellphone niya, na bigla ko namang kinuha
"Patingin nga kung sino-sino kami" sabi ko habang tinitingnan ko yung cellphone niya, at pilit niyang kinukuha, pero hinaharangan ko lang siya ng isa kong braso
"Ano? Anong pinagsasabi mo 'sino-sino kayo' ha?" tanong niya habang inaabot niya yung cellphone
"Baka kasi pinagsasabay-sabay mo kami eh! Baka niloloko mo na ako baby ko.." sabi ko sabay pouty face
Habang sinusubukan niya paring kunin, tiningnan ko na yung messages niya.... nakita ko yung IDC
YOU ARE READING
You + Me= Syntax Error
RomanceAko nga pala si James Nathan Angeles, ang top 2 sa batch namin. At si Belle Villanueva naman ang top 1. Hindi na bago sa mga estudyante sa Bridggit Academy ang palagi namin pagkukumpetensya. Paano kung dahil sa isang simpleng bet.... ay mainlove ako...
Chapter 5: The Date?
Start from the beginning
