Author's Note

968 19 17
                                    

Hello! Hello!

Konnichi wa readers! Ogenki desu ka? Sana po ay okay kayong lahat!

Unang-una po ay nagpapasalamat ako sa mga sumusubaybay ng Tatahakin man ay Kasaysayan Part 1-2 sobrang na-appreciate  ko po ang mga votes at mga comments ninyo.

Ngayon po ay sisimulan ko na ang Part-3 ng TMAK O-Sei-san. Alam kong kilalang-kilala niyo na si O-sei-san. Natalakay na 'yan sa ating Rizal subject noong college. Kaya lang kumpara sa ibang mga kasintahan ni Rizal siya 'yong kaunti lamang ang impormasyon at bihira lang na pag-usapan hanggang sa unti-unti na siyang nakakalimutan ng kasaysayan. Sa yugtong ito ay gunitain natin muli si O-Sei-san na minsan ng nagpapatibok sa puso ng ating pambansang bayani.

Hindi ko muna isasali si Ana rito. Si Mayumi muna ang pinagtuunan ko ng pansin upang sa susunod na part ng TMAK ay magtutugma na ang timeline o panahon sa kasaysayan nina Ana at Mayumi. Hintayin po natin ang kanilang pagkikita! Ayan, maski ako ay super excited sa pagkikita ng dalawang tauhang ito!

Muli po ang mga pangyayari,tauhan at tagpuan ay may halong facts at fiction. Facts, Sa dulo po ng kwento ay ilalagay ko ang mga references kung saan ko nakuha ang mga information. Fiction, ito po yung hindi nabasa sa kahit saan kundi bunga lamang ng aking imahinasyon. Humihingi po ako ng paumanhin kong sakaling may nasulat akong opensiba o hindi kanais-nais. Wala po akong balak na saktan na kahit sino. No offense po sa mga descendants ng mga mga historical characters,sa mga historical characters mismo, at sa mga kasalukuyang tao.

Gusto ko lang din pong itama ang naging pagkakamali ko sa TMAK part-1. 'Yong sinulat kong si Rizal ang sumulat ng "Sa Aking mga Kabata", napatunayan pong hindi totoo na siya gumawa no'n. Kaya humihingi po ako ng paumanhin kong hindi ko na ma-edit 'yong TMAK part-1. By the way, naka-moved-on na ako na si Jose Rizal ay hindi pala sumulat ng tulang "Sa Aking mga Kabata." Pero hindi naman ibig sabihin na nawalan ng saysay ang kanyang kabayanihan. Mas mahalaga pa rin ang kanyang naiambag para sa bayan and I still love that poem.

Bago po ako magtatapos sa aking author's note, gusto ko lang kayong batiin ng belated Happy National Heroes' Day! Masyado late, kasi ngayon lang talaga ako nakapagwattpad ulit. Lalong-lalo na po sa mga magigiting na sundalo natin na hanggang ngayon ay nakikipaglaban pa rin sa Marawi. Ipinapanalangin ko na sana matapos na ang kaguluhan doon at mabawi na ang siyudad. Saludo po ako sa inyo!

Ang bawat chapters ay i-dedicate ko sa lahat ng aking mga followers bilang pasasalamat. Thanks for following!

God bless po and have a nice day ahead!

TATAHAKIN MAN AY KASAYSAYAN Part 3:  "O-sei-san"Where stories live. Discover now