39- Bittersweet Victory

Magsimula sa umpisa
                                    

She screamed and screamed, letting the frustration out.

Tawa ni Yitzhak ang nagpatigil kay Rifka. Marahas niya itong nilingon at nakita niya ang ngisi nito habang dahan-dahang tumayo.

He was beaming in pleasure.

Kumunot ano noo ng dalaga dahil sa pagtataka. Bakit ito nakangiti?

"Masarap ba sa pakiramdam?" tanong nito nang hindi mawala-wala ang napakalaking ngisi.

He looked like he was enjoying everything. Even getting beat up.

"Masarap ba sa pakiramdam ang pumatay? Ha, Rifka?"

Hindi nakasagot ang dalaga. Ilan ba ang napatay niya sa araw na ito?

At ano ang naramdaman niya habang ginagawa iyun?

Tuwa? Satisfaction?

"You are a lot like me, Rifka Spivak. I also killed those who got in my way in reaching my goals."

"Hindi tayo magkatulad," Rifka hissed.

Tumawa uli ang lalaki. His injuries were already healed.

"Why did you kill all those vampires? Ano ang rason mo?" his voice was calm. But menacing.

"To get rid of you. Para putulin ang kasamaan mo," singhal ni Rifka at tumawa nanaman ang lalaki.

"See? You kill just to get to your goal of getting rid of me. We are the same."

"Hindi ako katulad mong pumapatay ng mga inosente!" malakas na sigaw ni Rifka bago sinugod si Yitzhak.

Sinuntok niya ito, sinipa, pero nailagan nito ang lahat ng atake niya. Sa kamay nito ay naroon pa rin ang blowgun nito.

"Kung alam ko lang noon na isa ka palang Spivak, sana pinapatay na kita noong bata ka pa. Noong hindi ka pa sakit sa ulo," sabi nito at ito naman ang nagpakawala ng malakas at mabilis na suntok.

Hindi iyun nailagan ng dalaga at tumama iyun sa kanyang panga kaya agad siyang napaatras. She spit blood bago niya pinunasan ang gilid ng kanyang bibig gamit ang likod ng kanyang braso.

"Ito ba ang natutunan mo sa paaralang ipinagmamalaki ng ISOP?" he mockingly said. "Kita mo kung ano ang nangyari sa tatlo mong kasama? Ang dali nilang natalo. Namatay pa," anito saka tumawa ng malakas.

Mas lalong kumulo ang dugo ni Rifka dahil sa sinabi nito. He was intentionally provoking her.

"Wag na 'wag mo silang banggitin. Your filthy mouth is not even an ounce worthy to speak of them!"

Mas tumawa si Yitzhak dahil sa galit na nakapinta sa kanyang mukha.

"Friends," naiiling nitong sabi. "Friends are weakness. I can tell you're a lot stronger than this but your mind is clouded by too much grief. You can't function well."

"Tama na ang pakikipagkwentuhan mo, Yitzhak," ani Rifka at muling sinuntok ang lalaki. Tinamaan niya ito sa panga sa pagkakataong iyun at malakas iyun kaya natumba ito.

She charged again, this time, using her sword but he was able to dodge every attack.

"Come on. Show me what you got," hamon nito sa kanya habang tila demonyong nakangiti.

Isang atake pa ang ginawa niya. Nailagan nito ang kanyang espada ngunit hindi ang malakas na sipa na tumama sa dibdib nito kaya napaatras ito bago bumagsak.

"Not good enough, kid," anito saka tumawa uli at tumayo.

"Not good enough pero bagsak," bulong ni Rifka sa sarili.

SentryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon