Dug-dug, dug-dug, dug-dug...
A-ano ito? Bakit ganito katindi ang tibok ng puso ko? Hindi na tulad ng dati na kilig-kilig lang. Iba na ba ang tingin ko sa kanya? Bakit tuwing nakikita ko siya dati ay napapa-iwas ako, at ngayon naman ay napapabilis ang tibok ng puso ko? Bakit sa tuwing lalapit siya ay napapailang ako?
Dug-dug, dug-dug, dug-dug...
Ang itsura niya. Ang boses niya. Ang ngiti niya. Lahat ng ito ay nagbago. Iba na siya, lalo siyang lumevel-up. Bago na ang lahat sa kaniya. Pati na rin kaya ang paningin ko?
Dug-dug, dug-dug, dug-dug...
Akala ko nakapag-move on na ako, akala ko nagbago na ako, pero nagkakamali ako. Bakit pa ba siya bumalik sa buhay ko? Itinadhana ba talaga kami?
BINABASA MO ANG
Stuck
RandomHanggang ngayon, hindi pa rin akong makapaniwala na... crush pa rin kita.
