Chapter 7

1.1K 37 5
                                    

Habang nilulunod ni Zoe ang sarili sa alak ay wala s'yang kamalay-malay na sa 'di kalayuan ay pinagmamasdan s'ya ni Reighn at lihim na natutuwa sa nangyayari sa kan'ya.

"Sige lang Zoe masaktan ka lang habang nakikita mong masaya kaming pareho ni Dylan." Ani niya sa kanyang isip.

"Kung dati solong-solo mo siya p'wes ngayon iba na. Ngayong abot-kamay ko na ang tagumpay at hinding-hindi kita hahayaang nakawin 'yon sa akin." Ito ay sinasabi niya sa kanyang sarili habang sinabayan niya ng pag-ngisi.

High school pa lamang sila noon ay lihim na niyang minamahal ang binata. Noong unang beses niyang makita si Dylan sa birthday party ng kuya niya, sa hindi malamang dahilan ay nagsimulang tumibok ang puso niya sa binata.


Kaya noong magkaroon sila nang pagkakataon na makapag-usap sa araw din na 'yon ay nag uumapaw ang saya na naramdaman niya, subalit saglit ding napawi 'yon nang tawagin ni Zoe si Dylan at tuluyan ng nawala ang  atensyon ng binata sa kanya. Maya maya pa, ay nagulat siya ng magpaalam  ang dalawa na uuwi na dahil inaantok na raw si Zoe.

Isang magandang pagkakataon na sana 'yon para maitanong kay Dylan kung girlfriend ba nito si Zoe. Napapansin kasi niya na kahit saan magpunta si Dylan ay laging nakabuntot si Zoe sa binata na akala mo magugunaw na kinabukasan ang mundo. Hindi niya maiwasang mainis sa dalaga dahil hindi nangyari ang sana'y magandang pagkakataon na makausap si Dylan.

Kahit itanggi niya kanino man, alam niya sa sarili niya na naiinggit siya kay Zoe. Gusto din niyang mapansin, mabigyan ng atensiyon at pagmamahal ni Dylan kagaya ng ibinibigay nito kay Zoe.

Minsan na rin niyang hinangad ang mapunta sa posisyon ni Zoe pero hindi niya maisakatuparan 'yon dahil parang isang tuko si Zoe na laging nakadikit kay Dylan.

Tuluyan siyang nawalan ng pag-asa nang magdesisyon ang Mommy niya na dalhin siya sa America upang pansamantalang manirahan doon noong panahon na maghiwalay ang mga magulang nila.

"Akin lang si Dylan, Zoe! Sisiguraduhin kong hindi mo siya maaagaw sa akin!" sigaw niya sa kanyang isip. Natigil bigla ang kanyang pag-iisip nang tawagin siya ni Dylan.

"Reighn! Nandito ka lang pala. Tara at bumalik na tayo sa table." Hinawakan ni Dylan ang kamay niya.

"I'm sorry kung pinaghintay kita Dylan. May kinausap lang akong bisita ni kuya. " Pagdadahilan niya rito.

"It's okay, Reighn. No need to apologized, okay?" Sabay ngiti ng binata sa kan'ya.

"Tara na Dylan. Baka hinahanap na tayo ni kuya." Tiningala niya ang binata at binigyan niya ito bigla ng isang simpleng halil sa pisngi.

Pagbalik sa kanilang mesa ay nadatnan na ni Dylan at Reighn sina Zoe at Hayden na naroon din kaya nagpasya silang apat na uminom na lamang.

"Cheers guys!" sabi ng birthday celebrant na si Hayden.

"Cheers!" sabay-sabay na sigaw nila. Sa kalagitnaan ng inoman ay nagpaalam si Zoe na magbabanyo na muna. Habang abala sa pag-iinom ay hindi napansin ni Dylan ang pagsenyas ni Reighn kay Hayden na sundan nito si Zoe. Hindi na rin nakita ni Dylan ang mala-demonyong ngiti Reighn. 

Ramdam na ni Zoe ang epekto ng alak sa kanyang kaibuturan. Nahihilo na siya habang tinatahak ang daan papuntang banyo. Nang makita ang hinahanap ay nagpasya siyang maghilamos muna para kahit papaano ay mahimasmasan. Kasabay ng pagbasa niya sa kanyang mukha ay ang pagtulo ng mga luha na kanina pa nagbabadyang kumawala.

Nasasaktan siya nang sobra na makita ang lalaking minahal niya sa matagal na panahon na masaya sa iba at ang masaklap pa ay sa babaeng kinamumuhian pa niya.

"Bakit hindi na lang ako Dylan? Ako na laging kasama mo kahit noong bata pa lang tayo. Ako na bestfriend mo na handa kang mahalin nang totoo." Ani niya sa sarili at tuluyan na ngang  humagulgol.

Nasa ganoong ayos si Zoe nang mabaling ang atensiyon niya sa may bungad ng banyo. Nagulat pa siya nang makita doon si Hayden. Kahit nahihilo siya ay alam niyang hindi siya namamalikmata lang.

"Anong ginagawa niya dito?" Tanong niya sa kanyang sarili.

"Zoe are you okay? Bakit ka nandiyan?" tanong ni Hayden sa kanya.

"Kaya ako nandito kasi trip kong mag walling ganon." Sagot ni zoe sa kanyang isip pero hindi na niya isinatinig 'yon.

"Nahihilo lang ako Hayden pero kaya ko pa naman." Akma na sana siyang tatayo nang ma-out of balance siya. Buti na lang maagap siyang nahawakan ni hayden sa kanyang baywang. Itinayo siya nito nang maayos at pinunasan ang mga butil ng pawis sa kanyang mukha gamit ang isang kamay.

"You're not okay Zoe. Halika tutulungan na kita," ani Hayden.

"Salamat." Tipid na sabi niya sa binata. Magkadikit ang katawan nila kaya hindi maiwasan ni Zoe ang mailang dito.

Gwapo, matalino at malakas ang sex appeal ni Hayden at kahit sinong babae ay mahuhumaling dito. Matagal na ding  nagpapahiwatig ang binata na gusto siya nito pero sadyang nakatuon ang buong atensiyon niya kay Dylan kaya hindi niya ito binibigyan ng pansin. Si Dylan lang ang lalaking minamahal niya dati pa na ngayon ay siyang dahilan nang sakit na nararamdaman niya.

"Zoe, are you crying?" pukaw ni Hayden sa pagmumuni-muni niya. Hindi man lang niya namamalayan na umaagos na  pala ang luha sa mga mata niya.

"Huh? Ah! Ano ka ba... Ayos lang ako. Napping lang! Shit! Bakit ka nga pala nandito? Sinusundan mo ba ako?" pag-iiba niya sa usapan.


"Of course not! Papunta na sana ako ng rest room nang may marinig akong humihikbi kaya sumilip na ako at nakita nga kita." paliwanag ni Hayden.

"Huwag mo ng isipin 'yon. Halika na bumalik na tayo sa kanila." pag-iiwas ni Zoe.

"No Zoe! Hindi tayo babalik doon hangga't hindi ko nasisiguradong okay ka... Si Dylan ba ang dahilan  Zoe?" tanong ni hayden sa kanya. Umiling siya at akma na sanang aalis ngunit bigla na naman siyang nakaramdam ng pagkahilo. Naging malabo na rin ang paningin niya. Naiyakap ni Hayden ang kanyang mga braso sa katawan ni Zoe.

"I'm tired. Gusto ko ng umuwi." Pinikit niya ang kanyang mga mata. Naramdaman niya ang paghagod ni Hayden sa kanyang likuran at ang paghigpit ng yakap nito.

"Ihahatid na kita sa inyo," ani ni Hayden sa bandang taenga niya. Ramdam niya ang mainit na hininga nito sa kanyang leeg.

Iyon ang eksenang naabutan ni Dylan. Nakita niya ang posisyon nilang dalawa. Kahit marami na siyang nainom ay nasa katinuan pa naman ang pag-iisip niya.

"What are you doing, Hayden?" bigla nitong sigaw at agad na hinila si Hayden at binigyan ng isang suntok sa mukha. Nagulat din ang kaibigan sa ginawa niya. Napagiwang ang katawan ni Zoe nang mapakawalan siya ni Hayden at namilog ang mga mata niya nang makitang sinuntok nito si Hayden.

"Dylan! Bakit ka ba nanununtok? Walang ginagawa si Hayden sa akin!" namumula ang mukha niya habang nagsasalita. Buti na lang at wala pang pumapasok sa lugar kung nasaan sila.

"Easy bro! Tinutulungan ko lang si Zoe dahil nahihilo siya. Iba ang nasa isip mo... Shit!" mura nito nang malasahan ang sariling dugo mula sa labi nito na pumutok.

Dugtong ni MaryDeJuan

My Secret RomanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon