“Hindi ko akalaing ganyan ka! You have Andrei at ngayon si Cedric? Tell me, sino pa ba huh?!”- pagtutuloy ni Vince.
Every word he say..
Stings..
Bakit ang sakit?
“Sino bang nagsabi na kailangan mong i-cancel ang meeting mo para sa isang tulad ko ha?! Sino bang nagpumilit na sunduin ako?! At isa pa wag na wag mo akong igagaya sa mga babae mo! Wag mo ring idadamay dito si Andrei! At si Cedric? Hindi mo ba alam na kailangan mo pang mag-sorry sa kanya. At higit sa lahat hindi ko na kasalanan kung ayaw mo akong paniwalaan. It’s not all my fault so don’t put the blame entirely on me!”
“Did I hear you correctly? Fine, Andrei is your bestfriend but Cedric? I can’t let go that one easily. Pinapagtanggol mo siya? TSK. You were kissing outside my house and you think that’s nothing?!”
“Ano ba Vince! That’s so stupid. He wasn’t kissing me!”- bulyaw ko sa kanya.
“It didn’t happen because I punched him before he got the chance! He’s clearly getting advantage of you and you’re happy to accept it. Ayos ah. Magaling ka mamili, mayaman na gwapo pa!”
Ganoon ba ang tingin niya sa akin na ganoon lang kadali? Easy girl at pera lang ang habol?
How can Vince hurt me that much..
How can I let him hurt me so bad that I think I'm bleeding right now?
Nangingilid na ang mga luha ko pero kailangan ko ‘tong tiisin. Cha.. kaya mo yan.
“Wag mo nga akong sigawan! You’re neither my father nor my brother so stop acting like one! Sige, tama ka. Gusto ko si Cedric, ano naman sayo?! Oo gusto ko ang mga nangyari masaya ka na?” Matapos nun ay tumalikod na ako at lumakad patungo sa pinto. Gusto ko ng umalis dito dahil baka bumigay na ang mga luha ko. Ang gulo gulo ng isipan ko parang sasabog na. Hindi ko mainitindihan.
YOU ARE READING
My Only Exception (Slow update)
Teen FictionYou promised you won't dare to fall in love but what if one day your childhood mortal enemy/rich and incredibly handsome prince once again came into your life to stay with you in one roof? And take note, you also have a guy best friend who secret...
Chapter23 - It won't be the same again
Start from the beginning
