San: Maligayang Pagdating!

221 10 11
                                    

Mula sa malayong paglalakbay sa wakas ay narating ko rin ang lupain kung saan sumisikat ang araw. Mananatili muna ako rito ng ilang araw pagkatapos ay aalis din ako patungong Estados Unidos. Ngayon ay Martes, ika-28 ng Pebrero taong 1888 ng madaling araw. Papanaog na ako mula sa aking sinasakyang barko. Narito na ako sa Yokohama bansa ng Hapon.

Papatungo na ako sa Otel Grand at doon ako mamalagi ng dalawang araw. Mabigat ang aking bawat hakbang sapagkat nalalayo na naman ako sa aking inang bayan. Baon ang karahasan mula sa aking bayan, narito ako sa isang banyagang lupain upang sundan ang walang katiyakan kong tadhana. Masakit man sa aking kalooban ngunit kailangan ko itong gawin.

 Sa aking paglalakad nadadaanan ko ang malalaking puno. Ang iba sa kanila ay namulaklak ng iba't-ibang kulay ngunit mas marami ang bulaklak na kulay rosas. Kahit saan man ako tumingin sila ang pinakamarami sa lahat. Sumalubong sa akin ang malamig na hangin. Sa tingin ko katatapos lamang ng taglamig at sumasalubong na ang tagsibol.

Sa kakatingin ko hindi ko namalayan na gumagaan ang dating mabigat na pakiramdam. Napakaganda ng lugar na ito. Kagaya sa Filipinas gumagamit din ang mga tao rito ng karwahe na pinapatakbo ng kabayo. Magkaiba lamang ang disenyo ng karwahe rito. Ang ilan sa kanila ay walang bubong at ang pwedeng sumakay ay nasa 2-4 ka tao. Ako ay nagsimula ng maaliw sa aking paligid.

 Ako ay nagsimula ng maaliw sa aking paligid

Hoppsan! Denna bild följer inte våra riktliner för innehåll. Försök att ta bort den eller ladda upp en annan bild för att fortsätta.

*****

Hoppsan! Denna bild följer inte våra riktliner för innehåll. Försök att ta bort den eller ladda upp en annan bild för att fortsätta.

*****

Pangatlong araw ko rito sa Hapon. Mula Yokohama naglakbay ako patungo rito sa Tokyo at tumuloy sa isang Otel dito. Naisipan kong dagdagan pa ang aking mga araw rito sa Hapon. Nakakaengganyong magmasid sa paligid. Nais kong pag-aralan ang kultura at ang kanilang araw-araw na pamumuhay.

****

Nakasakay ako ng karwahe papuntang pamilihan. Hindi ko pinalampas na dumungaw sa bintana. Habang tumatagal mas lalo akong humahanga sa bansang ito. Kahanga-hanga ang Tokyo. Ang mga pader ang itinayo sa paraang sayklopiyan.

 Ang mga pader ang itinayo sa paraang sayklopiyan

Hoppsan! Denna bild följer inte våra riktliner för innehåll. Försök att ta bort den eller ladda upp en annan bild för att fortsätta.
TATAHAKIN MAN AY KASAYSAYAN Part 3:  "O-sei-san"Där berättelser lever. Upptäck nu