Sana

74 4 0
                                    

Sana

Di ako pwede kaya wag
mo kong paglaruan
Ang tahimik kong mundo
ginugulo mo lang
Wala akong atraso sayo
kaya itigil mo na
Bato ang puso ko,
wag ka nang umasa

Yan ang sabi ko sayo
noong una kang lumapit
Pero matigas ka,
laging namimilit
Sabi ko sa'yo hindi
kita tatanggapin
Pero aking mga salita'y
kinain ko rin

Ayos na sana akong
humahanga lang sa malayo
Kaso ikaw 'tong lapit ng lapit,
hayop sumuyo
Ayaw man kitang pansinin
di ko rin magawa
Di ka makuha sa tingin,
makapal ang iyong mukha

Araw-araw kang nakabuntot
sa paraang nakakabwisit na
Wala na 'kong napuntahan
ng hindi ka sumasama
Hindi ko na rin minsan
mahawakan mga gamit ko
Kasi ba naman pre
kung mapagdala ka
kala mo sayo

Isang araw nga
may lalakeng lumapit sakin
Niyakap ako't pinuno ng lambing
Di ko inaasahan ang naging
reaksiyon mo
Sigawan mo ba naman yung tao't
sinabing girlfriend mo ko?

Nagulat man sa narinig ay napabulanghit ako ng tawa
Bakas ang gulat sa mukha mo,
puno ng pagtataka
Ang lakas ng loob mong
sigawan ang kuya ko
Buti nalang hindi siya
nagalit tulad mo

Nagdaan pa ang mga araw,
buwan at taon
Sa pagiging makulit,
nanatili kang ganoon
Puso ma'y puno pa
ng mga pagdududa
Batid nitong sayo'y
unti-unti nahuhulog na

Dumating ang araw kung kailan pinagbigyan kita
Nakita ko kaagad sayo
kung gaano ka kasaya
Maghintay man ng matagal
ay di ka aangal
Sabi mo kasi ganoon
mo'ko kamahal

Lumipas pa ang oras,
araw at mga buwan
Handa na akong magtapat
ng pagmamahal
Puno man ng kaba
ay hinintay kita
Ngunit di ka dumating,
di tayo nagkita

Kinabukasan nga
ako ma'y natuklasan
Maiiyak, matatawa, di alam
kung ano'ng mararamdaman
Nagising nalang ako
sa isang masamang balita
Yung nanaising mong
di marinig, makaharap, makita

Napuno ng pagsisisi
ang buong pagkatao ko
Bumabaon, nanunuot
ang sakit na nadulot mo
Kung bakit sinayang ang
mga panahong kasama ka
Nang hindi man lang nasabi
sa'yong mahal kita

Alas syete ng gabi,
ikalawa ng Mayo
Bitbit ay bulaklak at
mamahaling regalo
Ang balak mong surpresa
sa kaarawan ko
Ang siyang naging mitsa
ng buhay mo

Isang umaga sa
araw ng libing mo
Walang lumabas na
mga salita sa labi ko
Luha'y hinahayaang ko
lang sa pagpatak
Kasabay nang puso
kong iniwan mong wasak

By: Knipalej

Sleeping Pills Where stories live. Discover now