21- Friends

7.1K 337 58
                                    

Seryosong binabasa ni Gaius ang ilang papeles na nasa ibabaw ng kanyang mesa rito sa loob ng kanyang opisina na tanging siya lamang ang pwedeng pumasok. Ilang taon din niyang hinintay ang report na 'yun at ngayong nasa mga kamay na niya iyun ay bigla siyang nakaramdam ng panghihina.

Hindi siya makapaniwala na totoo nga ang hinala niya.

Bakit nito nagawa ang bagay na 'yun?

Anim na taon na rin ang nakalipas at ngayon lang siya nakahanap ng sapat na ebidensya na maaaring makasira sa buhay ng taong 'yun.

Huminga siya ng malalim bago kinuha ang cellphone na nasa bulsa ng kanyang pantalon. Agad siyang nag-dial at pagkaraan ng ilang ring ay may sumagot din sa kabilang linya.

"Hello, Gaius, may problema ba?" ito agad ang naging bungad ng nasa kabila.

"Dad, how are you?" mahina niyang tanong.

"I'm fine. Nandito ako sa ospital ngayon. Ikaw ba, kumusta? Kayo ni Forrest," sabi ni Damian Kühn.

"We are fine, Dad. Why are you in the hospital? Buying blood for consumption?"

"No. Nandito si Reyvah ngayon. Manganganak na s'ya," kahit na nanginginig sa nerbyos ang boses ng ama niya ay mababakas pa rin doon ang excitement.

Hindi tuloy niya mapigilan ang mapangiti.

"I'm going to be a big brother now, huh?" aniya.

"Yes. You're going to have a younger sister," masaya nitong sagot.

Masaya siya para sa ama niya. Finally, masasabi niyang tama ang naging desisyon nito na iwanan sila six years ago. Ngayon nga, magkakaroon na ito ng anak sa bago nitong asawa na isang mortal.

Magkakaroon siya ng half-sister na vampire-human.

"Bakit ka nga pala napatawag?" tanong nito.

"Nothing. I just wanted to know how you're doing there in Athenun," aniya. Naisip niyang huwag na lang munang sabihin dito ang talagang pakay niya lalo na at may kailangan itong mas pagtuunan ng pansin.

"Balita ko ay bumalik na d'yan si Auberon," sabi nito kaya napabuntung-hininga siya.

"Yes. Habang tumatagal mas nagiging katulad na siya ni Mom," naiiling niyang sagot.

Narinig niya ang mahinang tawa ng ama niya kaya napangiti siya. "What do you expect? Just make sure na babantayan mo s'ya, okay, son? She's still your sister."

"Ano pa nga ba? Sige, Dad. Asikasuhin mo muna si Reyvah. Tawag na lang ako uli."

"Alright. Tell Forrest to call me too. Take care. I love you, son."

"I love you, Dad. Ingat kayo," sagot niya saka pinatay ang tawag.

Napangiti siya nang maisip ang bago niyang kapatid. One day, he would go to Athenun to visit his father and his family. Halos isang taon na rin mula n'ong bumisita siya roon.

Si Reyvah, his father's second wife, ay isang mortal. Apat na taon lang ang tanda nito sa kanya at alam nito ang tungkol sa kanila. Vampires.

Muli siyang napatitig sa mga papeles na nasa kanyang mesa.

Kailangan niyang gumawa ng paraan tungkol d'on.

Sunod niyang tiningnan ay ang kanyang bank account app na nasa kanyang cellphone.

Medyo malaki na rin ang naipon n'ya mula sa pagtatrabaho. Doon niya kukunin ang ipapasweldo niya kay Rifka. 

Iniligpit na muna niya ang kanyang mga gamit bago siya lumabas ng kanyang opisina.

SentryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon