Chapter 9
Two birds at the same time
Hindi na talaga tama to. Kanina pa ako nag-iisip ng isasagot ko sa homework ko pero damn! Ang halik niya lang ang tanging naglalaro sa isipan ko. Kanina ko pa halos pinabalik-balik basahin ang paragraph, tinakpan ko na ang tenga, nagsaksak na ako ng earphone sa tenga ko. Nawawala saglit pero naghahari pa din sa utak ko.
--
From: Yorx
You are such a temptation to me, Airish. That's why even if your just stuttering makes me own you right that time. Sorry for the kiss. I'll try to hold back this urge next time.
--
Eto. Isa pa to. Kung ginugulo na ako ng halik na yon, dinagdagan pa nito. Pagkatapos ko kasing maligo ay nagtext sya sakin. Inulit ko pa talaga ang pagbasa tsaka ko mas naabsorb ng mabuti ang mensahe niyang ito. Hindi ko siya nireplyan. I dont even know what to say. I hate him for saying sorry about the kiss eh okey lang naman sakin. Ganito ba talaga ang aspetong ito? Nakakabaliw pala. Mas mahirap pa sa math problems. Ang hirap mangalap ng sagot lalo na't first time mo. Sabi nila, ang love daw nagsisimula sa pagkakaibigan, hanggang magkagustuhan sa isa't-isa at humantong sa romantic love. But the hell, we didn't even started as a friend. Basta niya nalang pinaramdam sakin ang mga bagay na hindi ko pa dapat maranasan and then boom! Everything is in mess na. Ni hindi ko pa nakikita ang mukha niya! The heck! I really have to hold back my feelings. Kailangan kong magpigil. Ako ang babae kaya dapat ako ang magpigil.
Ngayong hindi ko pa siya nakita ay nagkakaroon na ko ng pagtingin sa kanya, pa'no pa kaya kung magpakita siya sa'kin?
Sinulyapan ko sila Luna at Shiela na mahimbing ng natutulog. Buti pa sila, ang ayos na ng tulog. Samantalang ako, hinahanap pa ang antok.
Since hindi pa naman ako antok ay tumungo muna ako sa veranda. Balot ang paligid ng liwanag ng buwan. Halos wala ng gumagalaw sa labas. May nakita lang akong nakauniform na lalake papasok sa unit na kaharap ng unit ko. Ahh.. Sya pala ang nakatira jan. Hindi ko siya mamukaan dahil natatakpan siya ng anino ng unit niya pero sure akong taga-Centrolopez U siya, base na din sa suot niya. Bahagyang nag-angat ng ulo ang lalake saglit at pumasok na sa loob. May umuuwi pa palang estudyante sa ganitong oras?
Now ako nalang talaga ang mag-isang nakadungaw sa labas. Hindi naman siguro nakakatakot dito kasi village naman. Besides, may guard pa naman sa gate.
Narinig kong tumunog ang cellphone ko. Kinuha ko ito at sinagot nang mapagsino. Si Bryan. Bakit naman yun tatawag ng hatinggabi?
"Hello?", may malakas na music sa background nito kaya mas naging attentive ang tenga ko.
(G-Good evening, beshpren!!!)
Nasapo ko ang aking noo. Lasing ito panigurado.
"Lasing ka ba? Asan ka?", tanong ko agad.
(He-he he! Hu-Hulaan mhoh, beshpren! Hoooo)
"Ghad! Bryan, wala akong time makipaglaro sayo! Asan ka ba?!".
(Uyyyy! Na- touch nhaman hak-ako sha yo, beshpren! Nasha...Asan nga tayo, brad?...), pinapakinggan ko lang siya habang may kausap yata na kung sinoman, (Nasha-Ahh nasa RG. Metal Bar dhaw eh! Punta ka dito! Inuman tayooo! Woooh!)
Pinatay ko agad ang cellphone ko at kinuha ang jacket sa drawer. Ano bang nangyayari sa taong yun at nagpapakalasing? May nangyari naman kaya?
Buti nalang malapit lang dito ang bar na sinasabi niya. Halos nasa harap lang ng university.
YOU ARE READING
Guy in the Dark (on-hold)
Teen FictionSi Airish, isang simpleng babae, ay matagal na pinagmamasdan ng isang estranghero simula High School. Ngayong nasa kolehiyo na siya ay nagsimula ng nagparamdam ang estranherong ito sa pamamagitan ng mga bagay na maaaring makapaghinuha sa kanyang may...
